“Bella,” I heard Laura call me at napalingon ako sa kanya at dahan dahan na umupo. She smiled at me at lumapit sa akin. “Mamamasyal tayo,” Masaya na sabi niya at nagtaka naman ako. Ano ba ang pinagsasabi nito? Hindi nga ako makalabas sa kwarto tapos mamamasyal kami. “Huh?” Nagtataka na tanong ko. “Sabi ng Hari na mamasyal tayo at bilhan ka ng mga gamit.” Sabi niya at hindi ako makapaniwala. Sinabi ba talaga iyon ni Marco? Kahapon lang, galit na galit siya sa akin tapos ngayon, biglang nagbago na naman ang isip niya. Bakit niya kaya ako pinayagan na mamasyal at pinabilhan niya pa ako ng mga gamit? “Talaga?” Gulat na tanong ko and she nodded her head while smiling. Dahan dahan akong tumayo habang ngumingiti. Nagbihis na ako at lumabas kami ni Laura. May isang gwardiya na sumunod sa amin

