"Miss tatapatin na kita ha? Bakla kasi ako e sinubukan ko lang sa'yo kung talaga bang kaya kong maging isang lalaki isang beses kaya pumayag ako makipag-s*x sa'yo. Kaya kung puwede lang bumaba ka na sa kotse ko dahil hinihintay na ako ng boyfriend ko sa bahay namin," mataray na sabi ko sa kanya. Sana madala sa acting ko na bakla ako.
Nakita kong nangigigil siya sa galit at parang toro na pinaghahampas ako bago magsalita. "Buwisit ka bakla ka pala tapos makikipag-s*x ka sa'kin! Anong tingin mo sa'kin tester? Ikaw na bakla ka ka ang galing mong magpanggap na lalaki kaya pala hindi mo ako hinahalikan dahil bakla ka!"
Pagkatapos niya ako paghahampasin at sampalin ay gigil na gigil na lumabas na siya ng kotse ko.
"f**k you kang bakla ka!" sabi niya at padabog na isinara ang pinto ng kotse ko.
Natatawa na lang ako sa reaksiyon niya. Ako bakla? No way, high way. Mabilis akong lumipat sa driver's seat at agad na pinaharurot ang kotse pauwi ng bahay. Sa wakas makakatulog na rin. Hindi kasi kumpleto ang gabi ko kapag wala akong napaglalabasan ng init ng katawan ko.
Natapos ko ng ikuwento ang lahat-lahat tungkol sa buhay ko pero wala man lang akong nakitang emosyon kay Faith ngayon.
"Alam ko Faith ngayon bumaba na 'yong tingin mo sa 'kin dahil sa nalaman mo. At wala rin akong magagawa kung makikipaghiwalay ka sa 'kin dahil sa nalaman mo. Pero gusto kong malaman mo na seryoso ako sa'yo at hindi ko gagawin sa'yo ang mga kalokohan ko noong mga nakaraang taon na hindi pa kita nakikita muli," hindi makatinging sabi ko kay Faith.
Sa labing-siyam na taong nabuhay ako sa mundong ito. Ngayong araw ko lang naisip yung mga kagaguhang pinaggagawa ko sa mga babaeng naikama ko.
"Tapos ka na ba Handsome sa pagkukuwento mo? Nabigla ako sa ipinagtapat mo sa 'kin dahil parang hindi ikaw yung manliligaw ko noong 1st year hanggang 4th year high school tayo. Ano ba ang nakain mo noong binasted kita noong huling taon natin sa high school? Nakakain ka ba ng panis na pagkain at naadik ka sa s*x? O baka kaya nagtapat ngayon ng nakaraan mo dahil gusto mo rin akong tikman o gantihan?" seryosong tanong ni Faith sa 'kin.
Pakiramdam ko tuloy umurong ang dila ko ngayon dahil sa sinabi niya sa'kin. Nawala sa sistema ko 'yong mayabang at mahangin na Handsome Agulto.
"Patawarin mo sana ako Faith. Kahit ayaw mo ng makinig sa 'kin gusto pa ring malaman mo kung bakit naging ganoon ako sa mga babae. Iyon ay dahil sa 'yo Faith masyado akong nasaktan dahil sa apat na taon na niligawan kita ay wala man lang akong napala kung hindi yung pambabasted mo sa 'kin. Kaya simula ng maka-graduate tayo ng high school wala akong ginawa kung hindi ang manligaw ng mga babae at kapag sinagot na nila ako ay yayain ko silang makipag-s*x dahil pakiramdam koi yon lang ang pupuno sa p*********i ko. Simula ng matikman ko iyon ay hindi na nawala sa sistema ko. Pero, hindi ka pa rin mawala sa isip ko Faith dahil kahit nakikipag-s*x ako sa iba ikaw pa rin ang gusto ng puso ko," nakayukong sabi ko sa kanya. Nakakahiya man ngayon ang asta ko pero ganito ako kapag nasa harap ng babaeng mahal ko. "Magsalita ka naman sana Faith! Kahit murahin o sampalin mo ako tatanggapin ko. Hindi ko kasi alam kung ano ba yung naisip mo tungkol sa sinabi ko," seryosong sabi ko sa kanya. Naglakas-loob na akong tingnan siya sa kanyang mga mata. Siguro nga hindi kami para sa isa't isa. Sabagay ayos lang atleast nakasama ko naman siya at naging girlfriend sa loob ng tatlong linggo.
Nakita kong ngumiti siya at umiling. Pagkatapos ay nilayo niya ng kaunti ang katawan niya sa akin.
"Alam mo ng pinagtapat mo sa 'kin 'yong nakaraan mo napaisip ako. Napaisip ako na baka nga pinaglalaruan mo lang ako at gustong maikama. Sa totoo niyan gusto naman talaga kita noon pa Hans. Kahit na masyadong kakaiba 'yang pangalan mo at masyado kang mahangin. Alam mo ba kung bakit binasted kita? Kahit apat na taon ka ng nanliligaw sa 'kin? Iyon ay dahil sa inuna ko muna ang pag-aaral ko dahil 'yon na lang kasi ang paraan para masuklian ang paghihirap ng magulang ko para mapag-aral ako sa private school. Baka kasi hindi ako makatapos kapag sinagot kita noon dahil baka imbes na diploma mahawakan ko e baby," nakangiting sabi niya sa 'kin.
Biglang natuwa ako sa nalaman ko dahil gusto niya na pala ako noon pa. Hindi rin pala siya naka-resist sa charm ko. Pero di pa rin nawawala sa isip ko ang kaba dahil baka sa nalaman niya ay hindi niya ay makipag-break siya sa akin.
Magsasalita na sana ako ngunit bigla niya akong pinigilang magsalita gamit ang kanyang hintuturo.
"Huwag ka munang magsalita. Makinig ka muna sa mga sasabihin ko. Bago mo pa ipagtapat ang nakaraan mo Hans alam ko na ang tungkol sa 'yo. Huwag mo na alamin kung paano dahil ang mahalaga tanggap kita. Mahal kita Handsome, napatunayan mo sa 'kin na nirerespeto mo ako dahil sa loob ng ilang linggo na naging magkasintahan tayo ay hindi mo ako pinilit na makipag-s*x sa 'yo. Tanggap ko iyong nakaraan mo tulad ng pagtanggap mo sa nakaraan ko," masayang sabi niya sa 'kin at sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya ng mahigpit at pinaghahalikan.
"Alam mo namang nirerespeto kita Faith. Kahit na gigil na gigil na ako sa iyo pero dahil mas lamang ang pagmamahal ko sa iyo ay magtitiis ako," ngising sabi ko sa kanya.
"Ano ka? Maghintay kang makatapos tayo ng kolehiyo at makasal bago mo ako ikama. Susundin ko 'yong sinabi ng mama ko na dapat ibigay ko 'yong p********e ko sa lalaking papakasalan ko. May tatlong taon pa tayo sa kolehiyo kaya matuto kang maghintay," ngising sabi niya sa 'kin.
"Naku Faith kung hindi lang kita mahal baka pinilit na kita. Mahal na mahal kita Faith, handa akong maghintay na mapasaiyo ang katawan ko... na alam kong pinagnanasaan mo," pabirong sabi ko sa kanya na naging dahilan kaya pinaghahampas niya ako ng unan.
Tama lang na siya iyong babaeng ihaharap ko sa simbahan at ang maging ina ng aming magiging anak. Dahil si Faith ang babae na may sariling paninindigan at alam kung ano ang tama sa mali.