Nagkatinginan ang mga kalahok sa loob nang mapansin na tila nag-iiwasan sina Lance at Olivia pagkabalik nila rito. Lahat sila ay nag-oobserba lang at walang balak magsalita. Pati sila ay ramdam na medyo malamig ang pagitan sa dalawa, lahat nagtataka kung anon ga ba ang nangyari. Nawala lang sila ng dalawang araw, pero pagbalik may distansya na. Napatikhim si Andrei at naibaba sa mesa ang iniinom na kape. “Ang lamig, pre. Pinalakasan mo ba ang aircon?” tanong nito. “Malamig talaga ang panahon dahil may amihan raw sabi,” sagot naman ni VJ. “Kaya pala kahit nasa loob tayo ramdam ko ang lamig,” segunda naman ni Claudine at ngumisi sa mga ito bago nginuso ang tinutukoy. Hindi talag nagpapansinan ang dalawa at nag-iiwasan pa na magkadikit. “Tulungan ba natin?” bulong ni Gerald sa dalaga. U
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


