SKY'S POV "May problema ba?" tanong sakin ni Romantic Killer este Ace. Aish! Magkasama kami ngayon pabalik ng Gangster Town. Ang sabi niya kasi sakin babalik nalang kami kapag hindi na magulo ang utak ko. Syempre,sumang-ayon naman ako sa kanya. "W-Wala." Nakangiting sagot ko sa kanya. Ipinark niya lang ang kotse niya saka kami bumaba ng kotse at pumasok ng Gangster Town. *ring ring* Kinuha ko ang cellphone ko saka sinagot ang tawag. "Hello?" [Sky?] "Oh,Ate Annie?" [Umuwi ka muna,may gustong makipag-usap sayo.] "O,sige." Sagot ko saka ko binaba ang tawag. "Ahm,romantic killer,uuwi muna ako. Magkita nalang ulit tayo." Nakayukong paalam ko sa kanya. Maglalakad na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko. Agad naman akong humarap sa kanya. "B-Bakit?" tanong ko sa kanya. "Gusto mo ban

