ATVK #2

1633 Words
Gusto kong masuka sa sobrang sweetness. Pano ba naman kasi puro sweet couple ang nakikita ko. Arggh! Edi sila na! " Arrgghh! Nasusuka ako! " sigaw ko dahilan ng pagtigil nila sa paglalampungan. " Edi sumuka ka " sabi ni Joyce at nakipaglandian uli kay Joshua. Walang forever " Oo nga naman friend. Kadiri naman kung dito ka susuka no " Sabi ni Marjorie. " Buntis kaba Xy? Ba't ka nasusuka? " Tanong bi Donna. My so innocent Donna, sa sobrang inosente sarap ng sakalin " Yuck! Hindi ako buntis no! Nasusuka ako sa sobrang sweetness nyo! Duh! " tumayo ako at pumunta sa kusina. Kailangan ko ng tubig dahil nauumay ako sa sobrang kasweetan nila. Pagtapos ko uminom bumalik ako sa sala pero wala na dun yung mga lovebirds. Saan naman kaya nagpunta yung mga yun? " Ate, nasan po yung mga lovebirds? " tanong ko dun sa katulong. " Ahhm. Ma'am wala po kaming lovebirds dito. Aso lang po tska pusa. " I rolled my eyes. Kontrolin mo sarili mo Xy. Kaya mo yan. Maldita ka pero with a heart. " I mean yung mga kasama ko po " sarcastic kong sabi with a smile. Mukhang di naman nahalata ni ate girl yun kasi tumawa pa siya. " Ahh. Si Ma'am talaga. Nandun po sila sa may poolside " tumango na lang ako at pumunta sa likod ng bahay. Pagdating ko sa likod nagkukumpulan sila sa sahig at may matandang babae na nakaupo sa silya sa harapan nila. Lola basyang lang ang peg? Umupo ako sa tabi ni Barbs. " Anong meron barbs? " tanong ko sa kanya. " Magkwekwento si Manang ng mga kababalaghan " ginawa pa nyang nakakatakot yung boses nya. " Nako! Gagala na lang ako " wala ako sa mood para sa kwento na yan. At di rin ako fan ng horror no, matatakutin ako at mabilis ko yun mapanaginipan kaya no thanks. Pumunta ako malapit sa may tabi ng dagat. Oh I forget to tell. Malapit sa dagat tong bahay na mala mansion nila Barbs. Kaya sobrang hangin. Wala pa naman akong dalang jacket, naka sando croptop lang ako at high waisted na short. Niyakap ko na lang yung sarili ko at naglakad-lakad, sunset na kaya medyo orange na ang kalangitan. Siguro kung hindi ako nakipagbreak kay Ivan at kung hindi nya ko niloko baka kasama ko sya ngayon. Siguro magiging masaya ang outing na to kung nandito sya. Kaso wala eh! Niloko nya ko. Siguro plano na to ng diyos para samin, para sakin. Para mas lalo kong pahalagahan yung sarili ko. Pero sa totoo lang, nung kami pa ni Ivan hindi ko masyado naasikaso ang sarili ko, dahil mas inuuna ko yung mga gusto nya at yung mga assignment nyang pinapagawa. Kaya siguro nagawa nya kong lokohin kasi hindi ako pala ayos. Lagi nya kong sinasabihan na mag-ayos dahil nakakahiya daw sa nga tropa niya. Like duh paki ko sa mga tropa na. Kung san ako comfortable na suot duon ako. Pero past is past naman diba, nakakamove on naman ako, mas masaya pa nga ako ngayon. Walang sakit sa ulo, wala problema, walang heartache. Diba mas masaya yun. Sa pagmumuni-muni ko diko namalayan na nasa dulo na pala ako. Tumingin ako sa likod ko at sobrang layo ng bahay nila barbs. Yung totoo? Masyado naba akong nag space out kaya diko namalayan na napalayo na ko. Parang love lang yan eh, sa sobrang pagmamahal ko sa kanya di ko na namalayan na napapabayaan ko ang sarili ko. Drama mo Xy Pabalik na sana ako ng may mahagip ako na itim na bahay. I actually para syang haunted house, yung mga bakod nya ang daming patay na halaman at yung gate naman ay sira na at kinakalawang. Para talaga syang haunted house sa mga napapanood kong horror movie. Yung tipo na may mga sisilip sa bintana tapos may white lady. Waaaahhh! Pero bakit parang naaattract ako, parang may humihila sakin na pumunta dun kaya lumapit ako onti. Kahit mukha siyang haunted house maganda yung exterior design niya. Para siya greek style house. " Psst " napatigil ako sa paglalakad at tumayo mga balahibo ko. Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng may narinig akong sumisitsit. Waaaahh! Sino ba yun! Tae eto na nga ba sinasabi ko. " Sino ka? Lumabas ka! " buong tapang kong sabi kahit na naiihi na ko sa sobrang kaba, di ako makalinggon sa likod ko dahil baka mamaya may multo dun. Malapit pa naman mag-gabi. " Awwooooo~ " may kumalabit sakin kaya napatili ako. Waaaahhh! May multo! May multo. " Waaahhh! Parang awa mo na ghost, bata pa po ako! Hahanapin ko pa po yung forever ko. Ayokong mamatay nang virgin. Huhuhuhu " naiiyak na ko. Umupo na lang ako at niyakap yung tuhod ko at tinago ko dun yung ulo ko. " Hahahaha! " tumigil ako sa pag-iyak at tumingin sa likod ko. Biglang nagsalubong ang kilay ko ng makita ko si Barbie na tawa ng tawa habang nakahawak sa tyan nya. Aba! Loko to bakla na to ah! Kumuha ako ng buhangin at ibinato sa kanya. Napatigil naman sya sa pagtawa dahil may pumasok na mga buhangin sa bibig nya. Buti nga! Hahaha. Bago nya pa ko magantihan tumakbo na ko palayo. Masama pa namang galitin ang isang Steven Matthew a.k.a barbie dahil nagiging lalaki hahahaha. Kinagabihan, nag bonfire kami sa may tabi ng dagat. As usual magkakasama na naman ang mga lovebirds kaya kami ni Barbie ang magkatabi. " Sayang wala si Jennie gurl no." sabi ko kay barbie. Bigla naman siyang umirap sa sinabi ko. " Irap irap ka dyan. Di mo ba namimiss bebe mo?" pang-aasar ko " Yuck Xy! Maghunos dili ka nga! Ang bantot ng bibig mo ah. Tigilan mo yan" lalo akong natawa dahil sa reaksyon niya. Pano ba naman kasi, eto si Jennie gurl nabroken sa ex niyang lalaki, nabaliw si ate mo gurl at naisipang mag pagupit pang lalaki at sinimulan landiin si Barbie. At eto naman si barbie diring diri. " Sige titigil na ko pero ask ko lang barbs, kaninong bahay pala yung nasa dulo? Yung mukhang haunted House? " tanong ko. " Ahhh, yun ba? Lumang bahay yun ng mga Dryx ( pronunce as Dri-yixs ) " napatango naman ako. " May mga multo ba dun? " curious kong tanong, para kasing gusto kong pumunta dun. Hindi ko alam kung bakit but my curiosity kills me. Pagcurious pa naman ako sa isang bagay hindi ko titigilan yun hanggang hindi ko nalalaman. " Wala naman akong nababalitaan na may multo dun. Kaya siguro wala, teka bakit kaba tanong ng tanong tungkol dun? " kumuha ako nang bote ng beer na nasa harapan ko. " Wala naman parang may kakaiba kasi dun sa bahay." binuksan ko yung beer at tinungga yun. " Sabagay, sabi ni mader maganda rin daw yung loob nun para museum style kasi may mga malalaking painting. Though hindi pa ko pinapanganak nung pumunta sila mader dun kaya di ko knows. Wait lang Xy kuha muna ako ng Jacket nilalamig na ang porcelain skin ko. I'll be back " tumango ako at hinayaan siyang umalis. Tumingin ako sa paligid ako madilim na masyado. Tinignan ko yung nga kasama ko na busy sa mga jowa nila. " Tss.. " edi sila na may jowa at ako na wala. Bahala sila sa buhay nila. Pagtapos namin mag-inom ay pumasok na sila sa loob dahil puro lasing na sila. At habang ako naman ay naglilinis ng mga kalat namin. " Xy, matulog na tayo yung mga katulong na lang ang maglinis jan. Antok na antok na ko " sabi ni Barbie. Medyo tipsy na si bakla pero nakaawra pa rin yung tayo. " Edi matulog kana, ako na bahala dito. Magpapatanggal muna ako lasing" pinulot ko yung mga can beers at yung mga uses cups pati na rin yung mga bote ng hard drinks na ininom nung anim. " Sige na nga, magbeabeauty rest na ako. Tapusin mo na kagad yan tas pumasok kana. Di ko ilolock yung pinto" kumendeng kendeng pa siya papasok sa kanila kaya natawa ako. Bakla talaga. Habang nagliligpit ako biglang nagvibrate yung cellphone ko kaya kinuha ko yun at tinignan ko kung sino yung tumatawag. Muntik ko ng mabitawan yung cellphone ko at biglang bumalik yung mga scenarios sa bahay nila. Ivan calling.... Sumikip yung dibdib at medyo nahihirapan akong huminga. Nandito pa rin pala yung sakit. Di pa rin pala nawawala yun. Ivan was my first boyfriend kaya siguro mahirap kalimutan yun. At naloko ako, at least I deserve an apology. Pikit mata kong pinindot yung answer. " H-hello " mahina kong sabi. Why did I scattered? [f**k it babe! Ughh! s**t! Faster!] Tumulo na ung mga luha ko sa narinig ko. Akala ko maririnig ko na yung apology na dapat sakin. Binaba ko na yung tawag dahil ayoko na marinig yung mga susunod, mga kababuyan nila. Tangina sila. Umupo ako sa harapan ng bonfire at kinuha ko yung natirang hard drinks na nasa ice bucket. Binuksan ko yun at ininom pero napa ngiwi naman ako sa lasa. Hindi naman kasi ako umiinom ng hard drinks, hanggang light beer lang ako. Naparami ako sa inom kaya nahihilo na ko. Paalis na sana ako ng makaramdam ako ng sobrang sakit sa ulo. Yung parang may biglang kuryente na dumaloy sa tenga ko at nagistay lang dun. " Agggghhhh! " napasigaw ako sa sobrang sakit, tinatakpan ko na yung tenga ko. Ano bang nagyayari sakin? Aftershocks ba to? Hindi na talaga ako iinom sa susunod. " Aggghhh! Ang sakiiittt! Make it stop! " umupo ako sa sobrang sakit at tinakpan yung tenga ko. Hindi ko na kaya. Somebody help me. " Xy.... " •••••••••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD