Sumisibol na ang liwanag kaya dumadapo na sa makinis na balat ni Eva ang malamig na ihip ng hangin na nangagaling sa nakaawang na bintana. Kung kaya't napayakap siya sa malaking katawan na akala niya'y unan "Inay, 'yong kumot hila ka naman nang hila ang lamig, eh," pagrereklamo ni Eva. Normal lang iyon para sa kanya dahil madalas talaga silang magtalo ng nanay niya pagdating sa kumot. Lihim naman na napangiti ang binatang si Peter sa inasta ng dalagang nanaginip yata at akala'y nasa kanila pa ito. Imbes na kumutan si Eva ay niyakap niya na lang ito. "Kung mawawala man ako sa mundo gusto ko ikaw ang huli kong makakasama," bulong ni Peter sa humihilik na si Eva. °°° NAPABALIKWAS ng bangon si Eva at nagsiliparan pa ang unan dahil sa sobra niyang pagkagimbal. Paano ba naman kasi, nagisi

