KARREN "Hello James, sinabi ba sa'yo ng papa mo na dito kayo magdi-dinner sa bahay?" tanong ko sa kanya nang sagutin niya 'yung tawag ko. "Hindi, bakit?" tanong niya. "Tss, dito daw kayo magdi-dinner sabi ni Papa. Bakit ba hindi ka nila in-inform? Ay oo nga pala girlfriend mo ako, so ako ang inaasahan nilang magsasabi sayo 'di ba?" Girlfriend niya nga ako pero echos lang. Tsk. Naalala ko 'yung first step. May girlfriend na ba talaga siyang tunay? Kung meron man, bakit niya itatago? Siguro nga wala, kasi kung meron eh 'di sana ginamit na niya para hindi matuloy ang kasal-kasalan namin. "Kung 'yun ang plano nila, okay," sabi niya. "Matanong ko nga James, may karelasyon ka ba?" tanong ko. Wala namang masama sa tanong ko kaya go lang Karren! Haha. "Karren, sorry I'm busy," sabi niya.

