CHAPTER 18. - Pagpasok ko sa loob ng bahay ay agad akong nagtungo sa kusina para simulan na ang pagluluto ko ng bagoong. Umupo lang sina Lolo Alfredo at Eduard sa may sofa at hinintay ako matapos magluto. Kinuha ko na 'yung kawale at nilagay ko na sa gas stove. Nung uminit na ay nilagay ko na 'yung konting mantika pagkatapos ay ginisa ko na ang bawang at sibuyas. Pagkatapos nilagay ko na ang bagoong. Nilagyan ko ng konting ketchup at konting asukal. Naghiwa ako ng napakadaming sili mga isang tasa ng sili. Natawa ako ng ma imagine ko 'yung hitsura ni Eduard kapag kinain na niya 'to. "Bwahahaha!" Pagkatapos kong maluto 'yung sili este 'yung bagoong ay nilagay ko na sa isang mangkok at inamoy ko ito. Tsk ang sakit sa ilong, napa ubo ako dahil sa sobrang anghang kahit inamoy ko lang.

