CHAPTER 2:BULLY

3266 Words
Rr pov.                 Nandito ngayon kami ni Arjay sa classroom at tahimik na nakikinig kay Sir james, Science teacher si Sir James at siya rin ang magiging advisor namin sa section e na naging pabor naman saakin dahil talaga namang paborito ko ang subject na Science at talagang active ako kapag Science na ang pinag uusapan.                    Kahit na hindi naging maganda ang unang araw ko dito sa school dahil sa ugok na nakasagutan ko ay naging maganda naman ang naging takbo ng classe sa sumunod na araw dahil payapa kami ditong naka upo at walang nanggugulo.                  Ilang araw ding hindi pumasok yung ugok kaya medyo naging maayos, nagulat nalang ako nung biglang may sumipa sa kinauupuan ko yun pala si Sammy lang. Ngayon nga lang sya pumasok ang sama pa nang tingin nya saakin. RIIIIIINNNNNGGGGG!!!!!                          "Sa wakas recess na! " masayang sigaw ko nang narinig kong nag ring na yung bell.                       "Hoy tumahimik ka nga parang ikaw lang tao dito ahhh"sigaw naman nang hari ng bagyo kaya binelatan ko nalang sya at sinamaan nya naman ako ng tingin, haisstt hindi pa kasi mamatay para wala nang bagyong pinoproblema tang ina.                       Bat ganon? Recess na pero nandito parin silang lahat sa classroom at walang balak bumili ng pagkain? Ano bang problema nila? Hindi ba sila nagugutom? Haiistt pabayaan na nga lang.                                "Halika na kain na tayo? " yaya sakin ni Arjay kaya tumango naman ako dito hanggang sa maka punta na kami sa cafeteria at sya na rin ang nagvolunteer na kumuha ng pagkain namin kaya sinabi ko na yung gusto ko hanggang sa umalis sya para pag order na at ako naman ay naghanap na nang mauupuan namin.                       Habang naghahanap naman ako ng bakanteng pwede naming maupuan  ni Arjay ay may naka bungguan akong lalaki na agad din namang humingi ng sorry.                          "Sorry miss"sabi nito habang naka yuko.                                  "Ahhh ayos lang hindi mo naman sinasadya ehhh, right? " Sagot ko na ikinatango nya naman pero naka yuko parin.                         "Ahhh sorry talaga po, sige mauna na po ako sainyo, sorry po ulet"hinging paumanhin ulet nito kaya tumango nalang ako dito hindi ko rin nakita yung mukha nya hanggang sa naka alis na ito.                         Biglang may kumalabit saakin mula sa likuran ko paglingon ko si Arjay lang pala"sino yun? Kilala mo ba? "Tanong nito saakin.                       "Ahhh hindi ehhh, nabangga nya kasi ako kaya nagsosorry lang sya, kaw naka kuha ka na ba ng pagkain natin? "Sagot ko dito.                         "Oo, kumuha pa ako ng extra rice baka kasi kailanganin mo hehehe"sagot nito na inirapan ko naman hehehe pero tama nga sya kailangan ko ng extra rice for my baby ay este belly pala hehehehe.                 "Naka hanap ka na ba pala nang mauupuan natin? "Tanong ulet nito saakin kaya agad naman akong umiling dito.                  "Tangek mo talaga may gana ka pang makipagharutan kanina tapos wala ka pa palang nahahanapang bakanteng pwede nating pag upuan"sermon nito saaki.                             "Hindi harutan ang tawag doon ulol, halika ka na nga doon nalang tayo sa classroom kumain"anyaya ko dito na agad naman nyang sinang ayunan hehehe.                         Tahimik kaming naglalakad ni Arjay nang biglang may bumangga saakin nang malapit na kami sa pinto nang aming section.                         "Ooopppsss, sorry, akala ko kasi malaking basurahan, kung mingsan  tingin tingin din sa dinaraanan hwag maging bulag palibhasa basura ka din naman ehhh, hahhhaha"maarteng sabi nang babaeng bumangga saakin.                          "Hey,mag iingat ka sa pananalita mo dahil kahit babae ka papatulan parin kita,ikaw na nga yang nakabunggo ikaw pa may  ganang manglait, tignan mo nga yang itsura mo para nang clown sa kapal nang make up"matigas na sabi ni Arjay at hinawakan nang mahigpit ni Arjay sa braso yung babae dahilan para mapa daing ito.                        Nagulat nalang ako nang biglang bumagsak sa sahig si Arjay na putok na ang labi at dumugo rin yung kanyang ilong kaya nabahidan na nang dugo ang kanyang puting polo.                         "You have no f*****g right to hurt one of the student in this school because i am the only one who can hurt them if i like too, so carefull of what you are doing because remember, this is my teritory you are only a transferee here". Malaming at may diin ang bawat salitang binitawan ni Sammy kay Arjay nang tangkang susuntukin nya na naman ito ay kaagad akong napatayo at nasampal ko nang malakas si Sammy na halos rinig na sa coridor na walang katao tao.                                "You don't have the right to say that to us kasi pati ikaw ay wala ring karapatang saktan ang mga studyanteng nag aaral dito sa paaralan nyo dahil hindi purket sainyo ito ay gagawin mo na ang bagay na gugustuhin mo kahit makasakit ka pa nang iba dahil bilang anak kailangan mo ding gawin ang responsibilidad mo bilang isang studyante at kailangan mo din silang respetuhin,  bobo ka rin ehh no?,tapos FYI yang babaeng yan ang nagsimula nang away pinagtanggol lang ako nang kaibigan ko kung hindi ba naman tanga at humingi nalang nang sorry edi walang away na magaganap"sabi ko sakanya habang dinadaluhan si Arjay para makatayo dahil sa sinuntok sya nang mokong na ito.                        "How dare you call me tanga, you-----"singit nito nang marinig yung sabi kong tanga sya pero agad naman yung naputol nang bigla syang hilahin ni Sammy dahilan nang pagkayakap nya dito patalikod dahil susugudin na sana ako nang bruha.                           "That's enough, hwag mo nang patulan yang malanding yan"sabi sakanya ni Sammy habang patuloy parin syang niyayakap nito at medyo na saktan ako nang sinabihan nya akong malandi, ni wala nga akong ginawa para matawag na malandi ehh baka sila ang dapat tawaging malandi, magyakapan ba naman sa harap namin.                "Rason mo naman tol, tahimik ka nalang at umuwi wala kang...  ahh kayo palang silbing kausap kahit magkampihan pa kayo wala akong pake ipag untog ko yang ulo nyong dalawa ehh and FYFI hwag nyo kong tawaging malandi dahil kayo naman ang nagyayakapan sa harap namin so sino ngayon saatin ang malandi? Hindi bat kayo yun? Kaya ingatan nyo yang lumalabas jan sa mga bibig nyo dahil kakainin nyo din naman kung ano yang sinabi nyo uso din kasi kung mingsan yung watch your word na sinasabi nila"sabi ko sabay hila kay Arjay papasok sa classroom nagulat pa ako nang may mga ulong naninilip pala sa pintuan nang classroom namin yun pala nakikichismis din pala sila hehehe hindi ko yan kasalanan yung tatanga tanga kasing babae kung maka bangga wagas, yan tuloy imbes na kakain na sana kami ehh naudlot na, sira na yung mood ko sarap burahin nang mukha nyang naging coloring book na sa kapal nang make up. *****  *****  *****  *****  *****  *****                               Kanina pa nag ring yung bell at tahimik kaming dalawa ni Arjay na nakikinig dahil yung mga gago ayun nagdadaldalan at hindi nakikinig sa guro nang bigla silang tumahimik na naging pabor naman saakin pero ilang sigundo lang pala yun.                TIK TOK TOINK TIK                     Nakaramdam ako nang maliit na bagay na tumama sa likuran ko na sinundan pa nang isa, dalawa, tatlo hanggang sa nagtuloy tuloy ito kaya nang tapos nang magturo ang guro namin sa english at nakalabas na nang classroom ay bigla akong tumayo at tinignan silang lahat nang masama pati tong kasama ko ay tumayo na rin at tumingin din sya nang masama  sa mga mokong na kanina pa bumabato saamin.                 Bwisit hindi ko pinangarap na maging ganito ang unang araw ko dito kaya nga pumayag ako kay kuya na sumama sakanya para iwas bully pero heto ako ngayon at parehas din pala. Tsskk asar bwisit na buhay ohhh!!!                     "Hoy mga tukmol tumigil nga kayo sa kababato, kanina pa kayo ahh palibhasa ang boring boring nang buhay nyo kaya wala kayong ibang magawa kundi mang asar mga papansin ayaw na ngang pansinen ehhh"asar na sabi ko sakanila sabay kuha nang kanilang binilog na papel sabay bato rin sa kanila may mga laway pa nga sila ehh tapos ang lapot kadiri haist.                       Pero imbis na tumigil sila ay tumawa lang silang lahat sabay, sabay sabay nilang itinaas yung kamay nilang may hawak na malalaking binilog na mga papel.                       Ohh shit...                                       nanlaki yung mga mata mata namin ni Arjay nang sabay sabay din nila itong ibinato saamin nang maubos na yung hawak nila ehh bigla silang tumagilid lahat at patuloy parin sa kababato saamin maliban sa isa, si Sammy may hawak syang baseball bat at bola nito at prenteng naka upo   kaya mas lalo pang lumaki yung mga mata namin nitong kasama ko.            "Sigggeee paaa"            "Ito ohh marami pa dito"            "Kuha lang kayo"            "Batuhin nyo pa, ramihan nyo"            "Hahahaha ang saya nito" sigawan nang mga tukmol at masayang pinapanood kami habang binabato pa kami.               "Tang ina tumigil na kayo! " sigaw naman nitong kasama ko habang sinasangga yung mga binabato saamin gamin ng braso nya                          Nagulat ako nang biglang nag smirk si sammy at pumosisyon na parang naglalaro nang baseball game. Pagkatapos nilang batuhin kami ay bigla silang tumingin lahat kay sammy at sabay sabay na ngumiti nang nakakaloko pagtingin naman namin sakanya ay mas lalo syang nag smirk sabay palo nang bola nang baseball bat at sapol naman sa mukha ko na tumama sa ilong ko kaya napaupo ako dahil sa sakit naramdaman ko nalang na parang may mainit na likidong umaagos sa ilong ko.                         Tsskkk mga bwisit sila magkakasipon pa yata ako ehhh...                                        "Rr hwag mo nang hawakan ako na ang magpupunas sa ilong mo"natatarantang sabi ni Arjay at labas nang panyo nya galing sa bulsa nang uniform nya                        "Huh?, ako nalang"at punas nang ilong ko na sana ay hindi ko na pala ginawa dahil ang akala kong sipon ay dugo pala dahilan nang panginginig nang katawan ko at unti unting panlalabo nang paningin ko.                     "Hwag, please hwag ngayon parang awa mo na"rinig kong sinasabi ni Arjay pero hindi ko na maintindihan dahil hindi matanggal tanggal ang tingin ko sa dugong nasa kamay ko ngayon, nagsisimula na ring manginig tong katawan ko, nagsisimula na rin akong maiyak sa mga pinaggagagawa nila saakin at nag iinit na rin tong buo kong katawan pero bago pa ako tuluyang manginig ay tuluyan nang dumilim ang paligid ko.                 ARJAY POV.                        Muntik na namang manginig at mawala sa sarili si Rr kanina ,buti nalang nawalan sya ng malay ay baka bumalik na naman yung trauma nya sa nangyari sakanya 4 years ago na ang nakalipas.ganyan kasi sya kapag nakakakita ng dugo nawawala sa sarili o di kaya ay nahihilo nalang bigla.                         Pagkatapos nyang makatulog ay dinala ko agad sya sa clinic nakakagrabe naman kasi yung mga classmate namin papatol na nga sa babae pa meron naman ako ehh... Pft... Joke umiiwas den ako sa away mga ulol, para kasi silang mga bakla or crush lang talaga nila si Rr kaya nagpapapansin lang din sila kay Rr.                    "Hhhmmm"rinig kong ungol ni Rr kaya agad akong lumapit sa hospital bed kung saan sya ngayon naka higa, pagkalapit ko sakanya ay naka upo na sya at nakatunganga.                    "Gusto ko nang umalis" biglang sabi nito na nakatunganga parin sa kawalan habang may mga patak ng mga luha ang dumadaloy sa kanyang mata. Yan na naman sya umiiyak na naman dahil takot sya sa mga hospital at clinic... Sa madaling salita may phobia sya sa mga lugar na ganito sa kadahilanang hindi ako ang taong magsasabi nito sainyo hahahahahha.                        Nilapitan ko sya at niyakap dahil hindi ko alam ang mga gagawin ko sa ganitong sitwasyon kaya yayakapin ko nalang sya... Sabi nga sa T. V pangpatanggal strees daw ang pagyakap...ayyyiiieee pangchansing ko na rin to,  sa ganitong bagay ko lang nga sya nahuhug ehhh hahahaha,tsk sorry i'll shut up. RR POV.                        Mahina akong umiiyak habang nakayakap dito kay Arjay nang nahimasmasan na ako ay inaya nya na akong lumabas nang clinic  dahil takot talaga ako sa hospital at clinic, narinig ko pa ngang nag reklamo si Arjay nang humiwalay na kami sa pagyayakapan namin kanina.                        "Yuck's sayang hindi pa naman ako nag enjoy kanina ang bilis bilis naman kasi nang hug nya tsk"rinig  reklamo nito.                         "Tumahimik ka na nga kahit talaga kailan ang bastos mo, puro ka nanching alam kong nanananching ka na naman kanina" inis na sabi ko dito at pumasok na nang classroom pero nung pagpasok ko ay...                               "Awa ba ngayon yung nakikita ko sa mga mata nila ngayon?" nagtatakang tanong ko dito sa katabi ko na busy na sa pagkukutingting sa kanyang cellphone.                        "Psshhh, maniwala ka naman sa kanila, tignan mo naman kanina imbes na tulungan ako ayun  tinawanan ka pa nila bago ako makalabas nang classroom. Inis nitong bulong saakin habang nakatingin parin sa kanyang cellphone.                        "Ganon ba? " malungkot kong ibinulong sa ere dahil hindi na nakikinig saakin itong kasama ko, akala ko pa man din naaawa sila saakin yun pala fake lang pala hayyss.   Kailan kaya ako hindi naman bubulihin?, sa tanang buhay ko lagi akong binubully.                       Uwian na kaya sabay kaming naglalakad ngayon ni Arjay kasi walking distance lang naman kasi yung paaralan sa bahay, habang nag uusap kami ni Arjay ay nakita ko si Alex kasama yung barkada nya atah tapos pati si Jacob meron, nagulat nalang ako nang biglang sumigaw tong kasama ko at ayun tinatawag lang pala si Alex kaya lumingon silang lahat sa direksyon namin.          Hindi ko pa nabanggit pero super close ni Alex at Arjay.noon,close parin naman sila pero hindi na tulad noon sa kadahilanang hindi ko rin alam.                     "Sila yung kinukwento ko kanina na transferee na mali yung pinasukang classroom"sabi nito sa mga kasamahan nya, nakita ko rin kung paano nyo kami kusilapan huhuhu may balak pa atah syang ipahiya kami dito, kasalanan kasi nitong tanga dito sa katabi ko kung hindi sana tinawag edi walang pahiyaang magaganap ngayon tskk.                     "Hello sainyo"sabi naman nang lalaking maputi, matangkad at gwapo sabay abot saamin yung kamay na agad din naman naming tinanggap dahil baka mapahiya, sayang pa naman yung pogi nyang mukha hahaha.                      "Hello din po"nahihiya ko namang bati dito at nanghihina na rin ako dahil sa nangyari kanina.                     "So kayo pala yung transferee, hmm, anong section nyo na pala"sabi naman nang lalaking matangkad din pero kayumanggi yung kulay gwapo rin sya pero ang kakaiba ay nakasimangot sya kaya medyo nakakatakot din sya parang may bad aura hehehe.                      "Section D kami"sagot naman ni Arjay.                        "Nababagay lang yung section na yun sakanila"this time si Jacob naman ang sumagot habang nakatingin nang masama saakin wala naman akong kasalanan ahh bakit ba lagi syang ganyan saakin bwisit naman ohh.                      "Hahahaha tama ba yung pagkakarinig ko?"sabi naman nang isang babae pagtingin ko kung sino, sya yung babaeng kinaaway ko kanina yung malditang clown.                      "Grabe, alam mo namang puro prince charming natin lahat nang nandoon eh"singit naman nang babaeng nasa likod nya.                       Napasimangot naman ako sa sinabi nilang yon kaya agad akong nagpaalam sakinila at hinila na si Arjay na gusto pa atang manatili doon alam na nga na nasa bad term kami ni Jacob sa isa't isa gaganyan ganyan pa sya tskk.                       *****************                        Nasa bahay na ako kanina pa, hinatid din naman ako ni Arjay dahil lagi nya naman akong hinahatid pati noong nasa Baguio pa kami,nang matapos na kaming kumain kagabihan ay nagduretso na ako sa kwarto para maligo, matapos akong maligo ay nagduretso ako sa kama hanggang sa tuluyan na akong maka tulog.      Sana maging maganda ang magiging araw ko bukas hiling ko saka tuluyan na akong naka tulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD