Handbag

1387 Words
Chapter 11 Handbag Pagbaba ng phone ni Marion ay nakita niya ang Receptionist na nakatingin sa kanya at nakasimangot na para bang narinig nito ang usapan nila ni Rick. Malayo siya at sigurado na hindi ito narinig ng babae. Hindi pa nakuntento ang Receptionist at lumapit sa kanya pagkatapos ng isang minutong titigan. Ang kanyang kinaroroonan ay nas bandang exit kaya malapit ito sa guard na malamang ay narinig ang mga sinabi niya sa phone kung ito man ay tsismoso at nakinig. Mukhang pupunta sa giyera ang itsura ng receptionist at nagtalak. “Hoy stalker, Ano pang ginagawa mo dito at hindi ka pa umalis? Binalaan na kita diba! Hindi mo ako mapapaniwala ng Gucci mo na malamang ay peke. Guard! palabasin nga ito” mando ng Receptionist. Madami ng napapatingin sa kanila, hindi naman natinag si Marion at nanatiling nakangiti dito. “Ay Miss Carla, hindi ko po pwedeng paalisiin si Ma’am. ayaw ko din masisante.” wika ng guard. Nakinig nga ito sa usapan namin ni Rick kanina. At Carla pala ang pangalan ng Receptionist na ito. “Huwag mong sabihing naniniwala ka sa baliw na babaeng yan Manong guard! Talagang masisisante ka, isusumbong kita. Kaya paalisin mo na yan! mando ulit ng Receptioniist. Sa puntong iyon ay nagsalita na si Marion. “Miss… Carla? kung ako sa iyo, hindi na ako mag eeskandalo. Tignan mo ang paligid...marami na nakatingin at mag nag vivideo pa. Mag viviral ka” wika naman ni Marion “Wala akong pakialam sa kanila, kung ayaw ka paalisin ng guard, ako ang kakaladkad sa iyo! masyado mo nang sinira ang araw ko” sagot ng babae at hahawakan na sana si Marion ng may pumigil na kamay dito at itinulak ang babaeng Receptionist. Walang iba ito kundi si Rick na umuusok ang ilong at halatang galit na galit. “Wala kang karapatang paalisin at mas lalo na ang kaladkarin ang asawa ko!” pasigaw na sabi ni Rick Nagbunyi ang kalooban ni Marion. Yay! asawa daw. Hindi lang girlfriend… kundi asawa! “Boss, ano pong sabi ninyo? asawa po?” maputlang sabi ni Carla “Oo!, diba tinawagan kana ng sekretarya ko na dadating si Marion at paakyatin agad?, huwag mo sabihing hindi ka tinawagan, dahil nandoon ako nung tinawagan ka. At ibinilin rin sa iyo na huwag na huwag mong paaakyatin si Tanya.” sabi ni Rick “Nawala po sa isip ko Boss, Sorry po, akala ko po kasi baliw yan” palusot ni Carla “At hindi lang iyon, nabalitaan ko din na nasusuhulan ka at pinapapasok ang hindi dapat papasukin. Guard, halika...samahan mo ang sekretarya ko at dalhin itong si Carla sa HR. Mula ngayon, ayaw ko nang makita ang mukha ng babaeng yan dito.” utos ni Rick na kasunod pala ang kanyang sekretarya “At kayong lahat na nandito, this is my wife. We will Wed soon and I consider her as my wife already. I expect everyone to respect my wife! At siguraduhin ninyong walang video na lalabas sa media, kung ayaw nyo masisante. Is that understood?” wika ni Rick sa lahat ng nandoon “Yes Boss!” sabay sabay na sabi ng lahat Ayos na sana, pero sumingit ang Model na nakababa na pala. Nakasimangot din ito at masama ang tingin kay Marion. “What is the meaning of this baby?, I am your girlfriend diba, hindi ang babaeng yan na ewan kung saan mo napulot. God! di hamak naman na mas maganda ako dyan” pagmamaliit ni Tanya kay Marion. Natawa naman si Marion “Rick honey, you do not have to answer that. Kaya ko na ito” sabi ni Marion at humarap kay Tanya. “Tanya Fuentes, kamusta si Governor Actub?” yun lang ang sinabi ni Marion at namutla bigla si Tanya. “I am just wasting my time here, maka alis na nga. Magsama kayong dalawa!” wika lang ni Tanya at dali daling umalis na. “Wow honey… atras agad ang kalaban mo! One sentence lang yun ah, pero may laman. What about Tanya and that Actub guy?” nakangiting sabi ni Rick at umakbay pa kay Marion. Kinuwento naman ni Marion ang kanyang nalalaman. Si Governor Actub ay isang corrupt na Government official na naging isa sa mga misyon nya. Sa misyon din na iyon nya napag alaman na si Tanya naman ay kabit nito. Dahil nga sa hindi naman kasama si Tanya sa misyon, ay hindi na ito inilabas sa media. at ito ang kina iingatan ni Tanya na huwag lumabas. Dahil tiyak, her career is over. Umakyat na sila papunta opisina ni Rick. Maya maya lamang ay dumating na rin ang sekretarya ni Rick na si Mrs. Dina Castro. ang nasabing sekretarya ay namana pa ni Rick sa kanyang Dad at kasapi din ng Organisasyon. Walang ibang pinagkakatiwalaang sekretarya si Rick kundi ito. Ipinakilala naman ni Rick si Marion at sinabing kahit anong oras ay pwedeng pumunta si Marion kahit walang abiso. Nakahanda na rin ang kanilang kakainin sa boardroom at sila ay nananghalian na. Itong si Rick pala ay hindi pa kumakain mula umaga kya mukhang ginanahan kumain kasama si Marion. Pagkatapos ay bumalik na sila sa office at pinaupo si Marion sa sofa. Si Rick naman tinuloy ang pagbabasa ng mga papeles. Parang wala namang gagawin si Marion kaya nga surf na lang siya ng internet at nag check ng email gamit ang kanyang cellphone. Napatayo siya bigla sa nabasa sa isang email. Nagulat naman si Rick sa inasal ng babae. “Why?, what’s wrong?” tanong ng binata “Nothing….” sagot ng dalaga pero halatang naiirita “Tell me, what is it honey” tanong ulit ni Rick “It’s nothing, lalabas muna ako at may tatawagan lang ako saglit” lumabas agad si Marion Sinundan lang ng tingin ni Rick si Marion. Binuksan nito ang isang Laptop at inaccess ang cctv kung saan nakatayo si Marion at may kinakausap sa cellphone. Ang tangi lang naintindihan ni Rick ay Louis Vuitton. Natawa si Rick.Naisip nya na Oo nga pala at mahilig sa bag ang dalaga. At mukhang naunahan yata ang dalaga sa pagbili ng inaabangang bag na bagong labas. Tinawagan ni Rick ang kanyang Mom at nagtanong kung may alam bang Louis Vuitton store ito at malaman kung ano ba ang pinapa reserve ng dalaga. Natuwa naman ang kanyang Mom, na excite pa ito ng malaman na mahilig din pala sa bags ang dalaga gaya niya. siya na daw ang bahalang tanungin ang kanyang sales associate para malaman kung anong bag ito at gawan ng paraan para makuha ito. Kahit pa confidential ito, ay walang makakahindi sa isang Del Rama. Isa itong surprise ni Rick kay Marion. As promised, he will give everything to his Dragon Wife. Pumasok na ulit si Marion na nakabusangot ang mukha. “Honey, are you sure na okay ka?” tanong ulit ni Rick kay Marion “Don’t mind me Richard. Okay lang ako” maikling sagot ng dalaga “Oh no honey, what did i do? You called me by my name, Richard talaga? not even Rick or honey” pagtatampong sabi ni Rick Natigilan si Marion, unfair naman kung idadamay niya si Rick sa disappointment nya. May kukuha ng gusto niyang handbag na inaabangan talaga nya. Para sa kanya talaga dapat iyon dahil pinareserve nya, pero mag eeskandalo daw ang isang socialite pag hindi nakuha iyon at tinakot pa ang empleyado doon, natakot ang isang Sales Associate kaya napapayag ito kasalukuyang inaasikaso na nito ang purchase ng Socialite. Naaawa naman siya sa Sales Associate kaya hindi na siya magrereklamo, pero badtrip talaga. Ibang mayayaman nga naman, tinatapakan ang mahihirap. “I’m sorry honey…” lumapit si Marion kay Rick at niyakap ito. Wala sa sariling ginawa iyon ni Marion at bumalik sa pagkakaupo. Natigilan naman ang binata sa kinilos ng dalaga. Ngumiti ito at parang kinilig pa. “It’s okay honey… whatever it is, it’s going to be fine” pag assure ni Rick kay Marion  Tumango na lang ang dalaga na tulala pa din, bakas dito ang lungkot. Nag ring ang phone ni Rick at ito ay sinagot. Mom niya ang nasa kabilang linya. Napangiti si Rick sa balita at binaba na ang phone. Tuloy ang surpresa. “Marion honey, may pupuntahan tayo, i have a surprise for you…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD