Yuan Miguel Sy "Yuan.." Nagliwanag ang mukha ni Mommy Belinda ng banggitin niya ang pangalan na iyon sa lalaking kadarating lang. Lumapad ang ngiti n'ung tinawag niyang Yuan at humakbang na palapit sa kumpulan namin. Yuan? Sa pagkakaalam ko ay siya ang panganay na kapatid nila Yulo. Kahawig niya si Yulo, ngunit mas matangkad at mas malaki ang pangangatawan ng huli. Pareho sila ng mga mata at tangos ng ilong. Mas mataas at prominente nga lang ang cheekbone ni Yuan. Yulo has softer features though. Pareho ang kipot ng mga labi nila, mas mapula nga lamang ang kay Yulo. He has facial hairs too, that made him even rougher than the latter. Yulo's vain. Ayoko din naman na may stubbles siya kaya pinapanatili niyang makinis at fully shaved ang mukha niya. "Mommy!" He beamed, kissing his mot

