Posted Walang pinalagpas na pagkakataon si Mr. Gustav. Tulad ng napag-usapan noon sa family dinner, he really did schedule an interview. Ghunter chose the location though. Sa isang cafe restaurant ang napili niyang lugar para sa gagawing interview, dito lang din sa rooftop ng kanilang residential tower. Iilan lang ang tao sa banda namin at halos malalayo pa. Nasa pribadong bahagi kasi kaya medyo hiwalay sa mga tao. Glass wall at mga halaman lang ang nagsisilbing blinds namin. Sa gitna ay ang infinite pool. Hindi naman ganoon karami ang tao. Siguro'y nasa tatlong grupo pa lang. Doon nakatutok nang kasalukuyan ang mga mata ko, parang nananabik na tumakbo roon at lumangoy. Lalo na at nakakahalina ang repleksyon ng katamtamang liwanag ng araw sa malinaw na tubig. Hindi pa nakakatulong na m

