CRYSTAL "Oh Karren, napatawag ka?" sabi ko sa kabilang linya. "May problema ba?" tanong ko nung marinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Friend, 'yung puso ko," sabi niya. "What?" "Crystal, nahihirapan na ako. Gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Ang sakit sakit na, hindi ko na kayang pigilin 'to. At ang mas masakit pa, hindi niya ako sineseryoso dahil biro lang sa kanya ang lahat ng sinasabi ko. Sabi pa nga niya, hindi daw niya naman pinagsisisihan na nakilala ako dahil, dahil natutuwa daw siyang maging 'kaibigan' ako. Ano ng gagawin ko? Nahuhulog na ako sa kanya," sabi niya. Sabi ko na nga ba, umiiyak ba siya? Nasasaktan ako para sa kanya pero hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako dahil hindi ko rin alam ang gagawin ko. "Karren, kung gusto ka niya, sana noon

