BASHA “Siya si Monica, cocktail server sa second floor para sa mga VIP Players namin. Madalas ko siyang nakikitang katabi sa table ni Sir Diego. Minsan ko na rin siyang nakitang sumakay sa kotse nito kapag ina-abot ng shifting si Sir Diego sa Casino.” Paliwanag niya sa amin. Pagkatapos niyang ipakita sa akin sa phone ang mga kasama niya sa casino dahil may pictures silang lahat na nagtatrabaho doon. Hindi ako maaaring humingi ng tulong kay Myla dahil ayoko siyang mapahamak at isa pa naka-duty siya as floor runner sa VIP section. Sila yung mga nag-aasist sa mga players. “You mean, isa siya sa mga babae ni Diego?” Sabat ni Thaddeus na biglang sumingit at tinignan ang larawan sa phone ni Myla. “Yes, sir Thaddeus…pero madalas po ay si Monica po ang katabi niya sa paglalaro at wala pong su

