5

2938 Words
Nakakainip. Tamad na inilapag ni Vianna ang smartphone niya sa mesa. Nakadungaw siya sa salaming bintana habang nakasakay siya bay window. She’s watching the rain. It’s quite heavy. Kaya pala madilim kanina nang bandang tanghali na ay dahil uulan nang malakas at may kasama pang hangin. She’s downstairs. Katatapos lang niyang kausapin ang Daddy Harry niya at tinanong niya iyon kung totoo ba na ipinasundo siya sa mga tauhan ni Brandon. Oo raw talaga. Wala na siyang nagawa pero kabilin-bilinan no’n na huwag siyang patatalo kapag inaway siya. Kapag daw may dumating at inaway siya, awayin din daw niya. Napatanong tuloy siya kung ganoon din ba ang turo no’n kay Brandon kasi palaaway ang lalaki. Tumawa ang ama-amahan niya. Nasobrahan naman daw ng tapang ang kuya niya kaya ganoon. Mali raw pala na tinuruan iyon na lumaban dahil ngayon daw ay walang kasing gaspang ang  pangkaskas ng yelo noong panahon. So it means, her Dad taught that man the same. Siya raw okay lang na turuan na lumaban dahil daw malambing pa rin naman siya sa mga taong mabait sa kanya. She pouts and rested her chin on her knees. Yakap niya ang mga binti. Nasaan na kaya ang old brotherhood niya? Parang simula nang kumain siya kaninang mag-isa ay hindi na sila nagkita. Parehas pa naman sana silang walang mga kapatid at gusto sana niya ng kuya kaya lang mukhang ayaw naman no’n ng bunsong kapatid na maganda. Baka masyado siyang over qualified bilang kapatid ni Brandon Harris Villamor. “Señorita Via,” nakangising bati sa kanya ni Adela nang mapadaan ang babae sa may gilid niya. “Gutom na ba ang alaga ko? What do you want is for the supper? You want rice or dieting? You want bread only with juice?” She shook her head. “I’ll just grab some foods na lang in the kitchen, ate. Saka don’t Señorita me. Baka kagalitan ka na naman ni old brotherhood.” She looked around. Walang old brotherhood. Salamat naman. “Sus, sanay na ako ro’n. Kapag nagagalit iyon parati no’n sasabihin na isa na lang, sesante ka na.” gagad nito sa hitsura at sa paraan ng pagkakasabi ni Brandon kaya natawa siya. “Dios ko. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na niya ‘yon sinabi sa akin. Parati na lang, isang beses pa raw tanggal na ako, eh nakailang beses na akong pamali-mali, mahigit na yata sa numero ng kalendaryo. “ Napahagikhik siya. Ibig sabihin ay hindi pa rin ito nasisesante kahit na parati na lang itong may memo. “You mean to say, banta lang siya nang banta?” “Parang ganoon na rin.” Kibit balikat ni Adela. “Hindi naman ‘yan palaimik. Minsan nga para lang ‘yan multo na dumadaan, ni tumingin sa byuti ko ay hindi. Minsan nandito ‘yan buong maghapon pero parang wala rin naman. Kung wala ‘yan sa kwarto, nasa opisina niya. Iyong office niya, library na rin. Nagkakaingay lang dito kapag sumusulpot si Senyora Henrietta saka si VP Loyola.” Napalabi ang dalaga. “W-Who’s VP Loyola?” kilala niya si Henrietta pero ang VP Loyola ay hindi. “Ah, ‘yon ang stepfather ni Gob. Masungit ‘yon saka istrikto. Kung ano si Gob, ganoon din ‘yon pero hindi ganyan na pasigaw. Mababa ‘yon kung magsalita pero masakit kung masakit. Si Senyora naman,” napaisip ito. “Binibaby si Gob. Mitikulosa naman ‘yon at ayaw ng kahit na isang alikabok sa mga displays.” “I see.” She nodded. “Eh ikaw?” sinuri siya ni Adela. “Hindi ka mukhang katulad nila. Parang happy happy girl ka always. Kaya ba ganyan ka kaganda? Saka paano ka napunta sa Hacienda?” Napakibit balikat si Vianna. “I don’t know din. Nagkaisip na lang ako, I was there na. May ilang memories lang ako sa childhood ko at kahit mukha ni Mama, halos hindi ko maalala. I was only six when she died. Sabi ni Daddy Harry, Aneurysm daw. Tapos may mga pictures lang na naiwan sa akin. Here she is.” Kinapa niya ang locket na hindi niya magawang ihiwalay sa katawan niya. She remembered that her Daddy Harry gave her a twenty-four inches’ gold chain necklace when she wouldn’t stop crying a few weeks after her mother’s burial. May gintong locket din iyon tapos ay may litrato ng Mama niya at litrato niya noong bata pa siya. She replaced her picture with the latest picture that she has. Ipinakita niya iyon kay Adela. “Ay wow, kamukha mo pala ang Mama mo, upgraded lang ang hitsura mo. Kung siya ay pocket book, ikaw naman ay w*****d na.” Natatawa siya. “Eh how abouts is your Papa?” “My Papa?” she felt sad. She looked outside and shrugged. “I don’t know. Ang natatandaan ko lang, pinukpok niya ang Mama ko ng kaldero tapos hindi ko na siya nakita.” “Ano?” gulat ito sa kwento niya at nanlaki pa ang mga mata kaya tumingin siya sa mukha nito. “Meaning mo, kahit mukha kang celebrity, hindi ganoon kabyuti ang buhay mo?” “Opo.” Tango niya. “Hindi siguro talaga if not because of Daddy Harry. Hindi ko alam kung bakit niya kami kinuha ni Mama. From then on, my life changed. I know it did. Hindi ko na rin iniisip kung nasaan ang Papa ko. Kahit isipin ko, wala naman akong makita kahit anino. I don’t even know his face.” “Kawawa ka naman pala. Kung tutuusin pala, stand-alone ka na.” malungkot na sabi pa nito. Vianna giggled again. “Not alone, Ate Del. I still have Daddy Harry. Gusto ko na nga umuwi na siya para makauwi na rin ako. He promised me, dito kami titira sa Manila when I turn twenty. I’m not twenty pa naman so I still have to live in the province.” “Ayaw mo ba rito sa gwapo mong kuya?” “No.” agad niyang salo sabay simangot. “Masungit siya.” Aniya pa pero humaba ang leeg niya nang makita niya ang isang itim na limousine na pumasok sa pa-arko na driveway. May isang itim na kotse sa harap no’n at isa pang kotse sa likuran. She could see the vehicles though it’s raining. May head lights ang mga iyon at bisita yata. “Whose cars, Ate? Look.” She pointed. Agad na nakisilip si Adela sa bintana pero tumigil na ang mga sasakyan sa harap ng bahay. “Hesus. Si VP!” natataranta itong napatalon at hindi alam kung saan tatakbo kaya naman natingnan niya ito. “S-Sandali lang, Via.” Mabilis itong kumaripas papunta siguro sa opisina ni Brandon. Bakit natataranta ang ate Adela niya? Kahit naman VP ang dumating or former VP, tao rin naman iyon at hindi Santo. “Manang Josie, may tao po.” Tawag niya sa matanda pero sa isang iglap lang ay nakahilera na sa labas ang mga tauhan ni Brandon. Lalong napanganga si Vianna. Lumabas mula sa limousine ang isang matandang lalaki at isang may edad na babae. Kahit na maulan ay posturado ang dalawa at nakaangkla pa ang kamay ng babae sa braso ng lalaki. She just kept on looking until she heard footsteps. Lumingon siya at ang seryosong mukha ni Brandon ang nakita niya, kasusunod si Adela. He looked her way and she noticed that he looked down on her thighs. Inayos niya ang palda pero umirap pa rin siya. “Go to your room.” He commanded her but she rested her chin on her knees again. Malamig ang mga mata nito pero bumusangot lang siya. She doesn’t want to go to her room. Masama bang tumingin? Saka kanina pa naman siya roon nakaupo. Bakit naman may dumating lang na tao, pinatatago na naman siya? Inis na naman na umiling ang kuya niya at nakita niya iyon sa sulok ng mga mata niya. Pumasok sa loob ang dalawang matanda at lahat ng kasambahay ay humilera rin tapos ay yumuko nang kaunti bago ulit umalis ang mga iyon. “Good afternoon, Señora, Señor VP!” Para parang mga taga-Philippine Military Academy ang mga tao roon. Siya lang yata ang kaisa-isang hindi nataranta at hindi kumilos. Pumasok din ang isang lalaki at agad na napatingin sa kanya. Mas bata iyon at hindi mukhang istrikto. Kahawig iyon ng matandang VP pero lamang ng mga sampung paligo. Matangkad ang lalaki at ‘maganda’ sa paningin ni Vianna. He’s not a bodyguard. Hindi naman nakauniporme ang lalaki pero pormal at parang gwardiya ng mag-asawa. Ngumiti iyon kaya ngumiti rin siya. “Mom, Papa.” Ani Brandon at humalik pa sa babae. Nanlaki ang mga mata ni Vianna. Iyon na ba si Henrietta Villagarcia Villamor? She bit her bottom lip, still eying the old man and woman. Ang babae ay banat na banat ang mukha at balot ng make-up. Bob cut ang gupit ng buhok no’n na kulay Chesnut brown. She’s thin, tall and haughty. Mukhang masungit ang babae dahil nakataas ang noo at parang hindi marunong mag-bow. May suot iyon na gwantes at may dalang kulay silver na clutch bag, katerno ng suot na sapatos at belt. “Hijo, the rim of your eyes are darker now. Are you still sleeping?”  masuyong hinaplos ni Henrietta ang mukha ng anak pero agad iyong umiwas na parang naiirita. “Let him do his job as a Governor and CEO. That’s serving his biological father and serving his stepfather at the same time.” Mababang sagot ng lalaking may kaputian na ang mga buhok pero malakas pa rin naman. Magandang lalaki rin ito kung tutuusin pero tulad ni Brandon ay parang hindi marunong ngumiti at parang walang nakikitang maganda sa buhay. Mukhang mas bata pa nga iyon sa Daddy Harry niya pero palangiti ang ama-amahan niya. Parang hindi maghuhuli ang edad ng dalawa ni Henrietta at ni VP. “What brought you here?” simpleng tanong ni Brandon sa dalawa kaya inalis na niya ang atensyon sa mga iyon pero nakikinig ang mga tainga niya. Simpleng tsismosa ang tawag do’n. “I want you—” the old man paused. “Who is that?” Sa sulok ng mga mata ng dalaga ay ramdam niyang nakatingin ang nagsasalita sa kanya. She never paid attention. “God, Brandon, hijo. You’re keeping a…teen in your house? This is scandalous!” tumaas na kaagad ang boses ni Henrietta kaya tumaas din ang mga tainga niya. Scandalous agad? May babae lang, ibinabahay na? Noon siya tumingin sa mga ito at nakuha pa niyang ngumiti. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ng matandang babae nang pakatitigan siya. “Por Diyos.” Henrietta held her chest. “Who is she?!” singhal nito sa anak na ang sama rin ng tingin sa kanya. Hindi pa rin siya nakilala. Kung sabagay ay hindi pa siya nakikita ng babae kahit na noon pa. “Where’s Genevieve? Does she know this?!” daldal naman ng lalaki. “She’s not my woman. I’m not keeping her either. She’s from Hacienda Villamor.” Anaman ni Brandon at pakiramdam tuloy niya ay para siyang pulutan doon. Why is everybody talking about her? Pwede naman na hindi siya tingnan at pansinin. “You say what?!” pasigaw ulit na tanong ni Henrietta sa anak at siya naman ay Kukurap-kurap. Nakatingin din sa kanya sina Josie at sinisenyasan siya ni Adela na umalis na roon pero hindi pa rin siya bumababa sa bay window. “Is she your father’s ward? The hell with you, Brandon Harris! Ibabahay mo na rin ba ang anak ng kerida ng Daddy mo?!” halos pumutok na yata ang litid sa leeg ng babae at siya ay napayuko na. Kerida raw ang Mama niya. Sa totoo lang, walang nagsasabi ng ganoon sa kanya sa probinsya. Sabi naman kasi ng Daddy Harry niya, wala naman masama na doon sila tumira ng nanay niya. Wala naman daw masama na iba ang ituring niyang Papa. Minsan ay naiisip din niya na kerida ang nanay niya pero iwinawaksi niya ‘yon. Hindi pa kasi sapat ang memorya niya kaya ayaw niyang dungisan ang sarili niyang ina at malala ay mag-isip doon ng hindi maganda. Sabi ng Daddy Harry niya, mabuting babae ang Mama niya at hindi raw dapat siyang makinig sa kahit na anong sabi-sabi. And so far, alam niya na kahit may hinala ang ibang taga-hacienda, mas naniniwala siya sa Daddy Harry niya. “Will you shut up, Mom!” singhal ni Brandon sa ina na agad na napatigil. “There’s no way I’m gonna be like my father so stop accusing me!” “So why is she here?” tumaas naman ang mga kilay ng matandang lalaki habang pinagmamasdan siya. “Harry asked me to look after her. He’s in US for his medication. She’ll never stay here that long.” Brandon sighed. “You make sure. I don’t want controversy that could ruin your image. You’re still unripe for my dream, Brandon. You’d still have to go far to become the next President of this country.” Simpleng sagot ng VP pero malaman, may pangil. Tumango si Brandon kaya medyo umarko ang mga kilay niya. How could this man obey a man who isn’t his real father? Kung magsalita ito tungkol kay Harrison ay sobra pero sa matanda na hindi naman nito ama ay para itong maamong tupa, o baka nakikisama. “Bakit hindi na lang iyan ikuha ng katulong para lumayas na ‘yan dito?!” palatak pa rin ni Henrietta. “Don’t dare talk to her, Brandon!” Eh di wag. Sino ba ang may gusto? Mas lalong ayaw din naman niya. “Get down there, woman and greet us.” Utos sa kanya ni VP pero saglit siyang tumingin muna. Bakit kailangan niyang gawin iyon? Hindi naman siya kasambahay at kahit na isa siyang kasambahay halimbawa, mali pa rin na mag-demand ang mga ito ng ganoon. They’re not gods. “Are you deaf?! You heard my husband! Greet us!”  utos din ni Henrietta sa kanya sa nanlilisik na mga mata kaya bilang paggalang ay bababa na lang siya sa bay window. She looked down and ready to jump but she couldn’t. She scratched her head, looking at Adela. Hindi na siya makababa pero nakuha niyang makaakyat kanina. “Ahm—” kamot ulit ni Vianna. She’s hiding the truth that she couldn’t make it but the man behind Henrietta walked hastily towards her. Inialok ng lalaki ang kamay sa kanya kaya naman hindi siya nag-atubili na tanggapin iyon. “Be careful, Miss.” Anito sa kanya kaya ngumiti siya nang kaunti. Inalalayan pa siya nito sa baywang at kahit na nakakailang ay binewala na lang niya. “Thank you.” Hindi niya nakalimutan na sabihin pero titig lang ang ibinigay ng lalaki. “She’s not supposed to get help from you, Marcus. She climbed up there, she knew for sure how to get down.” Anang matandang VP kaya bumalik ang lalaki sa pwesto niyon kanina. She sighed, hiding her eye roll. Lahat na lang pala sa bahay na iyon ay napapansin, lahat bawal, lahat may batas. Tumingin siya kay Brandon na kasindilim ng gabi ang tingin sa kanya. May bago ba? “Good afternoon po, Sir and Madam.” Yumuko siya nang kaunti pero rumolyo na nang tuluyan ang mga mata niya. To her dismay, Henrietta scrutinized her from head to toe and vice versa. “Go to your room, Laura.” Brandon commanded her. Wala na siyang pagtutol na ginawa. Agad siyang tumalikod para iwan ang mga ito. Hindi niya gusto ang dalawang dumating. Actually, hindi niya gusto kahit na si Brandon. “You must talk to Harrison and send that girl back to where she came from. She’s not supposed to live here. What would people say? You’re taking care of your father’s mistress’ daughter?” daldal ni Henrietta at wala pa rin pala iyong ipinagbabago, bungangera pa rin. “That’s a good publicity anyway.” Anaman ng VP kaya saglit siyang napatigil sa pag-akyat sa hagdan. Gusto ni Vianna na lumingon pero hindi niya ginawa. “We could use her for Brandon’s sake. Keeping a girl of his Dad’s mistress is difficult but we’ll make it easier—as if pretend it’s easy anyway so people would believe that he’s so kind.” Patuloy pa no’n. Dismayado siya pero mas pinili niya na tumuloy sa pagpanhik. She can’t believe these people. Maglilitanya talaga siya sa Daddy niya at isusumbong niya ang mga mangkukulam na ito. Kabit, kabit, kabit, puro na lang kabit ang naririnig niya. Bakit? Nakikabit ba sa dalawang itlog ng Daddy Harry niya ang Mama niya kaya tinatawag na ‘kabit’. Hindi naman ah. Sa susunod kapag nainis siya, sasabihin niya kay Henrietta na ang VP ang kakabitin niya para lalo iyong mabwisit at mangailangan na naman ng buttocks dahil sa kunsumisyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD