CHAPTER 7:DIANE FLORES

1626 Words
RR POV. Nandito kami ngayon sa faculty at tahimik na naka upo kasama ko ngayon si Diane tulad nga nang sabi ni Sir James. "So, ano yung pinag aawayan nyo kanina? "Basag ni Sir James nang katahimikan pero walang nagsalita nag back out ngayon tong dila ko. "Rr talk"baling nya saakin kaya wala akong nagawa kundi ikwento yung nangyari. "Sya nauna, kung hindi ba naman masyadong maarte at mapang asar edi walang away na mangyayari" panimula ko dito. "Tsskk, sumbungera"rinig kong bulong nya sa kanyang sarili pero tong si sir binge, wala kasing reaction. "Haayyysss, again with that attitude Diane, ilang beses ka na pabalik balik sa detention dahil sa ugali mong yan"sermon nya dito. "Tsskk, panira kasi nang araw yang pagmumukha nyang yan tapos binangga nya kasi ako"sagot nya dito. "Hwag mo yang irason, nagsorry naman ako, ikaw lang yang makapal ang mukha na pumasok pa sa classroom namin" "Ohh nagsorry naman pala sya, is sorry not enough for you miss Flores?, ano gusto mo? Lumuhod pa sya sa harap mo?, gosh Diane this is my last warning, stop being so childish, okay you can go home"sermon ulet ni Sir dito. "Kung pwede lang,bat hindi?" bulong nya ulet sa kanyang sarili bago tuluyan nang lumabas. Nasa school ground na ngayon ako at tahimik na naglalakad nang biglang umepal na naman si Diane. Hoy!!, Panget, akala mo takas ka na sa ginawa mo kanina? Pwes hindi pa"tawag saakin nang papansing si Diane. "Annooo baa!! Di ka pa ba satisfied sa faculty? Gusto mo detention saka principal din? "Asar na sagot ko dito. Di kasi mapakali pati ba naman uwian susunod? Tskk papansin lang ang peg ni Ate. "Bakit?, natatakot ka? "Diane "Hindi ahh, sadyang mabait lang ako kaya ayaw ko nang away"Rr "Reasons, Reasons, Reasons, duwag ka lang kasi dahil alam naman nating dalawa na mas lamang ako sayo"Diane "Well kung duwag ako, ikaw kulang sa pansin, hwag mo kong idadamay sa mga kalokohan mo may mga records ka pa,kaya kung gusto mong may mapagtripan, then gawin mo sa iba, hwag ako, basta ako uuwi na" "Palibhasa kulang sa aroga, bobo, pangit at mahina"pang iinsulto nito saakin. "Wow may away" "Hahahaha kaya mo yan Rr ikaw pambato namin, ibabato ka namin sa pinanggalingan mo kung natalo ka" "Hahahaha di pa sila nag sasawa hanggang dito ba naman? " "Puta, exciting" Gues who?, yung mga demonyo ko lang namang mga kaklase nandito lang naman silang lahat at nanonood na sa away namin nitong clown na to. "Anong sabi mo? Baka nga ikaw pa yang mga sinasabi mo"Galit na tanong ko dito, hindi ko na pinansin yung mga pinagsasasabi nang mga kumag. "Kulang sa aroga, bobo, pangit at mahina ka daw"pag uulit naman ni Koike sa sinabi ni clown na bigla nalang sumulpot dito sa tabi ko. "Alam ko"bored na sagot ko dito. "Alam mo pala ehh, bat tinatanong mo pa? "Sagot nito dahilan nang pagtawa nilang lahat. Hindi ko alam kung bobo talaga tong si bansot o talagang trip nya lang mang asar, grabe wala syang pake sa paligid nya ehh. "Grabe ibang klase ka rin ehh no" si Jasper kaklase rin namin. "Off course pano pat naging idol nyo ko? "Pagmamyabang naman dito ni bansot. Sige papansin. "Tahimik na nga kayong dalawa, manood nalang tayo"pagpapatahimik naman sakanila ni Angelo, wala lang napadaan lang na hindi sinasadyang narinig ko yung pangalan nya pero sa pagkakaalam ko kilala sya ng buong section E. "Umuwi ka nalang sa nanay mo" pagpapatuloy naman ni Diane sa sinasabi nya kanina kaya bumalik ulet ang atensyon namin lahat sakanya. "Umuwi ka nalang daw sa nanay mo"pang uulit naman ni bansot sa sinabi ni Diane. "Tumahimik ka nga jan parot, narinig ko! Hindi ako bingi"inis na sagot ko sakanya saka pumulot nang bato at ibinato sa direkayon nya pero ang loko umiwas lang tumatawa pa nang malakas kaya mas lalo akong naasar. Kapag ako talaga naasar sayo Koike sigurado pasok ka sa imburnal, lintik lang ang walang ganti bwisit ka. "Tsskkk, palibhasa parehas kayong walang kwenta nang nanay mo"sabi pa ulet nito saka aalis na sana pero dahil biglang nag init yung ulo ko sa aking narinig ay agad kong hinablot yung buhok nitong epal na to, wala na akong pake kung anong mangyari o sabihin nila tungkol saakin , basta ang alam ko lang ayaw kong nadadamay mama ko sa lahat. "Ouch, bitawan mo ko"reklamo nito at pilit na inaabot yung mukha ko. "Uhh... Ohh"bulong lahat nang classmates ko, ayaw kong ipakita yung totoo kong ugali pero dahil sa babaeng to, wala na akong magagawa. "San ka pupunta ha?, wag na wag kang nananakit ng damdamin dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin, gusto mo sabihin ko opinyon ko sayo? Pwes, isa ka lang namang mayabang, bungangera, itchusera, di kagandahan at boba na palakang parang clown na ang itsura sa kapal nang make-up pesti ka" "Gago kang malandi ka, well ko-kak kala mo natakot ako? Hahahaha in your dreams!! Bangungutin ka sana" "Hahahha well I'll be your biggest nightmare" Bigla naman may taong dumaan sa gilid namin. "Wala pang gabi matutulog agad kayo"singit ni Sammy sa away namin, sya pala yung prenteng naglakad sa gilid tapos may gana pang sumingit sa away namin, gago talaga lahat nang classmate ko grabe. "Sammy"biglang sambit nitong sinasabunutan ko na parang humihingi nang tulong. "Diane"walang emosyon namang banggit ni Sammy sa pangalan ni Diane. "Bat ka nandito? "Singit ko sa kanila, hwag kayo... Papansin lang kasi, kung maka singit wagas. "I should be the one asking, nakikipag away ka na naman, hindi ka ba nagsasawang maki alam kasi sa problema nang iba? " wala paring emosyon sabi nito, parang robot lang. "Hindi"tanggi ko. "Okay, kung yan ang sabi mo"saka nagpatuloy na sa kanyang paglalakad hanggang sa maka pasok na sya sa kotse nya ata, wow gara bata bata na may kotse na. "Hoy sinungaling ka"sigaw naman ulet nito bansot na to, hindi ba sya titigil kakasingit?, kunting kunti nalang puputulin ko na talaga dila nito. Habang busy ako sa pakikipagtalo sa asungot hindi hindi ko namalayan na umalis na pala si Diane. "Hoy, umalis na yung kaaway mo" sigaw ni Bryan, isa sa mga classmate namin. Yung laging pasimuno nang sugal kaya lagi silang nagsusugal sa classroom at ang reason nya?... Para daw mas exciting,na pinatulan naman nang iba, wala nga silang pangbili nang pagkain pero kapag sa sugal ang lalaki nang taya... Tsk tsk tsk buhay nga naman. "So? "Tanong ko sakanya saka nag walk out. ***** ***** ***** ***** Nandito na ngayon ako sa bahay, duretso na akong uwi pagkatapos kong mag walk out kanina. Wala naman akong magawa kaya lumabas ako nang kwarto at nakita ko si Jacob na lumabas nang kwarto nya habang nakabihis. "Aalis ka ba? "Tanong ko sakanya, pero ang loko baklang, bakla pano ba naman, irapan ba ako, sabay sabing. "Pake mo ba?, buhay mo buhay ko?" "Wala naman nag aalala lang, bakit ba?, masama? "Balik ko ding tanong sakanya. "Hwag nalang, as if naman na talaga yang pag aalala mo"sabay baba nang hagdan at iniwan akong may nagtatakang mukha. "MAAA! ALIS NA PO AKO! "rinig kong paalam nya kay auntie. "SIGEE! INGAT KA! "sigaw din pabalik dito ni auntie. "Ohh, nandyan ka pala, halika na kain na tayo"gulat nyang sabi sakin nang nakita nya akong naka tayo sa kusina. Ngumiti lang naman ako dito saka umupo na. Matapos kaming kumain nag duretso na ako sa kwarto ko saka humiga sa kama, hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD