Reunion (Part 2) After pouring me a drink, Thea looked at me intently. Kinuha ko iyong shot glass at mabilis na nilagok ang laman noon. I smiled at her but I just probably looked constipated. Kaya iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at nagkunwaring nakikinig sa pinag-uusapan ng mga nasa harapan namin. "I'm glad you really came, Colt," matigas na Ingles na sambit ni Allan. Nakakalat kami ngayon sa living room. Imbes na mag-videoke, pinili na lamang nila na mag-sounds. Matapos ang enkuwentro namin kanina, hindi na iyon nasundan pa. Hinayaan ko na lang siyang tangayin ng mga kaibigan niya. Colt smiled at Allan and I'm still not very used to it. Kung siya pa rin ang dating Colt na kilala ko, mas kapani-paniwala pang hindi niya papansinin ang kaibigan at magsusungit na lang bigla. "O

