Chapter Thirteen

1418 Words
Sa isang villa kami tutuloy. May sarili kaming mga kwarto sa second floor, habang si Tito Florito at Tita Henna ay nasa unang palapag ng villa. "Sabi ko naman kasi same room na lang tayo." Nanunulis ang ngusong ani ni Hea sa akin. "Hea, mahilig kang magpuyat. Kung same room kayo ni Lupita ay tiyak kong madadamay rin siya. Tama lang itong solo n'ya." Iginilid ni Kuya Hunter ang maleta ko sa tabi ng cabinet. "Tsk. Kontra ka naman, Kuya." Reklamo nito. "Lupita, bihis ka na. Punta tayo sa dagat." Nabaling ang tingin ko sa bintana. Tanaw roon ang dagat. Gumuhit ang ngiti sa labi ko. "Sure!" excited na ani ko. No'ng family ko ang nag-outing, hindi ako pinayagan ni Papa Silas na sumama sa kanila. Inutusan n'ya akong magpanggap na inaantok. Naiwan ako sa hotel room. Habang sila ay sumakay ng yacht at ilang oras na wala. "Hindi ba muna kayo magpapahinga?" tanong ni Kuya Hunter. "Gusto ko ring maligo." Sagot ko. "Tara?" baling ko kay Hea. Agad namang tumango ang babae. Excited din. "Magbibihis na ako. Ikaw rin." Saka ito tumalikod at humakbang paalis. Pero bumalik din agad at isinama ang kapatid paalis. Kumuha ako ng two-piece swimsuit sa maleta na basta ko na lang inihiga saka binuksan. Nakapili naman ako. Kulay green iyon na alam kong bagay sa akin. Agad akong pumasok sa banyo at nagpalit. May cover up naman ako, pero manipis lang iyon. Kita pa rin ang two-piece na suot ko. Itinirintas ko lang din ang buhok ko. Patapos na ako nang makarinig ako ng katok sa pinto. Agad kong itinali ang buhok. Pagkatapos ay dali-daling lumapit sa pinto at binuksan iyon. "Hindi ka man lang nag-alinlangan na buksan ang pinto." Ito na naman si Kuya Hunter. Wagas kung makareklamo. Titig na titig naman sa dede ko. "At least ikaw naman iyan. Kaya safe." "Hindi ka sigurado." Sagot ng lalaki. "Ano?" nanlaki ang matang ani ko. Kunwari'y natakot sa narinig ko mula rito. "I mean... hindi ka sigurado kung ako ba ang kumakatok. Paano kung ibang tao?" "Ito naman, hindi pumasok sa isip ko iyan. Kasi naman private ang villa na ito." "Tsk. Halika na. Naghihintay na si Hea sa baba." Agad akong lumabas at hinila muna pasara ang pinto. Nauna nang lumakad ang lalaki. Sayang. Kung sa likod ko sana siya ay makikita n'ya kung paano mag-sway ang pwet ko. Eh 'di nakatipid siya, libre ang pa-booty show. Mas nauna itong nakababa at nakalapit kay Hea. Naroon din ang parents nila, hindi talaga kamukha ni Kuya Hunter ang ama nito. Kung 'di siya ampon, baka talagang iyong nanay n'ya ang kamukha n'ya. "Hunter, ikaw ang bahala sa dalawang dalaga natin." Bilin ni Tita Henna. Natin. Bakit ang sarap sa pakiramdam na mapabilang? Napangiti ako sa ginang. Matamis din ang ngiting isinukli nito sa akin. "Ako na pong bahala. Babantayan ko sila." Sagot ng lalaki. Naka-hawaiian polo ito na bukas ang botones, sa tuwing pumapasok ang hangin ay lumilipad iyon kaya naman kita ang naghe-hello na abs nito. Ang sarap dilaan... wait, kailangan ko kasing ipaalala sa sarili ko na ang serbisyo ko ay hindi libre. Hindi pwedeng ako iyong masyadong maghangad dito. Umalis na kami. Nakakapit si Hea sa braso ng kuya n'ya. Ako naman ay nakabuntot lang sa kanila. Kaya siguro huminto rin si Kuya Hunter. "Come here." Inilahad nito ang kamay n'ya. "Lupita, ang kuya ko pwede mo ring Kuya." Napatitig ako sa kamay ni Kuya Hunter. Pero paano kung ang gusto ko'y maging asawa ang kuya n'ya, payag kaya s'ya? "Lupita." Tawag nito ulit. Kaya naman humakbang na ako at tinanggap ang nakalahad nitong kamay. Magka-holding hands kami, habang si Hea ay nakayakap sa braso ng kuya n'ya. Ngunit nang matanaw na namin ang dagat ay iniwan na lang naming basta si Kuya Hunter. Excited na lumusong kami. Pero hindi naman binasa ang mga katawan. Doon lang sa parteng tuhod, tapos bumalik sa mas mababaw pa. Iyong halos alon na lang ang bumabasa sa mga paa namin ni Hea. "Oh, I forgot my phone." Reklamo ni Hea. "Kuya, picture!" ani ni Hea. Agad itong nag-post. Napasimangot si Kuya Hunter. Pero kumilos naman para kuhanan ng larawan ang kapatid n'ya na medyo conservative ang swimsuit na suot. Solo lang n'ya. Umusog kasi ako palayo rito. Ayaw kong maging photo bomber. "Ikaw naman!" sabi ni Hea sa akin. "Ako?" alanganin ani ko. Nang tumango si Hea. Agad kong hinila paangat ang cover-up ko sabay hagis sa babae. "Sure." Saan iyong pag-aalinlangan at hiya? Wala. Agad akong nag-post. Habang si Kuya Hunter ay parang tuod na. Medyo sexy pa naman ang mga posing ko. Todo bigay. May pasapo-sapo pa sa dibdib na ikinatuwa ni Hea. Daig ko pa kasi ang modelo na nagpo-post para sa magazine. "That's too much." Reklamo ni Kuya Hunter. "It's okay, Kuya. Kuhanan mo pa s'ya ng picture. Tapos i-send mo na lang sa amin. Then burahin mo." "I'll post it sa mga social media ko." Nakangising ani ko. Sabay hawak sa tali ng underwear na suot ko at bahagyang iniangat iyon. Alam kong bumakat ang dapat na bumakat doon. Sunod-sunod na kinuhanan ako ng lalaki ng larawan. "You're not going to post it. Remembrance, yes. But no posting." Istriktong ani nito. Daig pa ang tatay ko--- wala nga pala akong tatay. Hindi ko nga pala maituturing na tatay si Papa Silas dahil unang-una, ayaw n'ya sa akin. Pangalawa, same reason pa rin. Ayaw n'ya sa akin. Ipinasa ni Hea ang cover-up ko sa kapatid n'ya. Sunod ay naghubad na rin ito ng cover-up at ipinahawak din sa Kuya n'ya. Bumalik sa tubig si Hea. This time ay nagkayayaan na kaming mag-swimming. Ginawa talagang tagabantay ang kuya nito na napabuntonghininga. Pero nanatiling nagmamasid sa amin. May mga lalaking sumubok lumapit sa amin, pero nalilingunan ko si Kuya Hunter na sumesenyas sa mga ito na waring nangtataboy. Effective naman. Dahil sa tuwing nakikita ng mga lalaki ang kapatid ni Hea, umaalis talaga sila. Kaya naman solo lang namin sa parteng ito. Panay ang tawa namin ni Hea, nakailang ulit din si Hea na niyaya ang kapatid n'ya. Ngunit tumangi ang lalaki. Maya-maya pa'y busy na ito sa phone n'ya. Baka gawin pa nitong wallpaper ang ka-sexy-han ko ha. Naku! Huwag n'yang masyadong pagnasaan. Tiyak na bubukol na naman iyong armas n'ya kapag gano'n. Sobrang init na, nakita kong sumenyas na si Kuya Hunter sa amin. Pinapaahon na n'ya kami. Kaya hinila ko na si Hea na parang ayaw pang umalis sa tubig. Nang makalapit kami rito, tamang may lumapit na staff ng resort. Nag-abot ng dalawang towel dito. Dahil si Hea ang naunang nakalapit ay inabutan agad ni Kuya Hunter ng towel. Saka ito lumapit sa akin. Ito pa ang nagbalot ng towel sa akin. "Kuya, gusto ko ng fresh orange juice." Lumingon kami kay Hea. Nasira nang pagsasalita nito ang pakikipagtitigan ko sa poging Kuya nito. Parang natauhan din naman si Kuya Hunter. Agad nitong nilapitan ang kapatid saka inakbayan. "Tara sa restaurant." Yaya nito. Ito pa rin ang nagdala ng cover-up namin. Saka kami naglakad at tinungo ang restaurant. Inalis ko na ang towel no'ng makapasok kami. Hindi lang naman kami ni Hea ang gano'n ang ayos sa restaurant. Halos lahat ng babae, pwersa sa mga staff, ay mga naka-swimsuit naman. Pero iniabot ni Kuya Hunter ang mga cover-up namin. "Isuot n'yo." Utos nito. Protective. Mas lalo tuloy naging gwapo sa paningin ko ang lalaki. "Ang KJ naman ng kuya ko." Reklamo ni Hea. Pero kumilos naman ito at nagsuot na ng cover-up n'ya. Ginaya ko na lang din. Kailangan ko ring isipin na baka mapatid ang pasensya ni Kuya Hunter. Tapos bigla na lang lamasin ang dibdib kong, ibinubuyangyang ko sa kanya. Patience. Kailangan kong habaan pa ang pasensya ko. Para sa pera n'ya, para sa mga plano ko. Hindi pwedeng tumanda at mamatay ako na mahirap, na butas ang bulsa. Magpapakawais ako. Perfect choice talaga si Kuya Hunter. Nang gumawi ang tingin ko rito ay nahuli ko na namang nakatitig ito sa akin. Ngumiti ako rito, iyong ngiti na lagi kong ibinibigay rito. Mukhang sa pepe ko lang naka-focus palagi si Kuya Hunter. Hindi man lang n'ya ma-recognize ang ngiting iyon. Baka mas tanda pa nito ang nunal ko sa p********e, kaysa sa paraan ko nang pagngiti. Baka mas familiar pa ito sa bibig ko sa ibaba, kaysa iyong nasa itaas. Napakagatlabi ako. Buti na lang din kinuha ni Hea ang atensyon namin ng lalaki. Kaya naman naiwasan ko na ang titig nito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD