"Mahal ko, baka magising si Ellie, please lower your voice," saway niya sa akin. Lower your voice mo mukha mo! Nakakainis talaga! "Ang sabi mo sa akin kailangang mauna ka lang sa paghahanap sa kanya para maumpisahan ang deal dahil hindi mo makakausap ng ayos ang daddy niya dahil sa nawawala nitong anak. Paano niyo mai-clo-close ang deal kung itatago mo siya?" sabi ko sa mababang tono. Baka nga kasi magising si Ellie, ako din naman ang mahihirapan. "I asked her to call her dad and tell that her safe para kumalma na ito at hindi na siya hanapin. Mahal ko, maghintay lang tayo ng ilang araw at ihahatid ko na siya sa kanila," paliwanag niya. "You can already talk to Mr. Aguilar about the deal kasi kalmado na naman siya, alam niyang safe ang anak niya," sabi ko. "Let's just wait until her da

