"Ano ang masasabi mo sa proposed layout ng building, Anthony?" si Angelo na siniko ang kapatid.
"Ha? What proposed layout?" ang binata na tila galing sa isang mahabang pagtulog at noon lang nagising. Kanina pa siya kasama ng kapatid at sinusurvey ang lugar pero wala sa mga ito ang isip niya.
Nagtawanan ang dalawang lalaking kasama nila.
Napailing si Angelo at sumabay sa paglakad ng dalawang negosyante. Naiwan siyang nakasandal sa kotse. Kanina pa niya gustong tawagan si Ericka.
Alas nuwebe na siya umalis ng mansion pero tulog pa ang dalaga. Malapit nang mag-alas-dose at gusto niyang tawagan ito upang yayaing mag-lunch sa labas.
Hindi niya gustong mag-lunch kasama ang mga lalaking ito.
Dinampot niya ang CP sa loob ng kotse at idinayal ang mansion nang malingunan siya ni Angelo.
"Sino tinatawagan mo?"
"Si Er..." hindi niya naituloy ang sasabihin. muling ibinaba ang CP. Napatingin sa kapatid. Sasabihin ba niyang ang maid niya ang tinatawagan para yayaing kumain sa labas? He must be out of this mind!
So he thought it was just lust that he felt for her.
He made love to her the whole night. Over and over.
Iniisip niyang pagkatapos noon, she will be out of his system. Pero nagkamali siya. He couldn't get enough of her. Kulang ang buong magdamag sa pagtatalik nila.
Kaninang pinagmamasdan niyang natutulog ang dalaga, pinipigil niya ang sariling huwag itong hagkan at yakaping muli. Kung ginawa niya iyon ay natitiyak niyang hindi siya makararating sa appointment na ito. Na mabuti pa nga sigurong hindi na lang siya umalis ng bahay dahil wala rin naman dito ang isip niya. Sunod-sunuran lang siya kay Angelo at tumatango nang wala sa loob sa iminumungkahi nito.
Ang nasa isip niya'y nasa dalagang iniwan niyang natutulog sa kanyang kama. Ang malambing nitong pakiusap na patulugin na niya ang dalaga.
Please, if you don't stop now, Hindi mo na ako pakikinabangan pa bukas."
Sumulyap si Ericka sa namamanaag na liwanag sa bintana.
"Ngayon na pala ang bukas," she smiled. Tiredness and happiness visible on her face. Sumiksik ito sa dibdib niya .
Natatawa siya roon at hinagkan ang ibabaw ng ulo nito. Walang babaeng nakiusap sa kaniyang huminto na siya sa pagbibigay-ligaya sa mga ito. Only his sweet little Ericka. But then wala naman siyang babaeng inibig nang paulit -ulit na tulad ng ginawa niya rito. No woman ever made him feel so alive.
"What wrong with you, Anthony?" si Angelo na nagpanumbalik ng isip niya sa kasalukuyan.
"Natitiyak kong wala kang naiintindihan sa napag-uusapan," naiiritang wika nito.
Inihilamos niya ang isang kamay sa mukha. Ano na nga bang talaga ang nangyayari sa kanya? Sa dami ng anak-mayaman at mga kilalang babae sa lipunan na naging girlfriends niya ay nahihibang siya sa isang maid. At kahit na maganda at mukhang edukada, maid pa rin. Housemaid niya!
Naghihinalang tinitigan siya ni Angelo.
"Dadaanan ko nga pala mamayang hapon si Ericka at isasama ko pauwi ng Tagaytay."
"No!" marahas niyang sagot na ikinagulat ng kapatid.
Nagsalubong ang mga kilay ni Angelo. Tumining ang hinala .
"Hindi mo sinunod ang payo ko, Anthony?" mapanganib ang tonong binitiwan ni Angelo.
"Pinakialaman mo si Ericka?"
Tumalikod siya at ipinatong ang dalawang braso sa ibabaw ng Honda Accord. "Huwag mo akong pakialaman, Angelo!"
"You son of a...! Akma nitong hahablutin ang kapatid nang matanawan ang dalawang kasama na nakatingin sa kanila. Bumaba ang kamay ni Angelo.
Binuksan ni Anthony ang kotse at pumasok. Inistart ang ignition.
"Mag-usap tayong muli, Anthony!"
Hindi niya pinansin ang kapatid. Mabilis na nagmaniobra na lumangitngit ang gulong na halos bumaon sa lupa. Alikabok ang iniwan niya sa nakatiim-bagang na si Angelo.
Malapit sa Greenhills si Anthony nang muling tumawag sa mansion. Si Ericka ay nakapikit pang inaabot ang telepono sa side table.
"Hello..." aniya sa namamaos na tinig. Isang mahinang tawa ang narinig niya sa dulo ng linya.
"Ginising ba kita?" si Anthony na nakadama ng warmth. Nalimutan ang engkuwentro nila ng kapatid.
Nasa isip ang anyo ni Ericka sa kama. Naked. Kumot lang ang bahagyang nakapulupot sa magandang katawan nito.
"Anthony?" she answered huskily, still half asleep. "Nasaan ka?"
Lord just the sound of her voice made him hard that it aches! And after all the loving last night....
"Pauwi na diyan. Don't leave my bed. I want you to be right where you are pagdating ko."
Naghikab ang dalaga. "Na para bang may lakas pa akong tumayo pagkatapos ng ginawa mo sa akin," mayabang niyang sagot.
Humagalpak ng tawa si Anthony.
"Ano ba ang nararamdaman mo ?" nakangiting tanong ng binata.
"Like an overcooked pasta," sagot ng dalaga na nag inat
Muling tumawa si Anthony. "Really, Ericka. I like your sense of humor. Very original. Are you really sore?"
"And stiff," dugtong ng dalawa. At nagtataka akong may mukha kang itinanong sa akin iyan na parang hindi ikaw ang may dahilan." Marahang tawa ang isinagot ni Anthony. Nairita siya.
"Natutuwa ako at napapatawa kita, Anthony..." sarkastikong dagdag niya
"C'mon, sweetheart, huwag kang pikon..."
"Hang up na please, gusto kong magpunta sa banyo,"
"Okey, okey. I'll buy us lunch bago ako tumuloy diyan." Ibinaba sa passenger seat ang CP matapos mai-off ang linya.
Pinag-iisip siya ng babaeng iyon. Ang mga choice of words nito. Overcooked pasta...stiff. The witty remarks. Really, his mysterious Ericka doesn't sound like a maid.
Sa mansion ay ibinabad ng dalaga ang sarili sa maligamgam na tubig sa loob ng bathtub. Hindi siya nagsisising ipagkaloob dito ang sarili. She loves him.
But what is going to happen now?
What is the price of loving him? Of giving herself freely to him? Anthony lusted after her body. And sooner or later ay magsasawa ito sa kanya tulad ng kung paanong pagsawaan nito ang iba pa.
Ano ba ang kaibahan niya sa mga babaeng nagdaan sa kamay nito? Wala! She quickly jumped into his bed sa kaunting charm lang. Well, she was a virgin.
Who cares kung virgin siya? Kagabi iyon. Hindi na ngayon. And she surely didn't expect that last night was the first night that Anthony took a virgin.
Huminga siya ng malalim. Hindi lang ang mga tender places ng katawan niya ang sumasahod. Pati puso niya.
Siya si Ericka Alonzo. Mataray, dominante, matalino. Controlling director ng isang import-export family corporation. Pero heto at hindi lang housemaid ni Anthony kundi lover pa ang hopelessly ang madly in love with him. Na sa kagagahan niya nang una niya itong makita sa swimming pool na naka
-bikini trunks ay agad na lumapit sa mga mata niya ang puso niya. but she had welcomed last night's paradise. But would she be willing to pay the price for loving a man like Anthony?
Tumutulo ang katawang umahon siya mula sa bath tub. Akma niyang aabutin ang tuwalya nang bumukas ang pinto ng banyo at pumasok ang laman ng isip niya.
"Oh!" Hindi niya malaman kung paano tatakpan ang sarili. Nahagip ang plastic shower curtain.
"L-lalabas na ako..." Stupid of her. The smart and witty Ericka Alonzo, lagi na lang nag-i-shutter sa harap ng lalaking ito.
Tumaas ang isang sulok ng bibig ng binata sa amusement sa kanya. "Still shy after last night? May bahagi ba ng katawan mo ang nakalimutan kong hagkan?"
Namula siya. Ikinurap ang tubig na tumutulo sa mga mata niya. Nanlaki ang mga mata nang hubarin ng binata ang shirt nito at ibagsak sa tile.
"Naalala mo ba noong maabutan kitang kasama ni Wilna sa swimming pool?"
Napatango siya nang wala sa loob. Ano ang kinalaman niyon ngayon?
"You were so seductively standing there na may icing pa sa mga labi. Water drifting all over your body. How I have wished then to dry it away with my lips. The thought made me rock-hard na kailangan kong tumalikod at baka mahalata mo."
Hindi siya makapaniwala sa narinig. "Na...naisip mo iyon noon?"
"Yes, my little tormentor. At bihirang kumatok ang ikalawang pagkakataon kaya sasamantalahin ko na." Lumapit ito sa kanya habang nagsasalita. Hinawi ang shower curtain.
"Na...nagugutom na ako, Anthony." Gusto niyang iiwas ang pansin nito. Dahil muli ay hindi niya maintindihan ang reaksiyon ng katawan niya sa lalaking ito. His eyes made her melt like jelly.
"So am I, darling. So am I." Pinaulanan nito ng halik ang buong mukha niya. Teasing her lips that when she parted them umiwas ang mga labi nito.
His lips went down her throat, nipping as if he was thirsty.
"Oh, Anthony!"
"Ericka, my sweet Ericka!" Isinisigaw ng binata ang pangalan niya nang paulit-ulit. Pagkatapos ay pinangko siya palabas sa silid at inilatag sa kama.
Tinitigan nito ang dalaga. Her eyes filled with passion, her lips parted. She wanted him as he wanted her.
Itinaas ng binata ang venetian blinds at pumasok ang sikat ng araw sa loob ng silid. "Gusto kitang makita sa ganitong paraan. The sun shining on your body when we made love."
Bumaba sa tabi niya si Anthony. Hinawakan ang mukha niya. "Last night I tried to be very gentle Ericka. I can't promise the same today."