Be Still My Heart (R-18+)

1236 Words
Prologue Pagpasok pa lang niya sa garahe ay umaasim na agad ang mukha ni Ericka nang makita ang nakaparadang segunda manong Toyota Corolla. Ano na naman ang ginagawa ng lalaking ito sa bahay nila? Ibinaba niya ang windshield ng kotse niya. "Kanina pa ba rito ang may-ari ng kotseng iyan, Mang Raul?" tanong niya sa security guard. "May isang oras na po, ma'am," sagot ng guwardiya na sinulyapan ang kotse. Paarangkadang ipinasok ng dalaga sa garahe ang kotse. Pagkatapos ay bumaba ng sasakyan at nagmamadaling humakbang papasok sa kabahayan. Wala sa sala ang panauhin. Sandali niyang inikot ang mga mata. Sa library? No. Hindi roon. Bago pa niya napagpasiyahan kung nasaan ang hinahanap ay narinig na niya ang halakhak ng mommy niya mula sa lanai, isang open living room na tuloy tuloy sa pool. Mabilis siyang dinala ng kanyang mga paa roon. Naroon ang mommy niya na naka-short at naka upo sa lounger. Ang lalaki ay nakaupo rin sa katabing upuan. Ang mukha ay halos nakadikit na sa mukha ng ina niya. At ng inakala niyang hahagkan ng lalaki si Edelfa ay tumikhim siya. Sabay na napalingon sa kinatatayuan niya ang dalawa. Si Edelfa ay bahagyang napahiya. Tila teenager na gustong mag-blush. Ang lalaki ay panatag. "Ericka, darling, dumating kana pala," bati ni Edelfa na iniangat ang sarili mula sa pagkakasandal sa lounger. "Hello, Ericka.." isang tipid na ngiti ang ibinigay ng lalaki. Ginantihan niya iyon ng matalim na sulyap. "What are you doing here, Adrian?" mataray niyang wika dito. "Weren't you suppose at the factory doing the job you are being paid for?, Bigla ang pagbabago ng anyo ng lalaki sa sinabi niya. Nag-igting ang mga baga nito. " You're being rude, Ericka. I invited Adrian here," may himig ng bahagyang galit ang tinig ni Edelfa. Umikot ang mga mata ng dalaga "Mommy, oras ng trabaho. At kung lagi ko rin lang siyang makikita dito, hindi siguro masama kung mag-resign na lang siya sa pagiging supervisor sa pabrika." Tumikhim ang lalaki na tila nag-alis ng bara sa lalamunan. Bumaling kay Edelfa. "Aalis na muna ako, Edelfa. Saka nalang tayo mag-uusap uli," pormal nitong sinabi. "Mainit ang ulo ng anak mo," Kahit kailan, Adrian, nawawala ako sa mood everytime I see you here flirting with my mother!" "Ericka!" Nanlaki ang mga mata nitong napatayo. "Nagiging bastos ka!" Hinawakan ni Adrian sa braso ang babae. "it's alright, Edelfa. Tutuloy na ako." Hindi na ito pumasok ng bahay upang lumabas. Sa tagiliran ito ng pool dumaan. "Iyan ba ang natutunan mo sa pananatili nang matagal sa ibang bansa? Ang pambabastos ng tao?" pagalit na sinabi nito sa anak nang makaalis si Adrian. Huminga ng malalim ang dalaga. Inilahad sa ere ang dalawang kamay. "Mom, empleyado natin si Adrian. Ano ang ginagawa niya rito?" "I broke my car on the way to the parlor. Tinawagan ko siya. At tinulungan niya akong mapaandar ang kotse ko. Ano ang masama roon?" "You could have called a mechanic." "He was a mechanic bago siya na-promote ng daddy mo sa factory." "So naayos niya ang kotse niyo. At iyong eksenang dinatnan ko rito kanina, paano ninyo ipapaliwanag sa akin iyon?"Tinutukoy niya ang naudlot na halikan ng dalawa. Hindi agad sumagot si Edelfa. Lumingon sa pool. "Mommy, hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin ninyong ini-intertain ang lalaking iyon. And you are behaving like... like..." hindi niya matuloy-tuloy ang gustong sabihin. "Adrian is nice, Ericka. He can make me laugh," marahang sagot ni Edelfa. "Thunder is nice, Mommy. And he can make you laugh, also." Na ang tinutukoy ay ang Peking-ese dog ng ina. "Ericka!" Napataas ang tinig nitong lumingon sa kanya. Pagkatapos ay malungkot na umiling. "Your father spoiled you. At ganoon din ang Mama." "But you are not behaving like a dignified widow Ngayon ko nabigyan ng katwiran ang ginagawa ng daddy sa mga naiwan niya." " Wala akong ginagawang masama, Ericka. Ang isip mo ang masama. At tungkol sa last will ng daddy mo ay duda akong siya ang may gusto noon. Idinikta iyon ng Mama, ng lola mo," lungkot at galit ang nasa tinig nito. "Kahit kailan ay hindi niya gustong ako ang napangasawa ni Rodolfo." Isinaad ng huling testamento ng daddy niya na ang lahat ng mga ari-arian nito ay ipinamanang lahat kay Ericka bilang kaisa-isang anak. Si Edelfa ay tatanggap ng monthly allowance. Malaki ang substantial sa pangangailangan nito subalit mapuputol sa sandaling mag-asawa itong muli. Ipinagtaka ng dalaga ang habiling iyon subalit ng bandang huli ay napag isip-isip na ang lahat ng kanilang kayamanan ay nagmumula kay Donya Beatriz, ang mama ni Rodolfo. At buhay pa ang matanda at sa Amerika na naninirahan kasama ang bunsong anak nito. Pag-aari ng pamilya ni Donya Beatriz ang import- export business nila ng mga undergarments. "Nasa America ang lola nang mamatay ang daddy," Katwiran niya. "Maybe so. Pero ang manipulasyon ng lola mo sa daddy mo ay hindi nahahadlangan ng milya milyang karagatan," mapait nitong sinabi. Pagkatapos ay tumingin sa anak ng diretso. "Anyway, napag-uusapan na rin lang natin ito, gusto kong sabihin sa iyong mag-asawa akong muli." Marahas na nilingon ni Ericka ang ina. Mag aasawa! Kanino? "Dalawang taon nang mahigit na namamatay ang daddy mo. Hindi na siguro masama na muli akong magkaroon ng asawa," patuloy nito. Kinabahan ang dalaga. kung sabagay ay bata at maganda pa ang kaniyang ina. Sa edad nitong kuwarentay dos ay tila ilang taon lamang ang tanda nito sa kanya sa edad niyang beinte uno. "K-kanino, Mommy?" Alam na niya halos ang sagot pero itinanong parin niya. "Adrian offered me marriage, hija. At tinanggap ko." "Over my dead body!" "Ericka!" "Mommy, that man is a bloodsucker bimbo!" Malungkot na umiling si Edelfa. Hindi makapaniwalang tinitigan ang anak. "What have you against him, Ericka? Mahal niya ako at mahal ko siya. At mabuting tao si Adrian. May tiwala sa kanya ang daddy mo noong nabubuhay pa ito." "Hindi ako naniniwalang mahal niya kayo. Why he's eight year's your junior. Maari naman siyang makakita ng bata pero bakit kayo ang pinili niya? Pera mo lang ang hangad niya, Mommy!" maigting niyang wika. Hindi siya makakapayag na magpakasal ang ina niya sa lalaking iyon. "Hinuhusgahan mo agad iyong tao. Kilala ko siya kaysa sa iyo, Ericka. Besides, I know you for being a snob. Ganiyan ka pinalakai ng Mama. Matapobre din ang lola mo." "You are a lonely and a rich widow. And he's taking advantage!" "Lonely? Yes. But not rich, Ericka. Alam mo iyan," may hinanakit nitong sabi. "At alam ni Adrian na sa sandaling makasal kami ay mawawala ang allowance ko." "Maybe so. Pero bilang asawa ninyo ay malaki ang maitutulong nito sa posisyon niya sa factory. Inaambisyon niya iyon." Tinitigan lamang ni Edelfa ang anak. "Magpapakasal kami sa isang buwan, Ericka." "Lalayas ako, Mommy!" "Hindi mo magagawa iyan, hija. Paano ang factory? Paano ang mga tauhan natin?"paghahamon ni Edelfa. Walang funds na lalabas sa kumpanya kung walang pahintulot si Ericka. Siya rin ang signatory ng lahat ng mga tseke. "At saan ka pupunta? hija? Sa Amerika? You can't do that. Aatakehin sa puso Ang Mama pag nalaman niyang iniwan mo ang lahat ito sakin," Sarkastikong dagdag ni Edelfa at inikot ang paningin sa buong kabahayan. Hindi makakibo ang dalaga. May katotohanan ang sinabi ng ina.Hindi birong responsibilidad ang iniatamg sa kanya ng daddy niya. Pero iisa Ang tiyak. Gagawa siya ng paraan para hindi mapakasal ang mommy niya sa oportunistang si Adrian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD