Solene Pov.
"You're Welcome"
Makalipas ang tatlong araw ay balak ko na sabihin sa kanya na buntis ako kaya naman nagluto ako ng pagkain na dadalhin ko sakanya dahil pupuntahan ko siya sa kanyang opisina na kaagad kong pinag sisihan dahil sa aking nadatnan.
Naghahalikan sila ng kaniyang Sekretarya.
Nakita ako ng kanyang sekretarya at nginisihan ako balak sanang lumingon ni Javier pero itinutok niya lang mukha ni Javier sa kanya kaya hindi ako nakita ni Javier.
labis akong nasaktan sa aking nakita kaya naman ay tumalikod at tinignan ko ang dala ko para sakanya at itinapon sa basurahan at nag mamadaling umalis.
umuwi ako sa bahay at nagligpit ng mga gamit at pinirmahan ko narin ang divorce paper na ibinigay niya sakin nung tatlong buwan ang nakararaan.
sumakay ako ng kotse at pinaharurot papunta sa aking private airport at umalis ng bansa na walang nakaka-alam.
pero bago ako umalis ay nag iwan muna ako ng letter sakanya at iniwan narin ang aming wedding ring sa tabi ng divorce paper na may pirma ko at letter na sinulat ko para sakanya.
Ito ang nilalaman ng Letter na isinulat ko para sakanya.
"Dear Javier,
Kung nababasa mo man ito ay paniguradong naka alis na ako, Sorry kung hindi ako naging mabuting asawa para sayo pero mahal kita eh nasasaktan akong makita lang may ibang kasama na babae, Ang Sweet mo sakanya pero pag dating sakin ay para lang akong multo, Nasa harapan mo ako pero hindi mo naman ako pinapansin.
Masakit man para saakin na umalis pero kailangan dahil pagod na akong umiyak, at pagod narin akong mag makaawa sayo na mahalin rin ako.
Nakikita ko na may kahalikan ka na mga babae pero nanatili lang ang bulag at tahimik dahil nga mahal kita.
Pero tama na, ayoko na pagod na ako.
Yung divorce paper na binigay mo sakin ay pinermahan ko na kaya naman ay wala kanang alalahanin pa pati yung sing sing na ibinigay mo sakin ay ibabalik ko narin.
Lagi mong tatandaan na Mahal na Mahal kita kahit na ako lang ang nagmamahal sating dalawa.
Malaya kana Mahal ko, Hanggang sa Muli, Paalam aking mahal.
Nagmamahal:
Solene Rain Reyes."
Pagdating ko sa Canada ay sinalubong ako ng malamig na hangin.
sumakay kaagad ako sa aking sasakyan at umuwi sa aking mansion.
Sinalubong ako ng aking mga Butler at kinuha ang aking mga dala sa sasakyan.
"Welcome Back, Miss" Sabay sabay nilang sabi habang nakalinya at nakayuko.
"Thank you po" sabi ko at yumuko rin.
"pwede po bang pakidala nalang po ang mga gamit ko sa aking kwarto"utos ko.
"Sige po,Senyorita" sabi ng aking Butler.
" Thank you po, magpapahinga na po ako "
paalam ko sakanila.
At nag punta na sa aking kwarto para maligo at pag tapos kong maligo ay dumiretso na ako sa aking kama para mahiga at unti unting pumipikit ang aking mga mata hanggang sa ako'y makatulog at dahil narin siguro sa pagod at saaking pinagbubuntis kaya mabilis akong nakatulog.
KINAUMAGAHAN.
Ako ay nagising at tinignan ko ang aking phone at nakitang mag 9:00 na ng umaga kaya naman ay ginawa ko na ang aking morning routine at bumaba para mag almusal.
"Good Morning po, Nanay Elma, Kumain na po ba kayo? kung hindi pa po sabay na po kayo saakin na kumain" Sabi ko sa Mayordoma ng mansiyon na si Nanay Elma.
"Kumain na ako Hija, Salamat nalang Hija, Napakabuti mo talagang bata ka" sagot din ni Nanay Elma.
"Nako wala po yun Nay, Halos kayo na po ang nag-alaga samin nila kuya" sagot ko.
"Hay nako bata ka, Kailan ba darating dito ang iyong mga makukulit na kuya" tanong sakin ni Nanay.
"Ewan ko po nay" Sagot ko at nagpaalam na sakin si Nanay dahil may gagawin pa daw siya.
Natapos nadin akong kumain kaya bumalik ako sa aking kwarto para mag handa at pumunta sa aking kompanya.
Sumakay ako saaking Lamborghini Aventador at pinaharurot papuntang kompanya.
Nakarating na ako sa aking kompanya ng may makita akong apat na mga Bata sa Gilid ng Kalsada at mukhang magkakapatid sila at ang dudumi nila.
Tinawag ko sila at Tinanong
"mga bata halikayo dito" sabi ko sakanila ng mahihin at lumapit naman sila.
"sinong kasama niyo bakit kayo nasa labas at anong ginagawa niyo dito? " tanong ko.
"w-wala po kaming kasama palaboy lang po kami dito" sagot ng hula ko na siya ang panganay.
"eh nasan ang mga magulang niyo? " tanong ko pa.
"patay na po sila kaya ako na po ang nag aalaga sa aking mga kapatid" sagot niya ulit.
"Hala pasenya na, pero kumain na ba kayo? " tanong ko ulit sa kanila dahil may narinig akong tunog galing sa tiyan nila.
"hindi pa po" sagot ng bunso.
"o siya hali na kayo at kumain tayo, may matitirhan ba kayo? " sabi ko.
"wala po jan lang po kami natutulog sa may gilid gilid pag umuulan na man po ay sa may park po kami natutulog" sagot nila.
"ganon ba, gusto niyo bang saakin na kayo tumira? " alok ko sakanila.
"pwede po ba? hindi po ba kayo mandidiri saamin? " tanong ng panganay.
"bakit naman ako mandidiri eh ang cute cute niyo nga eh, oo nga pala anong mga pangalan niyo? " tanong ko.
sumagot naman sila.
"ako po si Harvey, 6 yr old po" yung panganay.
"ako naman po si Harley, 5 yr old po" yung pangalawa.
"k-kami po a-ay k-kambal ang p-pangalan po namin a-ay h-haru at h-haze ,3 yr old po" sabi ng dalawa na bulol bulol pa dahil sa sobrang pagkabata ng edad.
Ang babata pa nila pero tinataguyod na nila ang kanilang mga sarili.
"ako naman ay si Solene Rain Reyes, Tawagin niyo ako kahit anong gusto niyo" saad ko.
"Pwede po namin ikaw tawagin na n-nanay? " sabi nila na ikinagulat ko sa tuwa.
"Pwede naman , Tara na? " Yaya ko sakanila at iginaya papunta ng akong kotse.
"wow, ngayon lang po kami nakasakay ng kotse" sabi nila.
"Haha wag kang mag alala bibigyan ko kayo ng sarili ninyong kotse pag lumaki na kayo" sabi ko sakanila.
"talaga po ba? Thank you po N-nanay" sabay sabay nilang sabi.
naiyak din ako sa tuwa at ngumiti sa kanila.
at tinawagan ko ang lawyer ko at sinabing may aampunin akong mga bata wala namang problema at mabilis din natapos ang proseso ng pag ampon.
"By the way may kapatid kayo" sabi ko sakanila.
"talaga po? nasan po siya?" tanong nila na tuwang tuwa.
hinawakan ko ang aking tiyan.
"nandito" sabi ko ng nakangiti.
bago kami dumiretso ng kompanya ay binilhan ko muna sila ng mga bagong gamit nila sa mall at kumain muna kami sa Italian Restaurant.
nandito na kami sa kompanya at nagsilabasan ang mga empleyado ko nagsiyukuan.
"Good morning Ma'am" saad nila.
bago ako dumiretso sa aking opisina nakita ko namang naiilang ang aking mga anak sa aking mga empleyado dahil sa mga kanilang mga titig na halong pandidiri dahil sa dumi ng damit nila.
"Anong tinitingin niyo jan? Balik sa trabaho! " Sabi ng Secretary ko.
I chuckled and mouthed "thank you".
Habang ako ay busy sa opisina ay naglalaro ang aking mga anak sa private room kasama ang aking secretary ng may tumawag sa akin na galing sa Org.
" Hello"tanong ko sa kabilang linya.
"Hello Queen kailan ka pupunta dito? " tanong ng mga kasamahan ko.
"maybe next week, I'm busy right now" sagot ko.
"okay queen babye take care" sabi nila.
Nakauwi na kami sa bahay at pinaayos ko ang isa pang master bedroom para maging kwarto ng mga bata.
"kids dito muna kayo matulog sa aking kwarto. wag kayong mag alala tabi tabi muna tayo habang inererenovate pa yung isang kwarto, tara na tulog na tayo at maaga pa kayo bukas dahil I eenroll ko kayo sa private school malapit dito sa sub division bukas" saad ko sakanila.