ANG DIARY NI INDAY. Written by, Supermcluna. Chapter 14. Pagpasok palang namin sa isang bar, nakakita na ako ng mga babaeng pokpok, este maganda(Pwede na) puro mga naka make-up, ang gaganda ng mga damit at syempre sosyalin. Para tuloy akong na o-op. Pero syempre 'di ako ma o-op kase alam kong mas maganda ako sa kanila. I know right! Nagulat ako ng hinawakan ni Demonyito 'yung isa kong kamay tsaka niya ako hinila papunta sa isang mesa. Napatingin ako dun sa lalaking parang waiter, 'yung nagbibigay ng alak Libre ba 'yon? Baranger yata tawag sa lalaking 'yon, e? Ewan basta 'yon. Nevermind I'll find someone like you na nga, basta kaya lang naman ako napatingin doon sa baranger kase ang gwapo niya, e ihi. Kalbo siya tapos may balbas siya mula tenga hanggang baba, basta ganern, imaginine n

