DESIRE

1107 Words
TULALANG nakatingin si Desire sa malawak na karagatan sa harap ng hotel kung nasaan siya ngayon. Sa isang kilalang resort sa Batangas siya dinala ni Jobert ang pulis na nakilala niya nagdaang buwan—alam niya kung bakit sa malayong lugar siya nito piniling dalhin. Pamilyado ang lalaki at hindi naman lingid sa kaniya 'yon nang makilala niya ito. Sumugod pa rin siya sa giyera kahit na alam niyang ikakapahamak niya. Sino ba naman ang makakatanggi sa isang lalaking—bukod sa may itsura, makapal pa ang bulsa at hindi lang 'yon sa ilang gabing magkasama sila alam niyang matigas at mahaba din ang kargada nito. Natawa si Desire sa sarili. Kailan pa ba siya naging interesado sa laki o haba ng kargada ng isang lalaki? Napailing-iling siya sa mga naisip—hindi naman siya ganoon. Muli niyang binato ang tingin sa kawalan—tahimik ang dagat, walang gaanong alon. Parang nakikisabay lang ito sa damdaming mayroon siya ng mga sandaling 'yon. Gusto niya ng katahimikan at 'yon ang hanap niya ilang buwan na rin ang nakaraan. Mabuti na nga lang at naisipan din ni Jobert na dalhin siya r'on—at least naka-libre na nag-enjoy pa siya. Not bad! aniya ni Desire sa sarili. [Hi! Nasaan ka? Nasa duty lang ako. Babalik din ako sa hotel after nito.] Natanggap niyang text mula sa lalaki. Malakas ang pakiramdam niyang patay na patay ito sa kaniya. Sino ba naman ang hindi? Maganda ang hubog ng katawan ni Desire, maputi ang kaniyang kutis, brown na brown ang kulay ng kaniyang mga mata, manipis ang kaniyang labi at matangos ang kaniyang ilong—katamtaman lang din ang tangkad niya at idagdag pa ang mahaba, makintab at straight niyang buhok na lalong nagbibigay ng ganda sa kaniya. She's almost perfect. Madalas niya nga sabihin sa sarili niya na kung mayaman lang siya o katulad lang ng kaibigan niyang si Clarissa ang buhay niya, malamang wala itong binatbat sa kaniya. Napabuntong-hininga siya nang maisip ang kaibigan. Matagal nang nasa Amerika ito, doon na naninirahan at tila nakalimutan na rin siya, ilang buwan na rin itong halos hindi tumatawag sa kaniya. Ano pa nga ba ang aasahan niya kay Clarissa? Mayroon ito ng lahat—lahat ng wala siya. Siguro kaya lang naman siya kinaibigan nito dahil wala itong choice. Iyon ang madalas niyang paniwalaan. [Okay. Pasalubong ko ha.] Reply niya kay Jobert. [I will, Baby. Ingat ka d'yan.] Napangiwi siya sa reply ng lalaki. 'Ang kapal ng mukhang tawagin akong baby—hindi man lang naabalidbaran sa katotohanang may pamilya na ito!' galit na bulong ni Desire sa sarili. Kung hindi niya lang talaga kailangan ng malaking pera para makatulong sa pagpapagamot sa Tiya Thelma niya. Hinding-hindi siya papatol sa pulis patola na katulad ni Jobert. Naiipit lang siya sa sitwasyon at kailangan niyang panindigan 'yon, alang-alang sa tiyahin niya muli siyang magpapaka-puta. Muli niyang inikot ang tingin sa paligid. May kung ano'ng bumubulong sa kaniyang maglunoy muna sandali habang wala pa si Jobert. Malamang dadaan pa ito tunay nitong pamilya bago siya puntahan. May karapatan ba siyang mag-demand? Wala! Dahil pinasok niya ang sitwasyong 'to na sa sarili niya alam niyang mahihirapan siya. Pinili ng tumayo ni Desire—magpapahinga na lang siguro siya sa hotel room nila habang hinihintay ang lalaki. Tulad ng sinabi nito alam niyang babalik din naman ito sa kaniya. Hindi naman ito magtatagal, dahil tulad nang sabi ni Jobert nag-file ito ng dalawang linggong leave para samahan siya sa resort na 'yon. Hindi niya hiningi 'to sa lalaki, kusa itong binigay sa kaniya ni Jobert. Ayaw niya naman talaga humingi ng kahit na ano dito—hindi niya nga alam kung maituturing niya ba ang sarili niyang swerte dahil sa pagkakaroon ng isang kagaya nito. Napailing-iling si Desire sa mga naisip. Jobert is not her ideal man—may pamilya ito at wala siyang balak sirain ng tuluyan ang buhay nito. Sa ngayon hindi niya pa alam kung paano makakawala, wala rin siyang alam na kapitan at ito lamang ang tanong nandiyan para sa kaniya. She know her limitation—hangga't maaari pinapangako niya sa sarili niyang walang kahit na ano ang pweding mangyari sa kanila na tuluyang makasira sa pamilya na mayroon ito, alang-alang na lamang sa mga anak nito na masasaktan niya 'pag pinagpatuloy ang relasyon nilang dalawa; wala siyang sisiraing pamilya sa pagkakataong 'yon at higit sa lahat wala siyang mga batang aalisan ng ama para masira ang isang buong pamilya. Itatama niya ang lahat, iyon ang pangako ni Desire sa sarili. Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Desire. Minsan hindi niya na kilala ang sarili niya, pero masisisi niya ba kung ito ang naging kapalaran niya? Bata pa lamang siya nabuhay na siyang mag-isa, mula nang iwan siya ng mga sarili niyang magulang sa labas ng isang simbahan. Mabuti na nga lang may ilang madreng nakakita sa kaniya—inalagaan, binihisan at minahal siya ng mga 'to na hindi sa kalaunan pinili niya ring iwan para hanapin ang sariling katauhan. Masakit para kay Desire ang kaniyang kapalaran, pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Kung ang sarili niya ngang magulang nagawa siyang talikuran—paano pa ang ibang tao? Kung hindi siya ang mauunang iwan si Jobert, malamang ito ang tatalikod sa kaniya at muli siyang maiiwang mag-isa. Handa naman siya, mula nang iwan siya ni Clarissa hinanda niya na ang sarili niya na walang kahit na sino ang permanenteng mananatili sa kaniya. And, Jobert is not the exemption. Mawawala rin ito sa kaniya. Muling napasinghap sa kawalan si Desire—hindi niya namalayan nakarating na pala siya sa hotel kung saan sila tumuloy ni Jobert. "Everything will be alright Desire!" malungkot na bulong ni Desire sa sarili. Ganito naman siya palagi, kapag gusto niyang palakasin ang loob. Sino pa ang gagawa n'on para sa kaniya? Mula sa kaniyang bulsa nilabas niya ang key card na iniwan sa kaniya ng lalaki. She slid the key card into the doorlock. Agad naman bumukas ang pinto nang itulak niya. Tahimik ang buong paligid. Muli niyang naramdaman ang kahungkagan ng buhay niya. Mapait siyang ngumiti—tumingala para pigilan ang mga luhang gustong kumuwala. 'Here you are again! Hindi ka ba nasasanay Desire?' mapait niyang tanong sa sarili. Dapat naman talaga sanay na siya? Ilang taon niya na ring gawain 'to, hindi niya na halos mabilang at hindi lang iisang lalaki ang nag-dala sa kaniya sa ganoong uri ng lugar. Napapikit sa kawalan si Desire, kasunod ang nag-unahang pagbagsakan ng butil ng mga luha sa pisngi niyang pinilit niyang pigilan. Sa mga sandaling 'yon isa na naman siyang babaeng may mababang uri ng lipad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD