Entablado Suminghap ako. Hindi magkamayaw ang kaguluhan ng mga tao. Punong-puno ng sigawan at sabay-sabay na hinihiyaw ang pangalan ng tambalan. Tumigil ang mga sounds na pinapatugtog muna habang naghihintay ang mga audience. Nagbago ang kulay ng stage lighting at bumuga ng usok ang smoke machine. I am amazed how controlled technical things are. Pinasadahan ko lalo ang paligid. Lalong umingay ang coliseum ngunit bahagyang nanahimik nang magwala ang iba't ibang kulay ng laser lights sa stage na animo'y sumasayaw. "Nagsisimula na!" yugyog sa akin ni Lorna. Si Wednesday naman ay hinanda na ang kanyang camera. Tahimik ko lang na ninanamnam ang mga bawat sandali. I don't know how to react. I am not an actual fan anyway. Umangat ang isang naka-display kanina pa na malaking four-sided stage

