chapter 2

1447 Words
Sa isang high end bar kami dinala ni Alex kinagabihan. Kilala ang bar na pinuntahan namin kaya mahaba ang pila sa labas ng mga gustong makapasok. Mahigpit iyong security dahil kalimitan sa mga nagpupunta dito ay mga sikat na personalidad. Di na nakakagulat nang deretso kaming pinapasok at di na pinapila pa dahil kasama lang naman namin ang isang Carson kahit pa sabihing Ramirez iyong dala niyang apelyido, apilyedo yata iyon ng Mommy niya noong dalaga pa ito. Kahit nga iyong Ramirez na apelyido niya ay sapat na upang makuha niya kahit anong gustuhin niya kaya mapapasana-all ka na lang. Ang nakakatuwa lang ay napakasarap kasama ni Alex at walang kaarte-arte. Kalimitan mang lumalabas ang pagiging maldita nito pero nakalaan lang iyon sa mga taong napaghalataan niyang di maganda iyong ugali. Sa isang VIP room kami dinala ni Alex at pagdating namin doon ay maraming alak at pulutan ang naghihintay sa amin. "Grabe, mauubos ba natin lahat ito?" natatawang tanong ni Joy habang iminwestra ang iba't ibang mamahaling inumin. Di naman kami mahirap pero hindi rin kami ganun kayaman kaya nakakalula talaga ang mga mamahaling inuming nasa harapan namin. "Welcome party ko ito sa sarili ko kaya kailangan ubusin natin ito!" nakatawang sagot ni Alex at sinimulan nang buksan iyong pinakamalapit na inumin sa kanya. Mukhang may pagkalasengga pa yata ang babaeng ito. Ilang sandali lang ay parang mga uhaw sa alak na nagsilaklakan iyong mga kasama ko. Balak ko pa naman sanang gumapang sa kalasingan ngayong gabi pero kailangang may matirang matino sa aming anim kaya di ako gaanong uminom. Ilang sandali lang ay nagkayayaan ng sumayaw iyong mga kasama ko. Parang mga takas sa mental na sina Joy at Caren na nagwala sa dancefloor. Si Anne naman ay nawili sa paghalo-halo ng mga alak kaya nagpaiwan kasama namin ni Mae. Si Alex naman ay di ko na napansin kung saan napunta basta huli ko siyang nakita kanina na kasama nina Joy at Caren na sumasayaw ng baliw-baliwan sa dancefloor. Minsan talaga, nakakahiyang kasama itong mga kaibigan ko. "Okay ka lang?" napanuring tanong sakin ni Mae. "Oo naman. Ba't mo naitanong?" nagtataka kong balik tanong sa kanys. "Tahimik ka kasi," puna nito. "Kailan ba ako naging madaldal?" natatawa kong tanong. "Maloloko mo iyong iba pero hindi ako," seryoso nitong pahayag na bumura sa ngiti ko. Naalala ko na naman iyong nakita kong post sa IG ni Brando. Ikinapasalamat ko na lang ang biglang pagdating ni Alex. "Hey friends, kasama ko iyong Kuya ko at bestfriend niya," halatang lasing na anunsiyo ni Alex sabay akbay sakin. Ngayon ko lang yata narinig na tinawag niyang kuya si Sir Zandro. Naging magalang pala ang isang ito kapag lasing kasi tuwing nasa katinuan ang babaeng ito ay malutong na Zandro ang tawag niya sa kapatid niya. Buong bigat yata ni Alex ang isinandal niya sakin nang akbayan niya ako kaya muntikan na kaming sumubsob sa kinauupuan ko kung hindi naging maagap si Sir Zandro na alalayan ang kapatid niya na humagikhik lang. "Good evening po Sir," panabay naming bati nina Mae at Anne dito. Medyo nakakailang namang makasama sa galaan iyong mismong big boss mo. "Anong Sir? " mabilis na pananaway samin ng lasing na si Alex "Wala na tayo sa trabaho kaya Zandro ang itawag niyo diyan!" digtong pa nito na lihim kong ikinangiwi. Halos di ako makatingin kay Sir dahil baka kung ano pa ang iisipin niya sa amin. "Girls, kasama pala namin si Phil, bestfriend ni Kuya," pakilala ni Alex sa lalaking ngayon ko lang napansing kasama nilang magkapatid. "Phil, this is Shie,"patuloy na pagpakilala ni Alex sabay turo sa akin . "That's Anne and Mae. Nandoon pa sa dancefloor iyong iba naming kasama," dagdag pa nito.. Matangkad si Phil pero hindi kasing tangkad ni Sir Zandro. Napakaamo ng mukha nito, talo pa ang mukha ng isang babae at sa kabila ng papalit-palit na ilaw sa paligid ay kapansin-pansin ang taglay nitong kaputian. Napakalinis din nitong tingnan dahil sa suot na white loose long sleeve. Nakabukas ang ilang butones nito kaya medyo nasisilip ang matipuno nitong dibdib. Hindi nakapagtatakang bestfriend ito ni Sir Zandro dahil pareho silang gwapo. Iyon nga lang kumpara dito ay lalaking-lalaking tingnan si Sir. May something kasi kay Sir Zandro na nagsusumigaw sa pagkadominante, hindi katulad nitong kaibigan niyang si Phil na parang ang sarap lang titigan at parang ang daling lapitan. "Hi, nice meeting you all," nakangiti nitong bati sa amin. Wala sa sarili lang akong napatango dahil nakatulala ang paraan ng pagkakangiti nito. Maging sina Mae at Anne ay biglang napatanga sa kakisigan nito. Isang malakas na tikhim ang pumukaw sa bahagya kong pagkatunganga sa ngiti ni Phil. Nakakahiya, napansin yata ni Sir Zandro na pinagpantasyahan namin ang kaibigan niya. Kunwari akong nanonood sa mga nagsasayaw sa dancefloor a makikita mula dito sa kinaroroonan namin. Soundproof ang kinaroroonan naming VIP room pero matatanaw naman mula dito ang mga nagkasiyahan sa dancefloor kaya tanaw na tanaw ko ang baliw-baliwan na sayaw nina Joy at Caren. "Makiki-join sila sa atin. Okay lang ba sa inyo," pukaw ni Alex sa panonood ko sa pagsasayaw ng mga kaibigan ko. Alangan namang humindi kami kaya nagsitanguan na lang kami. Di siguro nakatiis sa pagkailang sina Mae at Anne kaya nagpaalam ang mga ito na sumayaw kasama iyong dalawang nauna. Gustuhin man naming lihim na pagnasahan ang mga gwapo naming kasama ay nakakahiya naman kasi nga boss namin iyong isa tapos bestfriend niya iyong kasama niya. Baka sesanti ang kalalabasan namin nito. Gusto ring sumayaw ni Alex kaya ang resulta ay mag-isa akong naiwan kasama ang dalawang naggugwapuhang lalaki na bawal namang pagpantasyahan. Para akong ginutom ng matagal na panahon tapos pinaghainan ng napakasarap na pagkain pero bawal kong kainin. Magkatabi sa kabilang couch sina Sir Zandro at iyong kaibigan niya kaya medyo nakaharap ako sa kanila. Upang mabawasan ang nararamdaman kong pagkailang ay inisang lagok ko iyong laman ng basong hawak ko. Gusto ko rin sanang umalis at sumama sa kabaliwan ng mga kaibigan ko sa dancefloor pero parang ang bastos naman kung iiwan ko dito sina Sir at ang kaibigan niya. Ikinapasalamat ko na lang na hindi nila ako kinakausap at sa halip ay sila-sila lang iyong pabulong na nag-uusap. Masyado pala talaga silang close at maging sa pagkakaupo ay masyado silang malapit sa isa't isa. Panay ang ngiti ni Sir Zandro sa bawat pabulong na sinabi ng katabi nito. Ngayon ko lang yata nakitang ngumiti si Sir. O baka naman nasobrahan na ako sa alak kaya kung anu-ano iyong nakikita ko. Patuloy lang ako sa pag-inom habang pasikretong ginawang pulutan iyong dalawang nasa harapan ko. Kahit kasi broken hearted pa ako sa gagong Brando na iyon ay di ko naman maitatangging ang sarap titigan ng nagugwapuhang nilalang na nasa harapan ko. Di ko namalayang naparami na iyong nainom ko pero di parin nagsibalik iyong mga kasama namin. Di ko parin sila napansin sa kinaroroonan nila kanina dahil mas lalong dumami iyong tao sa dancefloor. Nang muli kong balingan ng tingin iyong mga kaharap ko ay nanlaki ang mga mata ko at muntik ko ng mabitiwan ang hawak na baso nang makita iyong kaibigan ni Sir Zandro na si Phil na nakahawak iyong kamay sa kamay ni Sir. Hindi naman yata normal sa dalawang magkakaibigan ang magkahawak iyong kamay habang nagbubulungan di ba? Lasing na ba ako at kung anu-ano na iyong nakikita ko? "The f*ck!" di ko napigilang mura nang bigla ay naglapat ang mga labi nilang dalawa. Dahil sa pagmumura ko ay agad ding naghiwalay ang mga ito habang masama akong tiningnan ni Sir Zandro na para bang isa akong malaking isturbo. "B-bakit kayo naghalikan?" nauutal kong tanong habang tinuturo silang dalawa. Isang tawa lang ang sinagot sakin ni Phil habang seryoso lang akong tinitigan ni Sir Zandro. "Isn't it obvious? We're together," sabi ni Sir Zandro sa tonong para bang ang tanga-tanga ko. Di ako makapaniwalang nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Kahit saang anggulo, maliban sa di pangkaraniwang kaputian ni Phil ay wala akong ibang nakitang senyales ng pagiging bakla ng kahit isa sa kanila. Di ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Parang gusto kong iuntog ang ulo ko upang magising ako sa bangungot na ito. Tuwing nakakita ako ng bakla at lalaking magkarelasyon ay galit agad ang nararamdaman ko pero habang tinitigan ko ang magkahawak na kamay nina Sir Zandro at ng kaibigan niyang si Phil ay naghalo-halo ang emosyon ko. Hindi matanggap ng buo kong pagkatao na lalaki din ang makikinabang sa naggugwapuhang nilalang na nasa harapan ko. Iyong genes Lord! Sayang iyong genes!! Hindi pwede!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD