Incy Puzzled with their situation that time, Colt shifted from his seat. Tiniklop niya ang mga braso bago balingan ang kaibigan na ngayon ay kataka-takang nasa harapan niya. "Until when are you planning to answer my question?" tanong niya rito. Simula nang magkita sila sa tapat ng pad ay tuloy-tuloy lamang ang lakad nito patungo sa isang coffee shop doon. Hindi naman nila napag-usapan sa Pilipinas na bibisita si Ghunter sa California nang ganito kaaga. It has only been a month or so. Plus, wala namang pinadala na mensahe ang kaibigan kaya hindi niya lubos maisip ang sadya nito rito. Sa kabilang banda, binaba ni Ghunter ang kanyang phone at bumaling kay Colt. "When will you go back to the Philippines?" he said in a very serious manner. Tila ba kailangan na niya makuha ang sagot nito

