CHAPTER 46 Nagpalakpakan ang mga tao at nagsigawan. Napayakap na lang ako kay Lindsay at ramdam ko kung gaano siya kasaya. ‘Di ko naman mapaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Abot hanggang langit ang ngiti ko dahil sa sobrang saya. Bumukas na ang mga ilaw at napansin ko si Maria na nakatingin ng masama sa‘min dalawa ni Lindsay. Nag walk out naman siya. ‘Di ko na lang siya pinansin. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang babaeng kaharap ko. Ang babaeng mahal ko. Umupo na kami nila Lindsay dahil tapos na ang performance namin nila Kuya. Umupo kami sa upuan namin kanina. Ilang sandali pa ay lumabas na sina Trina at Danilo Nasa stage na sila at sinimulan na nila ang kanilang performance. Magaling sumayaw si Danilo dahil member siya dati ng isang dance troupe. Tuwang-tuwa naman

