Daredevil I didn't expect that the scandal I was involved with would be this serious. Pagkababa pa lang sa unang palapag ng mansiyon ay bakas na ng pagkataranta ang problemadong mukha ng mga kasambahay. My parents were on the foyer. Naglakad si Dad papuntang living room habang nakapatong ang kamay sa bewang at may kausap sa phone. Samantalang si Mommy naman ay kausap si Romeo roon, napapahilot na rin ng sentido. Napalunok ako at pinagpatuloy na lang ang pagbaba para makita kung ano ang nangyayari. Romeo's eyes immediately shifted from Mommy to me. He said something to the latter which made her look at me too. "Coleen!" pabuntong-hiningang tawag sa akin ni Mom. "What's happening?" nalilito kong tanong sabay sulyap sa bintana. Our security guards were struggling blocking our gates and

