Lahat kami ay halatang kinakabahan sa sasabihin ng doctor lahat kami ay nakatingin sakanya ng seryoso at inaabangan ang sasabihin niya. “Okay na ulit siya, pero hindi parin siya gumigising” Nang marinig ko ‘yon ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Napatingin ako kay AvahDane na napangiti, ginantihan ko siya ng ngiti kahit pilit lang. Kahit papa‘no ay nakita kong nakahinga na silang lahat ng maluwang. Buti nalang at okay na si Edmon. Akala ko may mangyayaring masama sakanya. Pero hindi... May awa ang diyos alam kong ‘di pa oras ni Edmon. Napatingin ako kay Lolo Alfredo at Tita Orieta na kasalukuyang kinakausap ang doctor. Nilapitan ko si Eduard. Hinawakan niya ang kamay ko. “Salamat sa pagpapalakas ng loob ko” Nginitian ko siya. Hinila ko siya palayo sakanilang lahat. Napatingin

