KARREN "Salamat Papa, hindi niyo po alam kung gaano niyo napanatag ang loob ko," sabi ko nung malaman kong hinahayaan na niya akong mamili ng lalaking gusto ko at siyempre 'yung gusto rin ako, kaya napayakap agad ako sa kanya. "Siguro nagkamali nga akong ipilit sa'yo ang akala kong makakabuti para sa'yo," sabi ni Papa. "Naiintindihan ko po kayo. Promise ko sa inyo, hindi ako sasama sa lalaking hindi niyo makakasundo," sabi ko. Masaya ako na nagkakaintindihan na kami ni Papa. Pangako, hindi ko na sila bibiguin. "Pa, Ma, si Steve po, kaibigan ko," pakilala ko nung minsang dumalaw nga si Steve sa bahay at may dala-dala pang mga prutas para kay Papa kasi nga nabanggit kong kalalabas lang ng hospital. "Kamusta na po kayo? Para po sa inyo," sabi ni Steve sabay abot ng bitbit niya. "Salama

