Chapter Five

1449 Words
"Iimbitahan ka ng asawa ko sa family dinner kasama ang mga kuya mo at ako." Basa ko sa unang mensahe ni papa. Katatapos lang ng klase ko at naghahanda na akong umuwi. Iyong mga kaklase ko'y maraming plano after class. Ako'y uuwi lang. It's either magla-live ako ngayon, or matutulog para makabawi sa puyat ko sa mga sunod-sunod na activity na ipinagagawa sa amin. Napangiti ako. Ang sweet naman ata ngayon ni Papa Silas. Siya pa talaga ang nag-text para sabihin iyon. Pero for sure inutusan lang ito ni Mama Cora. "Huwag kang pupunta. Tumanggi ka na lang at magdahilan." Napawi ang ngiti ko sa sunod na mensahe. "Ayaw kitang kasabay at kasama. Huwag mong sirain ang gabi ko." Bumuntonghininga ako. Imbes na reply-an ay mas pinili kong ibalik na lang iyon sa bag. Palabas pa lang ako ng mismong campus ay nagri-ring na iyon. Saglit akong huminto at kinuha iyon. Si Mama Cora tumatawag na. Sinagot ko agad iyon, ayaw ko namang mag-alala ang ginang dahil lang hindi ako sumagot sa tawag nito. "Mama?" malambing ang tinig na ani ko sa ginang. "Anak, nakauwi ka na ba? Ipapasundo kita. Mag-dinner tayo kasama ang papa at mga kuya mo." "Ma, I'm sorry po. May kailangan po akong tapusin na assignment. Medyo marami po ang mga iyon. I'm sorry po. Decline ko po kayo ngayon." "Sabi ng kuya mo sumama ka, help ka raw nila sa assignment mo." "Ma, it's okay. Next time na lang po. Saka gusto ko rin pong magpahinga sa bahay after kong gumawa ng mga assignment." "Are you okay?" worried na tanong nito. "Yes, Mama Cora. Next time na lang po." Napabuntonghininga saka ibinaba na ang tawag. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad. Lalakarin ko hanggang sa apartment, sayang ang pamasahe. Malaki na ang ipon ko, pero hindi ako magwawaldas. Kaya ko naman tiisin ang ilang kantong lakaran. Kaya rin never pumasok sa isip ng mga kaklase ko na related ako sa mga Aguarde na sikat sa television at diyaryo. Dahil ganito ang life style na mayroon ako. Minsan nga'y suma-sideline pa akong maglinis sa university, lalo na sa library. Para kahit paano ay hindi ko sobrang magalaw ang pera ko sa bangko. Nakarating ako sa bahay. Agad na nag-shower at nag-cup noodles lang. Habang kumakain nga ako'y panay ang send ng mga kuya ko ng mga larawan nila habang nasa isang mamahaling restaurant sila. Halatang masaya sila. May larawan pa nga ni Mama Cora at Papa Silas na waring kilig na kilig sa isa't isa. Nagpop-up ang notification mula sa Pleasure Site. Ilang araw na rin simula no'ng nag-check ako. Dahil hindi naman si Hunter iyong nagpapadala ng mga mensahe ay wala akong interes na tignan. Pero dahil nakita ko ang pangalan ng lalaki, agad ko iyong in-check. "Busy?" paboritong linya ng lalaki. Baka sunod n'yan ay I'm bored--- nag-notif ulit. "I'm bored. Hindi mo pa ba napag-isipan?" ani ng lalaki. "No." Sagot ko rito. "Why? Sobrang hirap ba ng gano'n desisyon?" tanong nito sa akin. "Malaki ang kinikita ko sa pagla-live show. Malaking tulong iyon sa pag-aaral ko." "Student ka pa? Ako na ang magpapaaral sa 'yo. Tanggapin mo lang ang offer ko." Muli akong tumipa ng reply. "Ayaw ko ng utang na loob. Nakakasakal iyan." "Utang na loob? No. Magtrabaho ka sa akin. Sa akin lang." "No, thanks. I can manage." Maya-maya lang ay tumatawag na ito. Pero siyempre hindi ko sinagot. Hindi ko sinagot kaya naman nag-message na lang itong muli. "Hundred million. Willing akong magbitaw ng gano'n halaga para sa 'yo. Sa serbisyo mo. Ano pa bang dapat kong gawin para pumayag ka?" tanong nito sa akin. "Hundred million plus marriage." Pabirong itinipa ko iyon. Ngunit nangati ang ilong ko at bigla na lang napabahing. Bago pa mabura ang mensahe ay nag-loading na iyon at nag-send. "s**t! s**t!" natarang ani ko. Sinubukan kong i-unsent iyon. Ngunit wala palang gano'n sa Pleasure Site. Dali-dali akong tumipa. "Joke." In-send ko agad iyon. Pero nag-loading pa. Kaya naman pumasok na ang reply ni Hunter. "Sure." Napatili ako. Sa sobrang gulat ko'y naibato ko ang cellphone ko sa TV. Sa sobrang lakas no'n ay basag ang TV. Basag din ang cellphone ko. Putangina. Ano ba namang katangahan ito? Nagtitipid nga ako. Tapos ganitong katangahan pa ang nagawa ko. Magastos na katangahan. Nanginginig pa ang kamay na kinuha ko ang phone ko. Ito lang ang ginagamit ko sa pagla-live ko, wala akong extra phone. Dahil hindi ko naman afford iyon. "Ang tanga mo, Lupita." Frustrated na ani ko. Wasak ang phone ko. Sinubukan ko pang iayos. Ngunit hindi na iyon bumukas. "Tanga talaga!" tili ko. Iyong TV naman ang sunod kong binuksan. Wala rin. Ayaw rin. Napahiga na lang ako sa sahig na parang batang nagkikisay dahil sa sobrang frustration. I'm so f*****g stupid. Hindi pwedeng wala akong phone. Baka mag-alala sina Mama Cora kapag tumawag at hindi iyon nasagot. Wala sa mood na bumangon ako at nagpasyang magbihis nang pang-alis. Kailangan ko ng phone. Bullshit! -- Wala akong choice kung 'di mag-withdraw. Same brand lang ang phone na kukunin ko. Iyon lang din naman kasi ang magandang pang-live at perfect sa klase ng trabaho na mayroon ako. Mabigat pa nga ang loob ko habang nagbabayad. Lalakad na lang ako pabalik. 8 pm pa lang naman. Kaya naman kaya pang lakarin iyon. Lumabas ako ng mall. Naglakad-lakad lang habang palinga-linga. Sa isang restaurant na glass ang wall. Nakita ko ang family ko. Masayang nagkwekwentuhan. Mukhang tapos na silang kumain at mukhang nagpapahinga na lang. Wine na nga lang ang nasa table nila, eh. Dito pala sila sa Masters Restaurant nag-family dinner. May kumukuha pa ng larawan ng mga ito. Kaya naman imbes magpakita, nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglalakad. Nadaan ako sa park kung saan bukas pa rin ng ganitong oras at doon ko na lang iniayos ang bago kong phone. Lahat ng mga app na ginagamit ko'y in-install ko. Iyong mga site kung saan ako naglo-log in ay binuksan ko na rin. Pati mga bank account ko, pati sim. Inabot na ako ng 10 pm hindi pa rin ako tapos. "Heay!" ani ni Hunter. Nakita n'ya atang online ulit ako. "Hindi ka na nag-reply." "Naibato ko ang phone ko." "What? Why?" "Basta. Nasira." Reply ko rito. "Gusto mo bang ibili kita?" "No." Tipid na muling sagot ko. Nagsimula na akong maglakad pauwi. "Hundred million and marriage iyong gusto mo, right?" pagbubukas ulit nito ng topic. "Nagbibiro lang ako." Reply ko rito. Patuloy akong nakakatanggap ng mga stars. Kahit na ka-chat ko lang naman si Hunter sa site. Pero galing iyon sa ibang viewers na mukhang kapiling ang mga video ko sa gabi nilang kay lamig. "I'm serious." Na-imagine ko pa ang itsura nitong seryoso. Tipong salubong pa ang kilay. "Nagbibiro lang ako, Mr. Hunter." "Nagbibiro ka. Seryoso ako." Dahil seryoso s'ya, hindi na ako nag-reply. Baka mapa-oo agad ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nang baybayin ko ang shortcut ay ibinulsa ko na ang bago kong phone. Alam kong sa parteng ito'y medyo delikado. Kaya naman inihanda ko ang sarili ko. Patay-bukas ang ilaw sa poste na tanging liwanag dito. Hindi na rin nakakagulat na may tumabi sa akin, patalim ang agad na idinikit sa tagiliran ko. "Binibini, bakit mag-isa ka? Gusto mo ba ng kasama?" tanong sa akin na akala mo'y ikinagwapo nito ang ipit nitong boses. "Last time na may nagsabi sa akin n'yan ay nabalitaan kong lumutang ang bangkay sa ilog ng Gormez." Sagot ko. Tumawa naman ito. Akala ata'y nagbibiro ako. "Sama ka sa akin. Ako nang bahala sa bilog at pulutan--- ikaw na lang pala ang pulutanin ko." "Kapag nakaabot kay Lupita iyang sinasabi mo'y tiyak kong pagsisisihan mo." Agad na napaatras ang lalaki ng isang hakbang. "L-upita?" tanong nito sa akin. Humakbang ako't nagpatuloy. "Kilala mo si Lupita?" habol nito ng tanong. Ngunit nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Nang maramdaman kong sinundan ako'y agad kong itinakip sa mukha ko ang isang palad ko. Saka mabilis na in-upper cut ito. Bumagsak ang lalaki. Ang patalim na hawak n'ya ay naisaksak pa sa balikat n'ya dahil sa lakas nang impact nang pagbagsak n'ya. "Ako si Lupita. Kaya mag-iingat ka. Sa susunod na makita kita. Titiyakin kong lumulutang ka na sa ilog." Pagbabanta ko rito. Saka tinalikuran ito, kahit na humihingi ito nang tulong. Ginamit ko ang hoodie ko, in-zip ko iyon hanggang sa matakpan ang kalahati ng aking mukha. Nagpatuloy ako ng lakad sa gano'n ayos. Oo nga pala, hindi lang ako unwanted daughter sa pamilya Aguarde, hindi lang isang cam girl, isama pa pala roon ang pagiging siga ko sa lugar na ito. Walang pwedeng sumaling sa akin dito, dahil ako mismo ang nagpapataw ng parusa sa mga nagtatangkang saktan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD