Chapter 1

3664 Words
"f**k!" bulong ni Lilith nang makita niyang nasundan siya ng kanyang mga bodyguards. The four men dressed in full black suits stopped at the curb of Crest Avenue, heavily panting as they scanned the vicinity--searching for the elusive heiress of Asia's most powerful shipping empire. The hustle and bustle along the grand avenue made chasing her nearly impossible. Malilintikan sila kay Chairman Alessandro Sandoval kapag hindi nila naibalik ang panganay na anak ng business tycoon sa loob ng isang oras. Ngayong araw kasi gaganapin ang grand harbor expansion ng Sandoval Maritime Lines--isang makasaysayang hakbang para sa kumpanyang nagtataglay ng pinakamalawak na operasyon sa buong Asya at maging sa iba pang panig ng mundo. Sa okasyong ito, pormal din nilang tatatakan ang alyansa sa The Blackwell Global, isa sa pinakamatatag na conglomerate sa larangan ng global trade at investments. Gaganapin ang lahat sa marangyang Mooncrest hotel. Higit pa rito, ngayong gabi rin opisyal na kikilalanin si Lilith bilang tagapagmana ng Sandoval legacy na inaabangan ng buong industriya. However, Lilith never wanted to inherit her father's wealth. Mas gusto niyang buuin ang sarili mula sa dugo at pawis niya. Ayaw niya ng buhay na umaasa sa yaman ng kanyang mga magulang. Masuwerte siya at nagpapasalamat sa pribilehiyong natatamasa at sa kumportableng buhay na dulot ng pagiging anak ni Sandro Sandoval. Ngunit hindi niya kayang dumipende rito habambuhay. Kailangan niyang gumawa ng pangalan para sa sarili--hindi bilang tagapagmana, kundi bilang isang babae na may sariling karangalan at dangal. Iyon ang gagawin niya. She will be a successful police woman. She knew her father wanted her to inherit an empire, not to chase shadows. But Lilith's heart whispered a different legacy--one of justice, one written not in ledgers, but in scars, steel, and battles fought in the dark. She will fight to be one of the Revenants of the Phantom Unit. Pababagsakin niya ang Silverclaw Division dahil kinuha nito ang buhay ng kanyang ina. Hinapit ni Lilith ang kanyang tagiliran at sinikap na magtago sa likod ng isang chalkboard sign ng kilalang coffee shop. Hinila niya ang tablecloth mula sa katabing al fresco seating upang takpan ang sarili. Subalit, nakatatlong hila na siya ay hindi pa rin natatakluban ang kanyang ulo. "Why won't it come off?" iritang bulong niya. Nagpa-panic siyang hinila muli ang tela at sinubukang takpan ang sarili. Umisa pa siya nang muli niya itong hindi nakuha, hanggang sa napigtal ang tela, dahilan upang mawalan siya ng balanse at matumba sa malamig na simento. Ang tuhod niya ay tumama sa magaspang na sahig kaya't napangiwi siya. Mali talaga na nagsuot siya ng itim na A-line shorts. "Are you okay?" a voice asked, his tone flat. "Shut up!" singhal ni Lilith, ni hindi man lang niya tinapunan ng tingin ito. Inis niyang pinagpag ang magkabilaang tuhod na namumula dahil nagasgas. Sinunod niya ang puting sneakers na nabahiran ng balas habang hawak pa rin ang kapirasong tela sa kaliwang kamay. Tumayo siya nang tuwid. Humakbang ang isang paa niya, tatakbo na sana upang takasan ang mga bodyguards na papalapit na, nang mahinto siya dahil may humila sa kanyang puting hoodie. Kumuyom ang mapuputing kamay ni Lilith. Nagngitngit ang kanyang mga ngipin habang mariin niyang ipinikit ang mga mata sa galit. Lumingon siya sa mapangahas na lalaki, ang kamay nitong mamula-mula at tila labanos sa puti ay mahigpit na nakahawak sa kanyang damit. Wala itong balak na pakawalan siya. Hanggang balikat lang siya ng binata kaya't tumingala pa ang dalaga upang masuri kung sino ang hangal na lalaki. Bahagyang natigilan si Lilith nang masilayan at magtama ang kanilang mga mata--namamangha sa mga marilal na ambar na mata ng binata. Wala sa sarili niyang pinagmasdan ang lalaki. He was in an all black outfit: cup, plaid shirt, inner shirt, cargo pants, and a pair of sneakers. His face was striking, he had sharp eyes beneath defined brows, a straight nose, and lips that carried both defiance and allure. His jawline wasn't fully carved, but it carried the promise of strength, the kind that made him impossible to ignore. His body wasn't fully built, yet the broad shoulders and lean frame hinted at something powerful beneath the surface. Even his scent lingered when he moved, clean soap mixed with something distinctly male, a subtle reminder that he occupied more than just space. He had a snake tattoo just below his right ear. Para u***g nakapulupot sa tatlong linya. But it was his eyes that unsettled her most. In the light they looked sharp and ordinary, yet when the shadows deepened, a faint silver luster rippled across his irises, like light catching the edge of a blade. She blinked, and it was gone, leaving her wondering if she'd only imagined it. Natutop ang bibig ni Lilith sa nakikita--hindi, nakagat niya ang kanyang labi. Matapang siyang babae, ngunit hindi niya maintindihan ang kabang sumidhi sa kanyang dibdib dahil sa presensya ng binata. Hindi niya namalayan, bahagyang humapit ang kanyang ulo sa dibdib nito, at ang malambot na kamay ay humawak sa tiyan ng binata--nabigla ang dalaga dulot ng pagkagulat at pagkawala ng balanse. The tall guy didn't move away when she stiffened; he leaned slightly closer, tilting his head as if waiting for her next move. "You're taking advantage of the situation, sparky," he whispered, letting his mint-scented breath linger over her cheek, eyes glinting with amusement and a hint of challenge. Nairita siya sa pagtawag nito sa kanya ng sparky. May naalala siya--someone who used to call her that when she was little. Regan Wolfgang. That bastard. Pilit isinangtabi ni Lilith ang kaba. She stood up straight, her voice cold as she stared him down. "You wish," she muttered, her voice tight with irritation. Pumiglas si Lilith upang kumawala sa paghawak ng binata sa kanyang hoodie. Aambahan na niya ito ng suntok nang maulinigan nila ang isang malakas na boses. "Quaro, we are out of espresso!" sigaw ng isang lalaking may mahabang buhok na naka-manbun. Sabay na luminga ang dalawa sa entrance ng coffee shop. Umikot ang mga mata ni Lilith. Doon ay nakatayo si Nikolai Rage Blackwell--ang tagapagmana ng The Blackwell Global at ang nakatakdang ikasal sa kanya. Makulit at maligalig ito. He always had that fresh, cocky charm that made him impossible to ignore--always full of mischief. Sumigla ang kaninang nakasimangot na mukha ni Rage nang masilayan niya si Lilith. Above his head was his coffee shop's signage: The Steamy Scoop. Baduy, bulong ni Lilith sa isip. Malamang, ang lalaki ang nag-isip ng pangalan ng shop. Pinagmasdan niya ang binata at hindi nag-atubiling husgahan nang mapansin ang suot nito. Kung itong lalaking katabi niya ay purong naka-itim, itong si Rage ay naka-all white naman. Wala lang siyang suot na sumbrelo. Para lang silang mga pusa niyang itim na Cosmo at si Sora na kulay puti--mga demonyo na nakakairita ngunit napaka-cute. "Mrs. Blackwell!" sigaw niya, malapad ang ngisi sa kanyang labi. Naglakad ito papalapit sa kanilang dalawa ni Quaro. "Why are you here? Today is your succession announcement--" "I don't want to be married to you, dufus," she snapped, rolling her eyes. "And what are you doing here? Shouldn't you be off chasing the herd of animals for that marriage settlement I demanded?" Rage smirked, stepping closer like a predator circling its prey, his fingers sliding casually into his messy hair. "I'm no Lamech's son, but I can give you hundreds of children instead." "You will?" kiming tugon ng dalaga. Humakbang siya papalapit kay Rage, nilapat ang mga kamay sa matigas nitong dibdib, at tumingkayad. Ipinulupot niya ang braso sa leeg ng binata at ngumiti nang mapanukso. Akmang maglalapat ang kanilang mga labi nang bumwelo ang dalaga at buong lakas na tinuhod sa crotch area ang binata. Ngumitngit si Rage, umuungol sa sakit. "There," she sneered, watching him double over. "That's the only kind of son you'll be giving me--one crying on the floor, clutching his jewels like a kicked dog." "I hope it was worth it..." impit na bulong ng lalaki; namumula na ang mukha at ang kanyang mga tainga. Kapos sa hangin niyang itinukod ang kanang kamay sa upuan habang namimilipit sa sakit. "Because payback is coming," pagpapatuloy niya sabay talon at sipa ng kanang paa pagkatapos ay ang kaliwa. "I'll be waiting," bulong ni Lilith sabay kindat bago tumalikod na parang siya ang nanalo sa laban. Ngunit, katulad kanina, hindi siya nakasulong dahil muling hinila ni Quaro ang kanyang hoodie. Napatid ang pisi ng dalaga. Hinarap niya si Quaro sabay hila sa kamay nito. Bago pa makapalag ang binata ay mabilis isinikad ni Lilith ang kanyang kamao sa sikmura ng lalaki. Naubo si Quaro, nawalan ng balanse, at humihingal habang inaagaw ang hangin na nawala sa kanya. "The limit wasn't a line. It was a fuse," kalmadong bulong ni Lilith. Lumamlam ang kulay ambar na mata ni Quaro, iniinda ang sakit. Isang payak at mapang-uyam na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Nanatili siyang nakayuko roon, pilit pinahuhupa ang kaninang kalmadong t***k ng kanyang puso. Ang kaibigan niyang si Rage na unti-unti'y nakakabawi na ay nasa kanyang gilid habang walang humpay na humahalakhak, engangyong-enganyong panooring magdusa rin si Quaro. Iniiling ng dalaga ang ulo. Ngunit kalaunan ay kumunot ang noo niya. May kung anong mali. Hindi lumaban ang binata katulad ni Rage. Hindi rin ito natatakot. Napansin niyang punit ang plaid shirt na suot ni Quaro. Tinignan niya ang hawak-hawak na kapirasong telang napigtal kanina. Doon lang siya natauhan--it was Quaro's plaid shirt she had been pulling earlier. Kaya pala hindi niya matakpan-takpan ang sarili. Nagkibit-balikat siya at luminga sa kanyang likuran, ang mga mata ay masuyod na sinuri ang Crest Avenue upang tuntunin kung nasaan ang kanyang mga bodyguards. She must run and escape the place bago siya maabutan ng mga ito. Napansin ni Rage na tila palinga-linga si Lilith, kaya't sinundan niya ng tingin ang pimagmamasdan ng dalaga. Hawak-hawak ang kanyang crotch area, isang malapad na ngisi ang sumilay sa mapupulang labi ng matangkad na binata, nang makita niya ang pamilyar na apat na lalaking naka-itim na suit na palibot-libot sa Crest Avenue. Abala ang mga ito sa paghahanap at mukhang mga natatae na dahil malamang--bugbog ang abot nila mula kay Chairman Sandro. Tinaas ni Rage ang mga kamay niya sa gawi ng apat. "Cairo!" sigaw ng binata na nakapukaw sa atensyon ng isa sa mga bodyguards. Paglingon ay hinanap pa muna ng lalaki kung saan galing ang boses. "She's here!" sigaw ni Rage. Mabilis na tumakbo ang apat na lalaki patungo sa The Steamy Scoop nang Makita nila si Lilith na akmang tatakbo na ang dalaga. "Over there!" Namimilog ang mga mata ng dalaga, kumulo ang dugo niya. "You traitorous son of a gun!" Mabilis siyang pumihit at buong lakas na sinuntok si Rage bago pa siya mahuli ng lalaki at ikulong sa bisig niya. Sapol ang bibig ng binata. Umatras si Rage, dugo ang sumungaw sa kanyang labi, ngunit naroon pa rin ang ngising nanunukso. "You never learn, Nikolai." This time, it was Quaro who was laughing at his ass. Rage wiped the blood from the side of his lips, grinning devilishly and ignoring Quaro. Tumindig siya nang maayos at tumitig kay Lilith. A shadow passed through his raven-black eyes. "Southwall's different. Forget whatever law-and-order fairytales you've been fed," aniya sa mabigat na tinig. "It won't wait for your police badge, Red. It will eat you alive before you even reach mid-level Specter." Pumaling ang ulo ng dalaga. "Good thing I'm not aiming for Specter," malamig niyang tugon, ang mga mata'y nagliliyab. "I'm aiming higher--and I will destroy Silverclaw Division." She turned on her heel and bolted, not once looking back. Sabay ibinulsa niya ang telang hawak. Habang tumatakbo ay kinapa niya ang kanyang tagiliran. Ramdam niya ang matutulis na gilid ng bagay na nakatago roon--kailangan niya ito dahil isa itong sandata para sa mundong papasukin niya. She crossed the street, bumping into the crowd and disturbing the flow of hurried footsteps. Hinawakan niya ang laylayan ng kanyang hoodie. Mabilis niyang hinubad ito at ibinato sa kabilang direksyon dahil nasundan na siya nina Cairo. Nakaramdam siya ng lamig nang humaplos ang hanging pang gabi gawi ng tanging ang bra na lamang niya ang suot na pang-itaas. Ngunit hindi niya alintana ito miski na makita ng ibang tao ang balat niya. "Doon siya tumakbo!" sigaw niya sa pilit na malalim na boses pagkabato ng kanyang damit, sabay turo ng kanto sa kaliwa. Yumuko siya at sumingit sa pagitan ng rumaragasang delivery bike at kumikislap na taxi. Mabilis siyang nilamon ng dagsa ng tao sa pedestrian lane. Ang mga bodyguards ay hinihingal na dinampot ang hoodie niya at tinahak ang itinuro niyang kanto. "Asa!" sigaw niya na may malapad na ngiti sa labi, tila hayop na nakawala sa hawla. Agad siyang bumaba sa hagdan patungo sa underground train station, at dumiretso sa isa sa mga ticket booth upang kumuha ng pass patungo sa Southwall Central. Ang underground city na ito ay pinamamahalaan ng mga makapangyarihang negosyante. She was heading there to meet someone powerful--her uncle, known in whispers as Panther. Siya ang susi upang tuluyang maging opisyal na miyembro na ng Phantom Unit si Lilith, isa itong subgroup na itinatag ni Panther sa ilalim ng Vanguard Protective Services na pagmamay-ari nito. Luminga si Lilith sa kaliwa at pagkatapos ay sa kanan, naghahanap ng ibang ticket booth. Hindi siya sigurado kung mahahanap niya ang tamang station clerk na magbibigay sa kanya ng ticket patungong Southwall Central. Iilan lamang ang may alam at nakapupunta sa tagong ciudad, at kapag nagkamali siya ay baka mapahamak pa siya. Nang walang makitang ibang station clerk, nilapitan niya ang nag-iisang ticket booth sa station three. Sa likod ng makapal na salamin ng ticket booth, naroon ang isang lalaking nakasuot ng asul na kupya, puting polo, at salamin. Nakaupo siya nang tuwid, nakatungo sa maliit na ledger, at abala sa walang humpay na paglilista. Sa gilid ng leeg ng station clerk, bahagyang kita ang burda ng isang hexagon na may mata sa loob. Kumislap ang kanyang mga mata. Bumuhos ang pananabik sa kanya. "Ang sigil ng Gatekeepers of the Southwall," bulong ni Lilith sa kanyang isip. Isa sa dalawang sangay ng Black Sigil Order, pagpapatuloy niya. From what she read online, the Black Sigil Order was a prestigious yet shadowed organization that maintained control over the underground city. Dalawa ang sangay nito: ang Gatekeepers of the Southwall, na siyang tagapagbantay ng mga daanan patungo sa tagong ciudad; at ang Watchers of the Southwall na nakatuon sa surveillance, intelligence gathering, at long-distance monitoring. Sinasabing ang Watchers ay hindi mo makikita kahit kailan, ngunit mararamdaman mong binabantayan ka nila. Samantala, ang mga Gatekeepers ang nakikita at nakakahalubilo ng mga Hollowborn at Sunwalker. Lumapit si Lilith sa station clerk, pilit na itinatago ang emosyon sa kanyang mukha. Pinatong niya ang kamay sa salamin at dalawang beses itong kinatok. Umangat ang ulo ng station clerk, kumislap ang lenses ng suot na salamin. The glass had a faint sheen, catching the light like polished obsidian. Up close, the lenses weren't solid black; instead, they shimmered faintly with shifting hues, as if smoke curled endlessly inside. "The wheel turns," malamig ang tinig ng station clerk. Hindi agad nakasagot si Lilith. Inalala niya ang code nakaraang pumunta siya sa Southwall central. "But fire rises..." nag-aalangan na tugon ng dalaga, hindi sigurado kung tama ang isinagot. "Red... Ash." Hinintay niyang magsalita o gumalaw man lang ang station clerk ngunit nakatitig lamang ito sa kanya. "Access denied." May narinig na mahinang hum si Lilith, ngunit hindi niya alam kung saan nanggaling ito. Saglit na natigilan ang dalaga. There must be something that could give her a clue of who the Gatekeeper or what his sigil was. Sinuri niya ang station clerk. Mukha siyang ordinaryong tao--isang Sunwalker kung tawagin. Ito ang mga taong hindi ipinanganak sa Southwall Centrall katulad ni Lilith, habang Hollowborn naman para sa mga taong lumaki at tumanda sa tagong ciudad. "That's the code I used last time, why is it access denied?" kunot ang noong tanong niya. Hindi kumibo ang Gatekeeper. Muling pinasadahan ng tingin ng dalaga ang station clerk. Napansin niya ang likod ng palad ng lalaki. Naka-ukit sa balat niya ang isang shape ng cog--ang sigil na, kung tama ang pagkaka-alala niya sa kwento ni Rage, ay tanging kay Brass lamang maaaring ipagkaloob. "And the spark ignites! Red--Brass," sabik na wika ng dalaga, hindi mapagsidlan ang saya sa mga mata. Tulad kanina ay hindi agad kumibo ang Gatekeeper. Nakagat ni Lilith ang kuko sa kanyang hintuturo habang pasensyosong naghihintay. "Did I get it?" The Gatekeeper remained silent, but his glass thinned into near transparency, revealing the faint cog shape etched around his iris. A soft ripple of light spread across the glass, followed by an almost imperceptible hum--the hidden scanners verifying her identity. "Lilith Sandoval. Sunwalker. Alias: Red. Rookie. Verified," anunsyo ng station clerk. The hum deepened, then cut sharply. A slot at the bottom of the ticket booth's glass opened with a soft click, sliding out a small, obsidian-black card no larger than a ticket stub. The faint hawk's eye glowed and shifted--symbols seemed alive and impossible to copy. "Two taps. Phantom Unit territory," bulong ng Gatekeeper, halos hindi gumagalaw ang labi. "Don't lose it. Don't linger." Kinuha ni Lilith ang obsidian-black card gamit ang dalawang daliri. Pinagmasdan niya ito. May engraved na hawk's eye sa kabilang side habang Phantom Unit naman ang nasa bantang kanan sa kabila. Malamig ito, tila bagong hugot sa bucket ng yelo. She tucked it swiftly into her bra's strap, then glanced once more at the Gatekeeper's iris sigil shimmering with its silent cog. She turned away, heart steady but sharp. Lumakad siya sa hallway at bawat hakbang ay maingat at may determinasyon. Hinanap niya ang pinto patungo sa Southwall Central. Natatandaan niyang nasa station five ito, just near an old stairs. Ilang hakbang lang nang marating niya ang hagdan. Sa tabi nito ay isang itim na pintuan. Humakbang siya ng isang beses, nagdadalawang-isip kung tutuloy ba o hindi. Ngunit, kung panghihinaan siya ng loob, paano ang pangarap niya bilang isang matagumpay na pulis at top Revenant ng Phantom Unit? Nagbuntong hininga ang dalaga. Kinapa niya ang kanyang tagiliran at kinuha ang itim na maskarang nakaipit doon. Isinuot niya ito bago nagpatuloy sa paglalakad, hanggang nasa tapat na siya ng pintuan. Nilapat niya ang palad sa lumang kahoy na gutay-gutay na at marahan itong tinulak. Pagbukas ay sumalubong ang madilim na lagusan at nakakapanindig-balahibong lamig. Ang amoy lupa na tila ba bagong ambon kung saan humahalo ang halimuyak ng isang basa at bulok na kahoy ay umiikot sa hangin. Pumasok siya roon. May malaking tarangkahan sa gitna na may naglalakihang cogwheels sa gitna at mabal na umiikot. Tila nalula ang dalaga nang tingalain niya ito. Sa gawing kaliwa ay may dalawang lalaking nakasuot ng ninja gi. Ang una ay may faint, glowing white ring sa kanang mata, at may samurai sword na nakasabit sa kanyang balikat hanggang dibdib. Ang ikalawa naman ay may suot na itim na leather eye patch sa kaliwang mata. Sa pagitan ng dalawang Gatekeepers ay nakatayo ang isang Obsidian Reader. This stood like a narrow pillar fixed to the wall, not higher than their waist. Its surface was a seamless slab of black stone, polished to a mirror sheen that seemed to swallow the dim light around it. At its center was a thin, vertical slit that glowed faintly with shifting veins of silver, like cracks in cooling lava. Along the edges, tiny sigils pulsed in rhythm. It looked as though it belonged in an ancient temple, yet hummed faintly with a low electrical current--alive and waiting. Kinuha ni Lilith ang obsidian-black card na nakaipit sa strap ng kanyang bra. Itinaas niya ito, at ang hawk's eye na naka-ukit dito ay kumislap nang maitapat sa tila ugat na liwanag mula sa aparato. Inabot ng Gatekeeper na may eye patch ang card at idinampi ito sa censor ng device. Kumislap ang hawk's eye, at mula sa pilas ng liwanag sa Obsidian Reader ay sumibol ang ilaw kapareho ang marka ng card sa itaas nito--isang hologram na yari sa kumikislap na pilak, tila kidlat na nananahan sa hangin. Sandali itong lumutang, malamlam ngunit nakakapangilabot, bago unti-unting naglaho na para bang nilamon muli ng bato. "Phantom Unit access confirmed," malamig na sabi ng Gatekeeper. "Personal sigil: none." Itinaas ng Gatekeeper ang suot niyang leather eye patch, at marahang umikot ang mekanismo mula sa pilak na aparatong nakakabit sa kanyang mata, sanhi upang umikot nang mabilis ang mga cogwheel. Kasabay nito ang malakas na tunog ng mga bakal, hanggang sa bumukas ang malaking tarangkahan. Sa likod nito, lumitaw ang malinis na kalsada ng Southwall Central. Tahimik ang ciuddad, hindi katulad ng Crest Avenue na pinaliligiran ng samu't saring parokyano. Lumulon si Lilith, ang mga kamay ay kumuyos sa kaba. Her gaze lingered on the Gatekeeper's concealed eye--an unmistakable mark of the highest rank amongst the Gatekeepers. Power. Mystery. Devotion. She'd heard the stories: these higher ranks, such marks could be a burden, a punishment wrapped in duty. But her thoughts turned elsewhere. Not to the Black Sigil Order, but to the Phantom Unit--to the Revenants. That burning sigil--like a hawk's eye wrapped in chains of light--wasn't given for obedience. It was earned. Proof that you didn't just serve justice, but commanded it. For a fleeting moment, Lilith wondered what it would take to wear that mark. The thought coiled in her chest like a vow, quiet but unshakable. Not just a question, but a hunger--raw and unformed. She moved forward, slipping into the city's veins, the weight of its silence pressing on her like a second skin. Each step bled into shadow. Cracked concrete. Half-lit corridors. The ghosts of choices she hadn't made yet. Somewhere within the labyrinth, the Phantom Unit awaited--watching, weighing. She wasn't one of them. Not yet. But the mark burned in her mind like a brand already seared. Would she be willing to bleed for it? ⟶ Don't forget to vote, comment, and follow!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD