Pinky Pov❤
Isang taon na ang nakalipas ng magkalayo kami ni butch'
Ang pahingang sandaling yon ay nauwi sa mainit na pagsasalo naming dalawa
Alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko siya kahit na hindi niya sinabi saking mahal niya rin ako
Dahil sa mga ngyaring yun sino ba namang mag aakalang magkakaroon kami ng kambal na mga anak kahit kelan hindi ko naisip ang pagsisi dahil makita ko lang ang mga anak ko masaya nako kahit malayo si butch sa piling naming mag iina
Noong panahon na nagbubuntis ako si inay at itay lang ang mga nakasama ko lubos akong nagpapasalamat dahil sa kabila ng ngyari hindi nila ako iniwan mag isa
Palihim ang itay na nakikibalita sa pamilya nila butch sabi ni itay nahanap daw ang ina ni butch ng kanyang ama
Si tita teresa ang mama ni butch ay isa palang taga pag mana ng kanyang ama sino mag aakalang mayaman pala siya
Sabagay kung ako man matagal ko ng naiisip na may lahi ang kanyang ina dahil kulay abo ang mata nito at maputi ang mga balat samantalang si tito karding naman ay moreno pero makikita mo parin ang kakisigan nito kahit na may edad na at hindi maitatangging may ipagmamalaki ang itsura nito
Napatingin ako sa mga anak ko na nakatingin sakin na para bang nakikipag usap pero hindi ko naman maintindihan dahil walong bwan palang ang kambal ko
Hindi nako magtataka kung bakit kulay abo ang mga mata at mapuputi ang kambal ko dahil nagmana sila sa ama nila na may lahing americano
Maswerte parin ako dahil si butch ang minahal ko, nakaramdam ako ng lungkot at pangungulila ng maalala ko si butch
Hellow baby' bati ko sa kambal ko at tumawa naman ang mga ito
Say papa' PaPa!
Balang araw mga anak makikita din natin ulit ang papa niyo
Hindi ko maiwasan maiyak dahil ramdam ko ang pananabik at pagmamahal ko kay butch
Pinky' anak! sigaw ni inay sa labas ng pinto. ..
Po?
Buksan mo nga ang pinto mo!
Andiyan na po inay!
Bago ko pag buksan ang inay inayos ko muna ang sarili ko para hindi mahalata ang pag iyak ko
Pasok po nay,
Tulog naba ang kambal iha?
Hindi pa nga po nay e'
O siya sige ako ng bahala magreview kana at may exam kapa bukas
Salamat po nay, babawi po ako sa inyo pag dating ng panahon
Ngumiti ang inay at tumango bilabg sagot
Simula ng mgbuntis ako ay itinuloy ko pa rin ang pag aaral ko sa kolehiyo dito sa saint kris university nakapasok akong skolar bilang isang acountancy buti nalang nataon na bakasyon ng manganak ako kaya nakahabol parin ako sa pagrereview kaya naging maayos ang grades ko
Dadating ang panahon lahat ng paghihirap ay mapapalitan ng ginhawa pag papalakas ko ng loob ko para sa kambal! Lahat kakayanin ko
Hayy, huminga ako ng malalim at dinama ang malamig na simoy ng hangin dito sa veranda namin ....
Nakasanayan ko na ang pagrereview dito dahil nakakarelax at napakatahimik