Hindi alam ni Emma Rose ang gagawin. Nasa tabi niya ang lalaking wala nang ibang ginawa kung hindi ay inisan siya noong una. Natutulog nang sobrang himbing and guess what? Hubo’t hubad pa rin. Kung maka-comment sa pagiging hubad. Eh nakahubad rin naman siya. Mabilis na nakapagtapis ng kumot si Emma Rose. Wala rin nga pala siyang damit! As in ni isa wala. Kakagising lang niya dahil sa routine alarm ng kanyang cellphone na naka-set ng alas sais ng umaga. Dahil madalas ay scheduled ang mga surgeries sa clinic ay laging umaga ang pasok niya during weekdays. Parang ngayon lang. Shit. Kailangan na niyang maligo at mag-ayos kung hindi ay mali-late na siya. Agad niyang iniwan ang lalaki at saka dumeretso sa banyo. Alam niyang kailangan niyang bilisan ang galaw pero habang nagsasabon siya ay

