Chapter 9.

1640 Words
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang binata sa sinabi niya. Kumawala ito at inilatag ang sarili sa sahig sa tabi niya. Naghahabol ng paghinga. Unti-unting isinasara niya ang mga natanggal na butones nang tumayo ang binata. Tinunghayan siya nito sa pagkakahiga roon sa sahig. Halos ipako nito ang sarili upang huwag muling bumaba at muling hagkan at yakapin ang dalaga. She was so seductively lying down there, hair dishevelled. He already have memorized her scent, her taste, the softness of her body. Her breast, firm and small but perfect na para bang hinulma para sa mga palad niya. Tumikhim ang binata na tila inaalis ang bara sa lalamunan. "Ericka...I... I'm.." "Huwag kang hihingi ng sorry," agap niya. Tumalikod ang binata. "If... it's any consolation, I don't sexually harassed my hired help." "Salamat kung ganoon, sir!" tuya niya na sinabayan ng tayo. "Ang susunod mong sasabihin ay nagawa mo iyon dahil tinulungan kita doon, di ba?" "Didn't you?" hamon ng binata na humarap sa kanya. "Ganoon naman lagi, di ba? Tinukso ng katulong ang guwapong amo niya. Nagpakita ng motibo," sarkastikong wika niya. Nagdilim ang mukha ng binata. Hinawakan siya sa braso. "Hindi ko sinabing tinukso mo ako! Tinulungan mo ako, yes, by kissing me back. By moaning softly against my touch. And I stopped on time!" "Salamat uli," naroroon pa rin ang panunuya sa tinig niya. At ano ba naman ang pinagsisintir niya? Di ba at talaga namang gusto niyang huminto ito? Ano ba ang inaasahan niya? Romansa mula kay Anthony? Lord, the man wanted s*x and she wanted romance and...love. Natigilan siya sa huling naisip. Love? Napailing siyang bahagya. She's getting crazier everyday sa piling ng lalaking ito. "Ihahanda ko na ang pagkain," malamig niyang sinabi na lumakad patungo sa pinto subalit naunahan siya roon ng binata. "Don't bother! Lalabas ako uli. Isaramo ang kabahayan at hindi ako dito uuwi." Tuloy-tuloy na itong lumabas ng silid. Ang sumunod niyang narinig ay ang paglabas ng kotse nito sa garahe. Nasasaktan siya. Natitiyak niyang sa ibang babae tutuloy si Anthony. Gusto niyang maiyak sa pangyayari. She wanted him, ached for him. Pero nakahanda ba siyang tanggapin ang consequences kung sakaling patulan nga siyang totohanan ng binata? Ganoon ba siya katapang para pumayag na mapabilang sa mga pinaglalaruang babae ni Anthony? Nagtuloy sa condominium niya si Anthony. Kinuha ang alak sa bar at nagsalin sa kopita. Damn that girl! The little witch isn't dynamite. She's a bombshell! Nang makita niya itong naka-bikini ay agad ang epekto sa kanya. And Lord, kanina, he wanted to take her right there on the floor. Make wild love to her. Love her to exhaustion. Calm down, Anthony, saway niya sa sarili. She's nothing but a pretty and educated housemaid. Wala ng iba pa. Nakadalawang shots na siya nang bumukas ang pinto at pumasok si Angelo. Nagsalubong ang mga kilay nito pagkakita sa kanyang umiinom mag-isa sa bar. "Hi, big brother," bati ni Anthony. "Help yourself," Tumawag ako sa mansion, kaaalis mo lang daw. I was thinking you had an early date pero nakita ko sa parking ang kotse mo, so I dropped by." Sinalinan ni Angelo ng alak ang isang kopita. Sinulyapan si Anthony. Hindi ito umiinom nang nag-iisa kung walang bumabagabag. "Bakit ka nandito?" si Anthony. "Para ipaalala sa iyo na bukas ng umaga ay dadalawin natin ang site na pagtatayuan ng isa pang branch." "Linggo bukas." "Iyon lang ang araw na available ang may-ari ng lite. He will be leaving for the state next week kaya nga pinaapura ko na lang ang long term lease contract." "Kailangan pa ba ako roon? Bakit Hindi ikaw na lang." "Anthony, this is a family business and should be decided by both of us. Naroon din si Mr. Potenciano," na Ang tinutukoy ay ang isang stockholder. "May problema ka ba?" "Nothing that I can't handle." "Mind telling me?" "Back off, Angelo!" "We never had a secrets with each other, Anthony," banayad na wika ni Angelo. Tumalikod sa bar si Anthony at itinukod ang mga siko dito. "What about loving Wilna secretly?" paalala niya. "I didn't realize it first." "Pagtatawanan mo ako," wika niya na inubos ang laman ng kopita. "Try me." "I just ravished my maid." "Si Ericka!" No wonder she sounded so strange sa telepono. "What did you mean by ravish? Did you...did you..?" "I almost did." Patuyang tumawa si Angelo. "Really, Anthony. Have you ran out of socialite's and models o nagsawa ka na sa kanila at gusto mo namang subukan ang maid natin?" "This is not joke, Angelo!" "It surely isn't. I can't imagine my twin sexually harassing the pretty housemaid," may galit sa tono nito. "Hindi mo naiintindihan," inilahad niya ang mga kamay. "Ipaintindi mo kung ganoon. Umpisahan mo sa umpisa." "Walang umpisa. She just gets into my nerve. She attracts me like no one ever did. I just go rock-hard everytime she's near." Doon natawa si Angelo. "Huwag mo akong pagtawagan!" "Bakit ba eh puro ka kalokohan. Sasabihin mong you go rock-hard when she's near, eh, hindi ba at ganoon naman usually ang dating ng mga babae sa iyo lalo na kung sexy at maganda?" amused na wika ni Angelo. "You're taking as if I'm some kind of a s*x maniac," naiiritang sagot ng binata sa kapatid. "I do not bed every girl I met, Angelo. And I don't get aroused that easy." Huminga nang malalim si Angelo. "Nagpapakita ba ng motibo si Ericka sa iyo?" At hindi ito magtataka kung ganoon nga. He has to admit that his brother's charm is irresistible. "That is the irony of it dahil hindi nga. Ginugulo lang niya ang isip ko. Those big dark eyes haunting me na para bang lagi na lang akong may atraso. She amused and irritated me at the same time. She's funny and witty. For all I know she could be a witch." "You sounded as if you're in love with her." "Be still, my heart!" "Lust then?" "That is more like it. I saw her in bikini dahil niyaya siya ng asawa mong mag-swimming. Imagine, isang housemaid na naka-bikini sa pool ng amo niya!" Nababahala si Angelo sa inaasal ng kapatid. Nagbiro. "Gusto kong dumaan sa bahay and shake Ericka's hand. Ang kaisa-isang babaeng nagpagulo sa isip ng babaero kong kapatid. And it's very ironic na among the socialite's and beauty titlist na napasakamay mo, isang magandang maid lang ang nagpagulo sa iyo." "This is crazy, Angelo. And you are right, what I'm feeling is lust. It will be over soon," makahulugang wika nito. "Don't do anything foolish, Anthony. Huwag mong pakialaman si Ericka! Makakalaban mo si Wilna at Nana Inez doon. They like the girl," paalala nito. "Find some nice girl and settle down. It's high time you do it." "I promise you before na hindi ko aalukin ng kasal ang isang babae kung wala akong pag-ibig dito. At wala akong pag-ibig sa mga babaeng nakaka-date ko." "Paano kang makadarama ng pag-ibig kung ang nasa isip mo ay ang madala sa kama ang bawat babaeng makatagpo mo?" "They wanted it. Even before I open my mouth. Inaalis ng mga babaeng iyon ang thrill ng chasing and wooing. At sabi ko nga sa iyo, I didn't bed all of them." "Just a piece of advice, Anthony, at seryoso ako sa sinasabi kong ito. Huwag mong pakialaman si Ericka. Kung ikatatahimik mo, send her to tagaytay. Makakakuha ka ng ibang maid sa agency," huling bilin ni Angelo bago umali. Siguro nga. Kung wala sa mansion ang babaeng iyon ay hindi na nito magugulo ang isip niya. Tinawagan niya si Yvette upang magpunta sa condominiu. Hindi naman nagtagal ay dumating ito Nakahiga siya nang sumungaw ito sa pinto ng silid. Kumot lang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan niya. Ngumiti ang babae provocativel. Sa pinto pa lang ng silid ay unti-unti na nitong tinatanggal isa-isa ang suot. At luku-luko lang ang hindi papatol sa magandang katawan nito. She was totally naked nang umabot sa kama. "You're very unpredictable, darling," malambing nitong sinabi na lumabi. "Noon pa sa pool ko hinihintay na gawin natin ito. Pero kahit yata ano ang gawin ko noon ay para kang bato." "You cannot expect us to have s*x sa mansion, Yvette?" "Eh ano ang masama doon? We could have done it sa guest room ikaw lang itong ayaw," she started kissing him. Hindi sumagot si Anthony. He tried to respond sa pamamagitan ng maharas na paghalik dito. Sa pagsisikap na mabura sa balintataw ang mukha ni Ericka. He was hurting the woman in the process pero lalo lang niyang napupukaw ang passion ni Yvette sa savage waist niya. Halos nagmamakaawa na itong angkinin niya. Tumayo ang binata in frustration. Dinampot ang sigarilyo sa side table at nagsindi. "What's wrong, Anthony?" "I'm sorry, Yvette, pagod lang siguro ako." Nagbuga siya ng usok paitaas. "You can't leave me like this, darling," sinabi nito at tumayo at nilapitan siya. "Let me do it, honey, like I used to," She whispered kasabay ng paghalik sa leeg ng binata patungo sa dibdib at pababa pa... "Ano ba talaga ang nangyayari sa iyo?" naiiritang tanong ng babae makalipas ang ilang minuto. "Hindi ka naman dating ganyan, eh." "Itinaas ni Anthony sa ere ang kamay. Gustong matawa na gustong mainis. Pinaghihirapan ng babaeng ito na pukawin ang damdamin niya na nauwi rin sa wala. "Natitiyak mo bang pagod ka lang, Anthony?" naghihinalang tanong ni Yvette. " Positive. I'll take a shower at pagkatapos ay idadaan na kita sa inyo," aniya na pumasok sa banyo. "Don't bother. Dala ko ang kotse ko," inis na sigaw ng dalaga na nagbihis. Pagkatapos ay sinilip ang binata sa banyo. I'll call you." Narinig ito ni Anthony pero hindi lumingon. Nilunod ng binata ang sarili sa shower. angel: thanks pOH sa mga nagbabasa at magbabasa palang!!!sana Po ay patuloy niyong suportahan ang BSMH God bless u all!!☺️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD