Hindi makapaniwala si Emma sa sarili. Nagawa talaga niyang sabihin kay Matthias ang mga mapangahas na mga salitang iyon. Ang lalaki naman ay more than willing na ibigay ang gusto niya! Now she’s standing inside the elevator with Matthias on her side. At saan sila papunta? Sa condo lang naman ng lalaki tulad ng request niya! Going up, ‘teh? Up in heaven? She shook her head. Kahit nasa gitna na siya ng nakakalokang sitwasyon ay kung ano-ano pa rin ang pumapasok sa isip niya. Pinakiramdaman ni Emma Rose ang sarili. Sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Malalamig ang kanyang palad. Pinagpapawisan ang kanyang noo. Dapat ay sanay na siya dahil makailang beses na rin na may nangyari sa kanilang dalawa ni Matthias. Pero heto siya at kinakabahan nang todo. Eh nagyaya ka ba naman. Ang tapan

