Solene Pov.
"kids dito muna kayo matulog sa aking kwarto. wag kayong mag alala tabi tabi muna tayo habang inererenovate pa yung isang kwarto, tara na tulog na tayo at maaga pa kayo bukas dahil I eenroll ko kayo sa private school malapit dito sa sub division bukas" saad ko sakanila.
Dahil malapit na ang pasukan ng school dito sa Canada at para narin matupad nila ang kanilang mga pangarap.
KINAUMAGAHAN.
"Good Morning Loviecakes, Wake up na and take a bath para maka pag almusal na tayo" Pag gising ko sa mga bata atsyaka ginawa ang morning routine ko.
Napakilala ko na din pala ang mga bata sa mga kasama ko dito sa mansion kaya wala na akong problema sa pag papaliwanag sakanila dahil nasabi ko na ito kahapon.
"Good Morning Nay" Masigla kong bati kay nanay Elma.
"Magandang umaga din nak, mukhang maganda ang gising mo ah" sabi ni Nanay.
"Aba syempre naman Nay May mga maiingay na dito sa mansion eh tapos madadagdagan pa sila" Masaya kong sabi kay Nanay.
"Kumain na po ba Kayo Nay? Nasan napo ang mga bata Nay?Kumakain na din po ba sila? " sunod sunod na tanong ko habang tingin sa kanan at kaliwa hinahanap ang mga bata.
Naligo kasi ako kanina kaya pinauna ko na silang bumaba at kumain.
"teka hinay hinay lang sa pag tatanong mahina ang kalaban" saway ni nanay sakin."oo nak tapos na ako,Nandon sila sa Dinning Area, hinihintay ka para daw sabay sabay kayong kumain ng umagahan" tuloy pa ni Nanay.
"ah ganon po ba hehe" hiyang hiya na sabi ko kay nanay.
"Hello loviecakes, excited na ba kayo mag enroll? " tanong ko sa mga bata.
"opo mommy! " masayang sigaw nila kaya nagtawanan kami.
Ngayon nalang ako ulit tumawa ng ganito simula ng maikasal ako kay Javier.
Kaya naman napangiti ako.
"Pag tapos nating mag enroll ay" putol ko.
"Pupunta Tayo ng Mall! " sigaw ko.
"Yey pupunta tayo ng mall" masayang sabi ni Harley.
"Thank you Mom, You are the best" sabi ni Haze.
'You are the best'
'You are the best'
'You are the best'
Na nag paulit ulit saakin kaya naman napaluha ako sa saya at niyakap sila.
"I love you Babies" saad ko habang nakangiti.
"we love you too mom"
"we love you din po mommy"
"mahal ka din po namin mom"
"I love you din po mommy"
sabay sabay nilang sabi kaya naman ay natouch ako kasi kahit hindi nila ako tunay na ina ay ramdam ko ang kanilang pagmamahal sa paglipas ng dalawang araw na kasama ko sila.
"Let's go na Babies" saad ko at sumakay sa Ferrari na kulay pula at sumakay nadin sila kay dumiretso na ako sa pinakamalapit na university sa sub division na pag mamay ari ko.
Nandito na kami sa private parking lot ng university ko ng may mabangga akong babae na makapal ang makeup nag mumukhang clown.
"ouchie, tignan mo nga yang dinadaanan mo b***h" sabi ng babae.
"sorry" saad ko at umalis pero hindi pa man kami nakalalayo ng mga bata ay hinila niya ang buhok.
"hindi mo ba ako kilala ha? ako lang naman ang nag iisang anak ng dean dito kaya naman lumuhod ka habang humihingi ng tawad" pag yayabang niya sakin.
"Ayoko" diin kong saad.
"Okay Fine" saad niya na nakataas ang di pantay ang drawing na kilay.
"GUARDS! " sigaw niya kaya naman nag silapitan ang mga guwardiya.
"paalisin niyo sila dito, hindi sila nababagay dito mga pulubi" tuloy pa niya.
Tumingin sakin ang mga guwardiya at nagtinginan sila.
"Good Morning and Welcome Back Young Lady and Young masters" sabay sabay nilang sabi sakin at yumuko kaya naman nag gesture ako na pwede na silang tumayo.
"Thank you" saad ko sakanila.
"Anong yinuyuko niyo jan, Paalisin niyo nayang mga pulubi dito" sigaw pa ng babae.
"Hindi niyo ba ako kilala ha? Anak lang naman ako ng Dean dito sa University na to" Sigaw pa niya.
I Chuckled.
"Anong Nangyari dito bakit nagkakagulo" Sabi ng bagong dating na Dean kaya naman Lumapit sakanya ang babae at kumapit dito.
"Pa, Paalisin mo yang mga pulubi dito" sabi niya.
"Nasaan ba" Malambing na sabi ng Dean kaya naman itinuro ako ng Babae.
"Ayan pa" sabi niya dahilan naman para tignan ako ng Dean at gulat na gulat pa ito ng makita ako.
"W-welcome back Y-young Lady, napadalaw po kayo"saad ng Dean habang nakayuko.
" Well ieenroll ko sana tong mga anak ko dito sa University "Saad ko.
" Pa bakit ka nakayuko sakanya, isa lang naman siyang pulubi"sigaw na sabi ng babae kaya naman sinampal siya ng Dean.
"Tumahimik ka! , Pasensya na po talaga Young Lady Tuturuan ko po siya ng magandang asal" saad pa ng Dean.
"Hays Okay lang basta dapat hindi na ito mauulit nagkakaintindihan ba tayo" saad ko.
"Pa Bakit mo naman ako sinampal?! Siya nga dapat eh! " alburoto pa niya.
"Mag sorry ka sa may ari ng University na to" Saad ng Dean.
kaya naman gulat na gulat tumingin sakin ang babae.
"S-siya ang may ari nito? " tanong pa niya.
"Oo kaya humingi ka ng kapatawaran" sabi pa ng Dean kaya naman lumapit sakin ang babae at humingi ng sorry.
"Sorry po Hindi ko po alam, Kung alam ko lang po na kayo ang may ari ng University sana po hindi ko po kayo sinagot sagot ng ganon" paghingi ng tawad ng babae.
"okay lang basta wag na itong mauulit sa kahit na kanino,okay? " saad ko.
"opo" sabi niya din.
"ano po palang ipinunta niyo dito Young lady" saad ng Dean.
"I enroll ko sana itong dalawa kong anak na si Harvey at Harley 6 and 5 years old sa grade 1 and kindergarten " saad ko.
"ganon po ba, sige po ako na po ang mag aasikaso, balik nalang po kayo pag start na po ang klase nila next month" saad niya kaya naman ay nagpasalamat na ako at umalis na kami dahil pupunta kami sa mall.
Nakarating kami sa mall ay kumain muna kami atsiya kami bumili ng mga gamit nila na gagamitin sa pasukan,mga laruan at damit nila bago kami umuwi.
pagdating sa bahay ay pagod na pagod ang mga bata kaya naman dumiretso na sila sa kwarto para maligo at matulog.
At Ganon din Ako.
Mag si-six weeks na pala akong buntis pero parang 5 month na itong tiyan ko....
ISANG LINGGO ANG NAKALIPAS.
At nagpalit ng ako ng croptop na black na pinatungan ng blazer na black din, at leggings na black dahil pupunta ako ng underground.
pag sakay ko ng BMW na kulay black ay pinaharueot ko ito papunta sa location ng underground at pag tapak ko palang ng under ground ay maraming sumalubong sakin na mga tao.
"WELCOME BACK OUR QUEEN! " sabay sabay nilang sabi na nakangiti habang nakayuko.
"Thank you everyone" saad ko din habang naka poker face.
"Hanggang ngayon talaga queen ang cold mo pa din" saad ni Yerin Brain ang pang apat na rank sa Underground.
"oo nga naman queen" saad din ni Eugene Lake ang pang anim sa UG.
"Wag niyong pagtulongan si Queen" saad ni Blake Daniel Park as usual cold parin siya infairness gwapo naman at malakas kaya naging kanang kamay ko sa UG.
"Hays, Nasaan ba sila Kuya" Tanong ko sakanila dahil hinahanap ko ang mga kapatid ko.
"Nasa Office nila Queen Puntahan po ba natin" saad ng Butler ko.
"Sige " Sabi ko kaya naman ay gumayak na kami at pinuntahan ang mga kapatid kong makukulit.
Pero nagulat ako dahil pag dating ko ay Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.
"WELCOME BACK OUR ONLY PRINCESS! " sabay sabay nilang sabi kasama sila mom and dad kaya naman ay naiiyak ako habang yinayakap sila.
"Mom, Dad and Kuya's I miss you all" sabi ko sakanila na tumutulo na ang aking luha.
"We miss you too, our Princess" sabi nila habang niyayakap ako pabalik.
"Mommy, Daddy and kuyas Nandito na po ako" Hagulgol ko na nakayakap sakanila.