5

3077 Words
Hanggang ngayon ay nasa ganon pa din kaming posisyon. "Wow!" Nakapagsalita din si Blaire pero hindi ko inaasahan na sasabihin niya ang katagang iyon. Bigla ko na lang naramdaman na hinawi niya ang buhok ko na pumapanpan sa mukha ko sa gilid ng tenga ko. "Beautiful!" Hindi ko naman alam kung anong ire-react ko sa sinabi niya. Tsaka ko lang naisip na nandiyan nga pala ang Mama niya. Bago pa ako makapagsalita ay pinangunahan na ako ni Tito. "What a beautiful dance! Ang galing mo palang sumayaw Angel." Katapis non ay doon lang ako bumitaw kay Blaire. Nakakahiya yung posisyon namin kanina. Pati pala ang Papa niya ay nanonood. Hindi ko naman kase alam na bigla na lang siyang darating at hihinto doon kung saan din dapat ako hihinto kaya ayan tuloy. Syenore wala naman akong ibang gagawin kundi ang humawak sakaniya dahil baka mamaya ay matumba naman ako at magkafracture pa ang paa ko. Mahirap na at baka hindi na ako makasayaw pa. "Bakit hindi mo sinabing marunong ka palabg sumayaw?" Kasalanan ko ba yun? Malay ko bang hindi niya yun alam. Inalalayan niya naman akong makaupo sa bench. "Hindi ka naman nagtanong." Tsaka niya ako pinainom ng tubig. Maya maya pa ay bigla na lang nag ring ang phone ko agad niya naman itong kinuha. Kala mo sakaniya itong phone ko. Pwede naman siyang bumili eh. "Hello? Francine? Bakit? Huh? Sino? Lucy?" Bago paman ako magtanong bigla niya na akong hinila papalapit sakaniya. "Pa, wag na wag niyong papasukin yung may pangalang Lucy ahh." Lucy? Lucy, sino kase yun? Ahh tama! Yung magaling kong pinsan. Ano naman ang gagawin niya dito? "Paano niya nalaman na nandito ako? Anong sabi?" Pinatikom niya ang bibig ko gamit ng isang daliri niya. "Shh. Stop asking. Let's go. Pumasok na tayo sa loob bago ka pa makita ng pinsan mo." Wow! Alam niyang pinsan ko si Lucy. Agad niya naman akong hinila dahilan para mapatayo ako. Kaagad niya akong pinasok sa loob ng bahay. Inutusan niya ang mga katulong at guards na bantayan ng maayos ang paligid at huwag magpapapasok ng kung sino-sino. "Anak, sino ba si Lucy? Naguguluhan ako sa mga kinikilos mo eh." Kahit din naman ako naguguluhan eh. Hindi ko alam bakit ganito kumilos si Blaire. Hindi naman si Tite Hellen ang susugod. Bigla na lang may sumisigaw sa labas ng bahay nila. Napatayo tuloy ako. Bigla naman akong hinawakan ni Blaire sa braso. "Ako ng haharap." Baka mamaya anong gawin sakaniya ni Lucy. May lahing demonyo yun. "No, I'm coming with you. You don't know her. You don't know what she can do." Binitawan niya ang braso ko. "No, you can't akong bahala dito ka lang." Hindi an ako nagmatigas pa. Baka magaway lang kaming dalawa. Lumabas siya ng bahay. Ano kayang paguusapan nila ? "Angel, sino ba yang si Lucy? Bakit ganon na lang kumilos si Blaire. Parang natatakot siya sa pwedeng mangyari." Lumapit saakin si Tito. "She's my cousin. Masamang damo yun kaya ganon na lang ang kinikilos ni Blaire alam niyo naman ang anak ninyo masyadong OA." Natawa naman silang magasawa. Agad ding pumasok si Blaire. "She wants to talk to you but I won't let that happen. Baka ano na naman ang gawin niya sayo." Bakit niya gusto akong kausapin? Anong gagawin niya? Anong pakay niya? Baka mamaya ay kung ano na naman yan. "Ano bang sabi niya? Bakit gusto niya daw akong kausapin?" Bakit naman kase siya susugod dito tsaka paano niya nalaman na nandito ako ngayon? "She's damn crying and I don't if that's true. Kaya wag kang lalabas hanggat hindi ko sinasabi. Stay here. Hindi pa din siya umaalis hanggang ngayon." Desperada talaga yung pinsan kong si Lucy. Sarap ipakal ng sapatos. "Sir, nagwawala po siya sa labas. Ayaw niya pa din pong umalis at ayaw niya din pong paawat. Gusto niya po talagang kausapin si Ma'am Angel." See? Ganiyan kadesperada si Lucy. Ano ba kaseng kailangan niya at nagkakaganiyan siya. "Kakausapin ko siya." Matapang ako. Haharapin ko siya ngayon din. "No! You can't f*****g go out and face her." Ito ang OA kala mo naman eh papatayin ako nung tao. Kakausapin ko lang naman eh. "Blaire. I can manage. After all she's still my cousin." Hindi na siya nagsalita pa pero alam kong nakasunod siya saakin. Kalabas ko ay nadidinig ko na ang pagsigaw niya sa pangalan ko. Tama nga si Blaire umiiyak nga ito. "Angel! I need your help! Si Mom! Balak niya akong patayin! She's crazy! She's a walking demon! I don't know what to do! Please help me." Hindi ko alam kung maawa ako o matutuwa dahil pati siya ay inaaway ng sarili niyang nanay. "Are you crazy Lucy? After what you did to me, do you want me to help you? Wow! Just a wow! I can't imagine kung gaano kakapal ang mukha mo para manghingi ng tulong. Ikaw papatayin ng nanay mo? Magkakampi kayo diba. Anyare?" Hindi ko alam kung maniniwala ako sa mga pinagsasabi niya baka mamaya ay isa lang yan sa mga plano nila. "I'm so sorry for everything. Please, Angel. Help me. Please. I know I'm crazy to think na you can help me . But this is all I can do for now. I don't know what to do. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung anong uunahin ko." Nagpapatawa ba siya? I know na uma-acting lang yan. Siya papatayin ng sarili niyang nanay? She's crazy. Akmang lalapit siya saakin kaso biglang humarang si Blaire. "Don't. You. Dare." May pagbabanta sa tono ng boses niya. Nakakatakot din ang tono nito. Parang anytime ay kaya niyang patayin si Lucy. "Please. Please. Please. I need you help!" Hindi pa din ako maniniwala. Ilang beses na akong niloko ni Lucy kaya this time hindi ko papairalin ang kabaitan ko. Hindi ako maaawa sakaniya. "Lucy! What the hell are you doing here? Alis na! Kunin niyo na siya." Narinig ko bigla ang boses ni Francine. Thank God she's here. "You have two months to prepare for your upcoming show. Ikaw ang magpapalabas sa araw na iyon. Ikaw angsasayaw instead of Lucy and that's what Lucy want. She wanted you to dance again. And I don't know if this is a trap." Oo nga pala. May show pala na gagawin after two months. Dapat ako talaga ang sasayaw doon kaso nung namatay na si Mama si Lucy na ang magpeperform diba nga yung nanay niya gahaman kaya pati anak niya nangaangkin. Tapos ngayon gusto niya ako ang magperform. "Seriously? Well, hindi ako papayag. I can't do that. Hindi ako maniniwala sakaniya. Ngayon pa? Na ilang beses niya na akong niloko. No way! Oo gusto kong sumayaw pero hindi ko tatanggapin ang gusto niya. Inalis na ni Francine dito si Lucy. Napanatag naman ako ng makaalis na si Lucy. Sabay kaming pumasok ni Blaire sa loob ng bahay. Naguguluhan ako ngayon. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. "Kung nagdadalawang isip ka. Wag ka ng magdalawang isip dahil hindi pa din kita papayagan. Alam mong patibong lang yun. Don't tell me na naniniwala ka kay Lucy."ako maniniwala? No way! Hinding hindi! "Tch hindi ako naniniwala. I know that she's lying." Para anamg baliw si Blaire. Hindi naman ako maniniwala doon kay Lucy no. Hindi ako tanga para magpaloko sa isang baliw. Kalaban yun paano ko siya paniniwalaan. "Tsaka diba sinabi ko sayo na magpahinga ka sa kwarto mo. Anong ginagawa mo sa garden?" Kanina pa yun ngayon niya lang yata naalala na papagalitan niya ako. "Kinausap kaya ako ni Tita Beatrice." Kala mo naman boss siya kung makautos eh. "Oh bakit naman ngayon ka lang nagalit anak? Hahaha. Nakalimutan mo ba?" Tawa pa ng tawa si Tito Edward sa kaniya. "Pa, malamang magagalit ako. Sinabi kong magpahinga siya hindi siya nagpahinga. Tara na sa taas. Baka mamaya ano na naman mangyari sayo eh." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila paakyat sa kwarto. May mood swings din ang isang 'to eh. Wala akong nagawa kundi ang sumama sakaniya. Inalalayan niya akong makaupo sa kama. "See? You're tired. Magpahinga ka muna." Alam niya pa saakin kung pagod ako o hindi. Grabe! Kinuha ko kaagad ang phone ko nung magvibrate. Naka silent na siya ngayon. Pakilamera kase itong si Blaire. "Sino yan? Akong sasagot!" Aagawin niya sana saakin yun kaso hindi ko binigay sakaniya. "Loud speaker mo. Gusto ko naririnig ang boses ng tumatawag." Utos ko sakaniya. Ginawa naman niya. Nakinig akong mabuti. Nanindig ang balahibo ko ng marinig ang boses niya. [Kumusta ka na? Buhay ka pa din? Iba ka talaga, Angel. May araw ka din saakin. Tandaan mo, nasa panganib ang buhay mo. Kahit saan ka pa magtago makikita at makikita kita. HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!] Pinatay kaagad ni Blaire ang phone dahil puros nakakatakot na tawa niya na lang ang naririnig ko. Kinabahan na naman ako. Natakot din ako. "Akong bahala sa Tita mo. Kung papatayin ka niya, papatayin ko din siya." Wow! Ang tapang ahh. Hindi ako nagsalita. Iniisip ko kase kung ano pa kaya ang pwede niyang gawin saakin. Hindi na ako lalabas ng bahay. Dito na muna ako. Mas safe dito sa loob ng bahay nila Blaire. Maraming bantay. Ligtas dito. "Sh's totally a demon. What now? Are you scared?" Tinatanong pa ba yan? Malamang oo! "Ofcourse. Aren't you scared too? Delikado din buhay mo dahil nasa tabi mo ako." He hold my hand. "I know. I'm not scared. Sanay na ako. Take a rest now. Wag mong isipin yung sinasabi ng Tita mo. Nananakot lang yun." Tumango na lang ako at humiga na sa kama para matulog muna. I think, Blaire is right I really realky need to take a rest. Masyado na akong stress. I badly need this. Nagising ako and then I found out na it's almost midnight na pala. "Oh gising ka na pala. Are you hungry?" Nagulat ako ng magsalita si Blaire. Hindi niya ba ako iniwan kanina? Habang natutulog ako binabantayan niya ako? "No I'm not." Hindi man ako nakakaramdam ng gutom. Wala akong ganang kumain ngayon. "Let's go, gusto kong makahinga ka ng maluwag." What? Makahinga ng maluwag? Saan namang lugar yun? "Hindi ba ako nakakahinga ng maluwag dito sa bahay ninyo?" Hindi niya man lang sinagot ang tanong ko agad niya na akong hinila palabas ng kwarto. "Hoy! Saan ba tayo pupunta?! Oras na ah! May balak ka bang magpunta sa bar? Sorry but I'm not a party goer! Kaya hindi ako sasama!" Wala akong magawa kundi magpahila sakaniya pasakay ng sasakyan niya. Hindi naman ako makapalag. Sobrang lakas niya. Kung tatanyahin mas matangkad siya saakin. Sa buong biyahe ay hindi niya man lang sinabi kung saan kami pupunta. Oras na ehh. It's almost 12 in the midnight pero nasa labas kami. Akala ko bang gusto niya akong magpahinga, bakit ngayon ay pinapasyal niya ako kung saan? Hindi ko din maintindihan ang kasama ko. Napapailing na lang ako. "Were here." Agad siyang bumaba ng kotse agad naman din niya akong inalalayan para makababa ng kotse though kaya ko namang bumaba sa kotse since medyo nakakaaninag ako pero inaalalayan niya pa din ako. Kababa namin ng kotse sumalubong saakin ang malamig na hangin kaya tinangay nito ang nakalugay kong buhok. Ni hindi man lang ako nakapagtali ng buhok at nakapagbihis ng maayos. Naka satin dress pa din ako. Kung anong suot ko kanina yun din ang suot ko ngayon. Hindi ko man lang ito napaghandaan. "Where are we?" Tanong ko kay Blaire na ngayo'y hawak hawak ang kamay ko. "To my secret place." A secret place? Nakakainis! Bakit hindi niya sabihin kung nasaan talaga kami? May secret place siyang nalalaman. Inalalayan niya akong umupo, tumabi siya saakin. "Kapag gusto kong magpahinga dito ako pumupunta. Wala masyadong tao dito kaya tinawag ko itong lugar para saakin. Inangkin ko na ito since wala din namang pumupunta dito. I used to stay here just to relax." Okay! Secret place niya daw eh. "I need to breathe. These past few weeks naging mabigat ang pakiramdam ko. Palagi na lang akong problemado. Hindi ko alam kung nagkakataon lang or sadyang malas lang ako." Siya lang pala ang may kailangan ng lugar na ito, kaya bakit niya pa ako sinama? "So you mean problema ako sayo? Sabagay, marami din naman nagsasabi niyan. Kaya sanay na ako-" agad naman siyang nagsalita kaya napatahimik ako. Hindi ko natuloy ang sinasabi ko. So epal! "No. Hindi ganon. Hindi naman ikaw ang problema. I need to breathe baby. You also need to breathe." Tch. I hate calling me baby. Bakit ba baby siya ng baby? Yuck! "Stop calling me baby. How many times do I need to tell you that I'm not your baby." And then I heard him chuckled. Oh ghod! Nakakapikon siya ah. "Hey, why are you always irritated? Tch. Napakasungit!" Sinong hindi maiirita sa kaniya? Well, masungit talaga ako. Higit sa lahat iyakin. That's me! "Tch. Because you called me baby. Nakakainis!" Inis na inis ako sakaniya. Kadiri! Ako baby niya? So eww! "Baby. Ang sungit mo. Baby." Talagang ginagalit niya ako eh. Tawa pa siya ng tawa habang paulit ulit akong tinatawag na baby. "Baby your ass." Ang sarap ipatumba nitong si Blaire. May side pala siyang mapanginis. "Baby-Ouch! Why didyou do that?..............Baby." He's getting into my nerves. Naiirita na talaga ako sa kaniya. Kaya wala akong nagawa kundi kurutin siya sa tagiliran. "Ang annoying mo kaya Blaire. Nakakapikon!" Sabi niya he wants to relax. So ito ba yung way ng pagrerelax niya? Ang insi ang kasama niya? Kaya niya pala ako sinama. "Awww my baby is pikon. You look so cute! Hahaha." Todo simangot ako habang siya ay tawa ng tawa. Mukhang hindi na ako magsasalita. Gosh! Bakit ba ako pumayag na makasama ko siya? Mukhang mababaliw ako right after this. Hindi na siya tumigil sa kakatawa at kakaasar saakin. He's so naughty. Naisip ko lang kung nagkagirlfriend na ba ito. Siguro kung Oo, maraming nakipagbreak sakaniya. Nakakainis ang ugali niya. He did not stop teasing me. Ako naman ay todo simangot lang at hindi nagsasalita. Baka kung ano pang masabi ko sakaniya. "Hey baby, bakit hindi ka nagsasalita? Talk to me. Hey are you mad?" Nagiba na ang tono ng boses niya but I still heard him laughing. Grrr. Nakakainis na talaga siya! Ganiyan ba talaga siya? Nakakaasar naman! "Tch. Stop teasing me. Yan ba ang way ng pagrerelax mo? So childish! Nakakapikon ka, alam mo ba yun?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nagsalita na din ako. "This is what you call Operation: Asarin si Angel. Ofcourse alam ko yun. Look at your face. Hahahaha. Namumula ka na." Tinagilid ko ang mukha ko. Namumula na ako sa inis. Sasabog na talaga ako dito. Humanda yang si Blaire saakin kaoag naipon ko itong inis ko. Ayun siya at malakas na tumatawa. How dare him? Pinagtatawanan niya lang naman ako. Nakakairita na siya. Tuwang tuwa siya habang tinititigan ang mukha ko. Alam niya talaga kung paano manginis. Hindi ko na lang siya pinansin. Iniba ko na lang ang iniisip ko. Ano na kayang ginagawa ni Tita Hellen? Totoo kaya yung mga pinagsasabi nung anak niya? Pero alam ko sa sarili ko na hindi yun totoo. Sinong maniniwala sa isang manloloko? Like duh! I'm not tanga para magpaniwala sakaniya. I know that it's a trap. Kapag ka-pumayag ako malamang doon na nila ako papatayin. I know them. Really reay well. Pamilya sila ng demonyo. I don't consider them as my family. And they will never be. Kahit pa magunaw ang mundo, hinding hindi ko sila ituturing na pamilya. Wala akong pamilyang demonyo. Mamamatay tao at sakim. Hindi ko nga alam kung paano natiis ni Lola si Tita Hellen sa ugali nito. Kawawa si Lola at nagkaroon siya ng ganoong anak. Ang layo ng ugali niya sa ugali ni Lola at ni Mom. Halatang ampon siya. Kaya siguro siya nagkakaganiyan. Ano na lang sasabihin sakaniya ni Lolo? Nakakahiya siya. She doesn't deserve Lola and Lola. Kitang kita ko kung paano siya naging sakim at ganid para lang sa sarili niya. Pati asawa niya kinukunsinti niya. Her husband is kind but..... Hay. Wag ko na ngang alalahanin si Tita. Lalo lang akong nastress. At mas nastress ako ng marinig na naman ang pagtawa ni Blaire. "How could you laugh that much? Akala ko bang may problema ka? But you don't look like a problematic man, dude." Ang weird niya lang. "Yeah. I have a problem. But you also need to relax for a while. Rest for a while. Laugh to forget. That's how I relax. Wag mong isipin ang problema. Maso-solve din yan not now but soon. You need to rest. I need to rest. We need to rest. Tao pa din tayo. Were not alien." Well, he has a point naman. I agree with him. Kaya pala tawa na lang siya ng tawa ngayon. I know that he always do that to release the pain for a while and then after that alam kong nandoon pa din yun. "But the pain is still there right? Hindi na yun mawawala. I know that Blaire. We don't need to act, to pretend that we are happy." Ayoko sa lahat yung nagpapanggap na masaya. Kung gusto kong magalit gagawin ko. Kung gusto kong umiyak gagawin ko. I don't care what people say. Ang mahalaga nalalabas ko ang totoong emosyon ko. "Yup. The pain will remain. No matter how strong you are but ofcourse we still need a break." Sumimangot na lang ulit ako at nanahimik saglit. See? I'm right. Kahit anong mangyari hinding hindi mawawala yung sakit na nararamdaman natin. And that pain will always hurt us. Kahit anong mangyari maiiwan at maiiwan ang bakas ng kahapon. Sino ba kase ang nagpauso ng salitang pain? Masyado siyang pauso. Kaya may nasasaktan eh. Ipapahanap ko talaga ang nagimbento ng salitang yun. Nakakasakit siya eh. Ang dami niyang alam. "You know what? I think we should go to the city of smiles." Biglang nagsalita si Blaire. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "City of smiles? What's that? And what the hell are we doing there?" Kung ano-anong pinagsasabi niya. "City of Smiles. Bacolod City! You don't know that? Pupunta tayo doon para matuto kang ngumiti. Hindi pa kita nakikitang ngumiti. Palagi ka na lang nakasimangot. Can you please smile?" Lalo lang akong sumimangot sa sinabi niya. "Tch. I can't. I will never do that." Nagulat ako nung bigla siyang lumapit saakin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "Smile!" Pilit akong ngumiti sa harapan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD