PHIL'S POV Titig na titig ako sa mukha ng tanging babaeng minahal ko katulad ng pagmamahal ko kay Zandro. Gusto kong maramdaman iyong damdaming una kong naramdaman noong una ko itong makita. Hindi ko na makapa sa aking puso ang mga damdaming buhay na buhay pa rin sa mga alaala ko. Kailan ba huling bumilis ang t***k ng puso ko habang pinagmasdan ang mukha ng babaeng mahal ko? Huling pagkaalala ko ay noong nakaraang buwan habang binabantayan ko siyang natutulog sa hospital bed. Parehong mukha, parehong mga ngiti at parehong mga mata pero bakit magkaiba ang damdaming pinapadama sa akin? Hindi ko alam kung kailan nagsimulang bigla na lang ako may napansing pagbabago sa kanya. Namayat ba siya o baka naman ganito na siya rati pa at dahil mahal na mahal ko ay di ko binigyang pansin ang ta

