C-77

2055 Words

"Lupita!" magiliw na ani ng babae na nagbukas ng pinto para sa akin. Ipinasundo talaga ako nito sa driver n'ya. Kaya ngayon ay narito na ako sa harap ng mansion ng mga Martinez. Bahagya kong iniangat ang laylayan ng bestida kong bulaklakin dahil kapag hindi ko ginawa, maaapakan ko lang iyon. Nang makatapak na ako sa teritoryo ni Taco Martinez ay hindi ko maiwasang mangiti. Sa wakas. "Halika, nandoon na sa loob iyong mga kasama natin." Hinuli nito ang kamay ko, at nang mahawakan n'ya ay hinila na n'ya ako patungo sa loob. Nagtingin tuloy ang mga nasa sala. "Papa, si Lupita po iyong new friend ko na tinutukoy ko." Pakilala ni Iskayla sa akin. Bahagya akong kumaway. "Hello po." "Lupita, si Mama Lalaira Martinez. Siya ang mayor dito sa atin. Si Papa Taco naman, isa siyang businessman."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD