Dave's Cellphone

1346 Words
Chapter 13 Dave’s Cellphone Nakiusap pa rin si Marion na hindi sila magtabi ni Rick, dahil balak niyang umalis mamaya para manmanan si Dave. May mga nakalap na rin itong mga impormasyon kung saan naglalagi ang binata at susubukan niyang pumunta doon. Ayaw niyang magpaalam sa binata dahil parang ayaw nitong lumapit ang dalaga kay Dave, pero gustong matapos ito ni Marion, kaya hindi nya ito susundin at aalis na lang ng palihim. Alas onse na at nakagayak na ang dalaga. Para hindi mahalata ay sa bintana siya lalabas at hindi dadalhin ang kanyang sasakyan. May kinontak na siya na susundo sa kanya sa bungad ng Village para makarating sa bahay nito at doon kukunin ang motor at ibang gamit. Matagumpay naman siyang nakalabas ng gate ng walang nakakakita sa kanya at nakasakay na sa nag aabang na tauhan ng Agency na kanyang pinagkakatiwalaan. Maya maya lamang ay nasa kanyang bahay na siya at kinuha ang mga kailangan. Nag disguise siya at iniba ang itsura. Mayroon na siyang mga ready made prosthetics mask and wigs. Hinding hindi na siya makikilala na siya si Marion. Nagdala rin siya ng pekeng ID na may mukha ng kanyang suot na maskara ngayon, just in case. She is Tina Carson tonight! Nagsuot siya ng black jeans with red sexy top na pinatungan ng leather jacket. Hindi siya pwedeng mag skirt dahil mag momotor siya. Napag alaman ni Marion na nasa isang bar si Dave with some of his friends at doon na nagpunta ang dalaga. Pi-nark niya ang motor sa di kalayuan at hindi sa harapan mismo ng Bar.  Bar ito na halos puro mayayaman lang ang pumupunta dahil sa mahal ng entrance nito. Mahigpit din ang seguridad. at dahil handa siya bago pumunta ay naka acquire siya ng Gold card na bigay sa kanya ng kanyang tauhan mula sa Agency. Ipapakita lang ang Card sa Bouncer, wala ng tanong tanong. Dahil the Gold Card means VIP. Nakapasok na si Marion, or should we say, Tina sa loob at hinanap ng kanyang mata ang kinaroroonan ni Dave. Nakita niyang parang wala sa mood ang lalaki . Bago siya lumapit ay hinubad nya muna ang kanyang jacket at lumantad ang kanyang mapuputing cleavage at kunyari ay nahulog niya ang kanyang susi sa harapan nito. Pinulot ni Marion o Tina ang susi ng nakakaakit na nakaharap sa lalaki at kita ang cleavage. Tumingala si Marion/Tina dito at nakitang nakatingin si Dave. Humawak naman ang dalaga sa tuhod ng binata na wari at kailangang may hawakan para makatulong sa kanyang pagtayo. She got Dave’s attention. “Hi there” Bati ni Dave sa kanya “Hello, sorry about that, i didn’t mean to touch you…” malanding sabi ng dalaga “It’s ok, I like what you are wearing… Red! reminds me of someone, care to join me?” yaya ni Dave “Sure, but I don't drink. I am allergic to alcohol. The one that reminds you… Sino siya? Girlfriend?, Ex?” tanong ni Marion/Tina “Not really, someone that I really like. By the way, I am Dave. You are?” pakilala ni Dave “I’m Tina, it’s a pleasure meeting you.” sagot ni Marion/Tina Tinawag ni Dave ang waiter para orderan si Tina nang juice “So, allergic to alcohol ha… that sucks!” wika ni Dave “ I know right, grabe nga, sa lahat , alcohol pa. hindi ko tuloy ma e-experience na malasing.” wika ni AKA Tina. “Sayaw tayo! yaya ng dalaga at pumayag naman si Dave Sa saliw ng musika, ekspertong gumigiling si Marion/Tina at patuloy na inaakit ang binata. ang plano ay kunin ng dalaga ang phone ng lalaki at kokopyahin lahat ng contacts . Lahat din ng messages nito at Calls ay makikita sa isang system na nilikha ng agency pati na rin gps nito. It’s like tapping. Bawal ito ofcourse, but not for them. After a few minutes ay Nakuha na ni Marion ang phone ng Binata at nagyaya nang umupo. Nagpaalam din siya na mag babanyo muna para gawin ang balak. she needs atleast 3 mins to download everything. Madaling nagawa nito ni Marion/Tina , Nakita naman niya si Dave na parang may hinahanap at may mga kasama na. Marahil ay hinahanap ang Cellphone nito. Dali daling pumunta kung saan sila nakaupo kanina ang dalaga at inipit ang CP kung saan naman nakaupo si Dave kanina bago siya lumapit dito. Masama ang tingin ni Dave sa kanya “ You, mandurukot ka noh! Golddigger! Modus ba to? Where is my phone?!” galit na sabi sa kanya “Excuse me lang ha! sa ganda kong ito at mayroon akong Goldcard, which means na VIP ako. Baka mas maganda pa phone ko sa iyo. Hinanap mo na ba kung saan ka nagpunta o umupo?” sarkastikong tanong ng dalaga Pumunta si Dave sa inupuan at doon nakita ang kanyang phone na nakasiksik pala sa dulo. “ I’m so sorry, akala ko kasi..” hindi na napagpatuloy ni Dave ang sasabihin ng sumingit ang dalaga “Whatever asshole, I’m out of here! jerk!” sabay alis ng dalaga. that was close! Inalis ang mask, naligo at nagbihis  muna ang dalaga sa kanyang bahay bago tuluyang umuwi kina Rick. Alas Dos na ng madaling araw. Dinuplicate ang nakuhang inpormasyon at binigay sa kanyang tauhan para imonitor sa agency  Inakyat pa rin niya ang bakod at inakyat ang kanyang bintana ng walang kahirap hirap. Nagulat si Marion ng nakita si Rick na nakaupo sa kama na wari ay naghihintay. Opppsss, huli! “Hi?” guilting bati  ni Marion “Saan ka galing?” mahinahong tanong ni Rick “Nangalap ng impormasyon…, bakit ka naririto sa kwarto?” balik tanong ni Marion “Hinihintay ka, kumatok ako, walang sumasagot kaya pumasok na ako. Kaya naman pala, dahil wala ka” mahinahon pa din si Rick “Hindi na rin kita tinawagan o minessage dahil baka makalikha ng ingay iyon at ikapahamak mo pa...kaya eto… naghintay na lang ako.”  “Well, para naman sa misyon kaya ako umalis, Ligtas naman ako as you can see.” sabi ng dalaga “ Oo nga pala, since narito ka naman, sasabihin ko na sa iyo. Nakopya ko na ang contact ni Dave sa Cellphone nya. Pati messages and calls at personal emails ay may access na tayo at kung saan siya nagpupunta” dagdag ng dalaga “You mean nakasama mo si Dave? diba dapat malapit ka sa kanya o makuha mo ang phone niya para magawa iyon” tanong ulit ni Rick,this time ay parang inis na. “Oo, at nag disguise naman ako. Hindi ako nakilala! Bakit ba parang hindi ka masaya na may progress itong misyon na to” naiinis na sabi ni Marion “Hindi naman sa ganun, I told you. do not go near that guy honey” galit na wika ng binata “Rick! it’s for the mission, ano bang kinagagalit mo” galit na rin si Marion Lumapit si Rick kay Marion “It’s honey, not Rick okay!” sabay sunggab ng halik sa Dalaga. Nagulat si Marion sa turan ng binata, pero maya maya ay kusang bumuka ang kanyang mga labi. Palalim ng palalim ang halik ni Rick at nadadala na rin ang dalaga kaya ito ay tumugon na. Gumagapang na rin ang kamay ni Rick sa kanyang likuran at beywang. Lumipas pa ang ilang segundo bago pakawalan ni Rick ang kanyang labi. Paos itong nagsalita. “Basta ayaw kong lalapit ka dun honey… may gusto sayo iyon…at ang gusto ko , ako lang. sa akin ka lang makikipag-usap, sa akin ka lang ngingiti at lalong sa akin lang ang halik mo!” hinalikan ulit ni Rick si Marion Naguguluhan ang dalaga sa mga sinabing iyon ni Rick kaya hindi nagtagal ang huling halik at itinulak na ng dalaga ang binata. “Please lumabas ka na, i want to rest now….” nakayukong sabi ni Marion “Okay, i just want you to know that i meant what i’ve said honey, goodnight” sabi ni Rick at lumabas na ng kwarto
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD