Ang Pagtatagpo

1132 Words
Her puzzled eyes met his. Bakit sa tono ng pananalita nito'y parang kilala siya? Hindi lang basta kilala, pakiramdam niya may galit din ito sa kanya, kitang kita sa malamig nitong mga titig na wari bang kanina pa naiirita. "Lovan!" Magkasabay pa silang napalingon sa kinaroroonan ng may-ari ng tinig na iyon, magkasabay ding muling nagkatinginan, takot ang makikita sa mga mata niya, galit naman sa mga mata nito. Ngunit hindi niya inaasahan ang paghigpit ng kapit sa kanyang beywang kasabay ng pagtaas ng kamay nito at mabilis na tinanggal ang clip niyang gamit, agad naladlad sa likuran ang straight niyang buhok. His wrinkled forehead touched her head, biglang kumabog ang kanyang dibdib sa 'di maipaliwanag na dahilan lalo nang maramdamang tila inaamoy nito ang kanyang buhok. "I already told you, you can flirt with someone else but not in front of me!" pabulong lang ngunit madiin ang paraan ng pagbikas nito sa mga katagang iyon, bagay na lalo niyang ikinapagtaka. "Lovan!" Dinig niya ang malapit na boses ni Francis sa kanyang likuran ngunit ang kabang nararamdaman ngayon ay hindi sa takot sa binata kundi sa 'di maipaliwanag na damdaming bumabalot sa kanya habang magkadikit ang katawan nila ng estrangherong lalaki na minsan pa'y sinulyapan ng tingin si Francis saka malamig na naman ang mga matang tumitig sa kanya. Noon lang biglang pumasok sa kanyang utak na baka alam nitong hinahabol siya ni Francis kaya nagkunwari itong magsyota sila. Napalitan ng isang matamis na ngiti ang pagkalito, mabilis niyang ipinulupot ang kamay sa batok ng estrangherong lalaki. Tama ito, kailangan nilang magkunwaring magsyota sa harapan ng binata, makilala man siya o hindi ni Francis ay wala siyang dapat ikabahala dahil may isang stranger na handang magtanggol sa kanya. "I swear I'm not! Ipagpapalit ko ba sa kanila ang napakagwapo kong boyfriend?" maarte niyang sagot, sadya pang inihimas ang likod ng palad sa makinis nitong mukha. He glared at her and saw anger in those fierce eyes, even felt his hand tightened on her waist. Pero lalo lang siyang humanga sa ipinakita nitong galing sa pag-arte. Salamat na lang at nakatagpo siya ng lalaking ganito, handang tumulong sa oras ng panganib. Inihilig na niya ang ulo sa dibdib nito. "Darling, ano ka ba? Sa'yo lang ako, ikaw lang ang love ko, wala nang iba," lambing niya. He heard his jaw clenched kasabay ng paghawak ni Francis sa kanyang balikat dahilan upang mapalingon siya sa huli ngunit agad din tinapik ng estrangherong lalaki ang kamay nito. "Any problem with my fiancee?" anang una kay Francis na pagkatapos masulyapan ang kanyang mukha ay alanganing umiling. "Sensya brod, akala ko gf ko," mapaklang saad ng huli. Napahigpit ang kapit ng isang niyang kamay sa batok ng lalaki habang nagsimulang mamuo ang pawis sa kanyang noo dahilan upang mapasulyap ito sa kanya pagkuwa'y malamig ang tinging ipinukol sa binata sa kanyang likuran saka muling bumaling sa kanya. "Choose," utos nito sa malamig pa ring boses saka sinulyapan ang glass cubicle sa kanilang harapan. Noon lang niya naalalang namimili pala ito ng wedding ring. Awtomatiko siyang sumunod, inisa-isa ng tingin ang nagpaka-display doong singsing hanggang sa hindi niya namalayang lumayo sa kanila si Francis. Natuon ang pansin niya sa white gold infinity ring na may pink diamond sa gitna, kahugis ang pendant ng kanyang kwintas na iniregalo ng ina noong 17th birthday niya bago ito namatay. "'Yan ang gusto ko," aniyang nakatingin sa kanina pang nakatayong sales lady sa kanilang tapat. Kinuha iyon ng babae sa kinalalagyan at ibinigay sa lalaking wala na yatang balak na bitawan siya ngunit nakapagtatakang hindi man lang siya nakaramdam ng pagkaasiwa to think na hindi niya ito kilala, ni pangalan ay hindi niya alam. Noon lang niya napansin ang pabango nitong gamit, nanunuot sa kanyang ilong, pakiramdam niya pamilyar ang amoy na iyon, para siyang dinadala sa kung saan papunta sa nakaraan. Napapitlag siya nang maramdaman ang kamay nitong humawak sa kanyang isang kamay at isinuot ang singsing sa kanyang daliri. Doon lang ito bumitaw sa kanyang beywang pero siya'y nanatili pa ring nakakapit sa batok nito. Himala, tila lang isinukat sa daliri niya ang singsing, bagay na bagay sa kanya! "I'll buy this one," anang lalaki sa sales lady saka agad na hinubad sa daliri niya ang singsing. Siya nama'y napalingon muna sa kanyang likuran at nang makitang wala na doon si Francis ay saka lang niya tinanggal ang kamay na nakakapit sa batok ng estrangherong lalaki, pagkuwa'y muling ngumiti rito nang magtama na naman ang kanilang mga mata kahit pa sabihing kasing lamig pa rin ng yelo ang tingin sa kanya. "Salamat po sir ha?" aniya sa lalaki sabay yukod nang bahagya. Nangunot ang noo nito, bumakas sa mukha ang pagtataka. Pero wala na siyang panahon para pansinin ang ekspresyong iyon, isa na uling ngiti bilang pasasalamat sa ginawa nitong pagkukunwari bago siya tumalikod at lumayo sa lalaki. "Where are you going?" habol sa kanya. Napilitan siyang huminto sa paglalakad at lumingon sa nagsalita. "Sa CR," sagot niya, hindi na hinintay ang sasabihin pa nito at dere-deretso nang lumabas ng jewelry store. ----------- Dalawang minuto marahil ang lumipas bago may bumalik na babae, tila modelo ito kung maglakad, tumatalbog ang balakang habang inihahakbang ang bawat paa palapit sa lalaking kasing lamig ng yelo ang bawat titig, ngunit sa pagkakataong iyo'y nakapagtatakang hindi man lang nito sinulyapan ang babaeng lumapit. Eksakto namang ibinibigay ng sales lady ang isang maliit na paper bag sa lalaki kung saan nakalagay ang binili nitong wedding ring. "Nakapili ka na? Hindi ko pa nga isinusuot, binili mo na agad? Pa'no kung hindi kasya sa'kin?" angal agad ng dalaga. Awtomatikong napabaling ang binata dito, nagtatanong ang mga mata. "Ma'am, kasusukat niyo lang po niyan kanina bago ko po ibinalot," sabad ng sales lady. "Idiot! Am I talking to you? Haven't you seen me entering just now?!" napalakas bigla ang boses ng dalaga, dahilan upang mapatingin ang lahat ng mga customer sa gawi ng tatlo. Namula ang pisngi ng sales lady sa pagkapahiya sabay sulyap sa tahimik lang na binata, nasa lukot na noo man ang pagtataka'y hindi pa rin ito nagsalita. Iritadong hinablot ng dalaga ang paper bag, kinuha ang laman niyon, pinunit ang balot at inilabas sa maliit na kahon ang laman niyong singsing sabay duldol ng daliri nito sa sales lady. "You see? Maluwang sa'kin ang singsing, paano kung maisusuot 'yan, tanga!" sermon na naman sa mangiyak-ngiyak nang sales lady, napayuko na lang para itago ang namumula nang mga mata. Natigil lang sa pagsasalita ang dalaga nang bawiin ng binata ang singsing mula rito saka iyon ipinaloob sa bulsa. "Let her choose what she likes," baling sa sales lady na noon lang uli nag-angat ng mukha. Isang matalim na tingin ang ipinukol ng dalaga sa tindera. "Idiot!" she muttered. Hindi iyon pinansin ng kasamang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD