Zachiko Pov Tatlong araw na ang lumipas at hindi pa rin nagigising si Xyriel. Tatlong araw na rin akong nag-babantay sa kanya. Gusto ko sa pag-mulat niya ng mata ako kagad ang makikita niya. Maayos na ang lagay ng kaibigan ni Xyriel, nasabi na rin nila Uno na may kailangang gawin si Xyriel kaya mauuna itong umuwi para hindi magtaka ang mga kaibigan niya. “ Master Dryx “ lumingon ako sa pintuan at pumasok dun si Grim. “ May balita na ba? “ sa araw na iyon ay kagad kong inutusan si Grim, Zero at Quadruplets na hanapin kung sino ang may gawa nun at ano ang pakay niya. “ Wala pa rin Master, tanging si Xyriel lang ang makakapagsabi kung sino siya o sila. Wala kaming mahanap na ebidensya na makakapagturo sa salarin. Mukhang hindi ordinaryong bampira ang gumawa nun “ Alam kong hindi ta

