JAMES Nang tumunog ang doorbell, dali-dali ako sa pagtayo, bumalik si Pen, gusto kong humingi ng pasensiya sa inasal ko kanina. Napakagago ko, binabalewala ko 'yung mga ginagawa niya para sa akin. Hindi ko siya pinakikinggan kahit alam kong iyon na ang dapat kong gawin. "Pen?" sabi ko pagbukas ko ng pinto pero hindi si Pen ang nakita ko. Ilang segundo ko siyang tinitigan habang sinisiguro kung hindi ba ako namamalikmata lang. Hindi ako nagkakamali, siya nga. Ang babaeng nang-iwan sa akin. "Crystal?" Hindi ako makapaniwalang siya ang nasa harapan ko ngayon. "Hi," sabi niya na parang kinakabahan. "Puwede ba akong pumasok?" tanong niya nung hindi pa rin ako nagsasalita. Niluwangan ko ang pagkakabukas ng pinto atsaka pinagdadampot ang mga nakakalat sa sahig. "Maupo ka," sabi ko habang i

