Moments Literal na tumalon ang puso ko nang mamataan ang pulang convertible ni Yulo sa harap ng gate namin. Naunahan niya kami at hindi ko man lang iyon namalayan. Hindi ako nagpahalata sa mga kasama ko at pasimpleng tumingin sa labas ng bintana nang ihinto ni Yuan ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Agad na bumaba si Yulo mula sa kanyang sasakyan at agad na dumiretso sa pinto na aking katapat. Hindi na niya hinintay na ako ang magbukas dahil siya na ang gumawa nito para sa akin. "Will you wait 'til I unlock it? Sisirain mo ang sasakyan ko!" Naiiritang sita ni Yuan sa kapatid. Hindi na siya pinansin ng asawa ko dahil sa akin na nakatuon ang buong atensiyon nito, humahangos at mabigat ang bawat paghinga. Mabilis akong bumaba at hinarap siya. Yumuko siya para pantayan ang mga titig ko.

