KILLIAN 03

2432 Words
Isang Linggo akong hindi makausap ng matino, hindi ko matanggap na wala na ang Papa ko. I always crying, parang walang katapusan na tumulo ang mga luha ko. “Hija, hija? Please come out, please.” Mommy said. Hindi lang si Mommy at si Daddy ang pumunta rito sa kwarto ko upang sabihin sa akin na kumain na. Wala akong gana sa lahat at sa isang Linggo ay walang Killian akong nakikita. Mas lalong naramdaman kong wala akong kasama at walang may pake sa nararamdaman ko ngayon. Matamlay akong tumayo mula sa kama, inayos ko ang buhok kong sabog na sabog. Nakasuot pa ako ng pajama, pagbukas ko sa pinto ay kaagad kong nakita si Mommy, ang kanyang mukha ay puno ng pag-aalala para sa akin. “Hija? Fix yourself, the breakfast is ready.” mahinang sabi niya sa akin. Kahit wala akong ganang kumain ay tumango ako sa kanya, bago ko isinara ulit ang pinto at pinanood ko munang bumaba si Mommy sa hagdan. Nang tuluyan na siyang nakababa ay tsaka ko palang sinara ang pinto at nagbihis. “Maam? Ma'am Cali, bumaba na raw po kayo.” ani ng kasambahay habang nagsusuklay ako sa harapan ng salamin. “Susunod na po, Ate!” sagot ko at tinignan ulit ang itsura bago naglakad palabas ng silid. Pagbaba ko ay dumeretso agad ako sa hapag-kainan, nadatnan ko si mommy at daddy na parehong tahimik habang nakaupo at mukhang ako ang hinintay nila bago kumain. Kaagad akong nakaramdam ng hiya, “Good morning po,” mahinang sabi ko tsaka umupo sa bakanteng upuan. “How are you, Hija?” Daddy asked. Hindi agad ako nakasagot, nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Mommy held my hands. “I know, hija. Sa lahat na mga nangyari ay ikaw ang mas naapektuhan but hija you need to get up. Dahil sigurado akong hindi magugustuhan ng Papa at Mama mo ang nangyari sayo ngayon. Walang magulang na natutuwang makikita nila ang anak nilang nalugmok.” mommy’s words felt like I was being stabbed by a million needles. I know what they mean at tama sila, hindi pwedeng hanggang mukmok at iyak lang ang gagawin ko. Dahil sigurado rin ako na hindi nila magugustuhan na nakikita akong ganito. Habang sumusubo ako ay biglang tumulo ang luha ko, in think this is the last I will cry. Tumango-tango at suminghot, “Yes, Mom and Dad. Don't worry po,” mahinang sabi ko. “Babalik na po ako mamaya sa condo namin ni Killian—” “Hija, hindi ka namin pinapaalis.“ agap ni Mommy, “Sinasabi lang namin na huwag kang magmukmok at umiyak lang dyan. Kailangan mong mamuhay ulit ng normal dahil lumilipas ang araw hindi humihinto.” dagdag ni Mommy. Tumango ako sa sinabi ni Mommy, “I know, Mom. Kailangan ko talagang umuwi dahil nandon po ang asawa ko,” ani ko pa. Ayoko silang tanungin kung bakit wala si Killian rito lalo na dito ako nag-stay. Malungkot naman na tumingin ang dalawa sa akin, alam naman nila na hindi maganda ang pagitan namin ng anak nila. Pero umaasa sila na magiging maayos ang lahat. “I’m sorry, hija. Dahil sa inaasta ng anak namin, huwag kayong mawalan ng pag-asa darating ang araw na magkaayos kayo, manalig lang tayo sa itaas.” ani ni Mommy. Pagkatapos ng agahan ay kaagad kong inasikaso ang mga gamit ko at inayos ang sarili, ngayon ako uuwi sa condominium unit namin ni Killian. Regalo yon ni mommy at daddy sa amin ng maikasal kami. May bahay naman ako at may bahay rin si Killian pero gusto kasi ni mommy na doon kami titira pansamantala hangga't hindi pa tapos ang renovation ng bahay ni Killian. Habang pababa ako ay nakita ko si mommy na masayang nakipag-usap sa babaeng hindi pamilyar sa akin. “Lorebel sweetie, you're so nice hindi ka pa rin nagbabago. Killian is okay and beside his wife is here, you already know her right?” nakangiti na tanong ni Mommy sa babae. “W-wife? Killian is already married?” gulantang na tanong ng babae. Imbes na bumaba ay hindi ko ito tumulay sa halip ay mariin akong nakikinig sa usapan nila. Alam kong mali ang makikinig lalo na hindi ka kasali sa usapan pero na-curious talaga ako sa babae, I feel something to her, something that I can't explain. “Yes sweetie, sayang lang at hindi ka nakadalo sa kasal nila.” nanghihinayang na sabi ni Mommy. “Hindi ko po kasi nabalitaan Tita, kailan lang ba sila ikinasal?” tanong ng babae. Napataas ng bahagya ang kilay ko, bakit sobrang kuryoso siya sa aming mag-asawa? Iba talaga ang kutob ko sa babaeng to. “I’m sorry, sweetie. Hindi kasi namin na-anunsyo dahil sa kagustuhan ng bride and we respect her decision.” Napa- buntong hininga ako, alam ko naman kung bakit ako ang ginawa nilang rason. Malamang na magtataka ang mga tao lalo na at kilalang tao sila. At biglang magpapakasal ang Isang Killian Santiago, malaking balita iyon. Kaya kung ako ang gagawin nila na rason ay walang makikitang mali ang mga tao. “Ah okay po, Tita. Nakakapagtaka lang po kasi, so aalis na po ako. Dumaan lang po talaga ako dito para ibigay sayo ang pasalubong ko.“ paalam ng babae. “Kakadating mo lang ba galing Saudi?” Mommy asked her. Ngumiti naman ang babae bago sumagot, “Yes po, tita. Sinadya ko po talagang huminto rito upang ibigay sayo ang pasalubong ko, atsaka po madaanan ko lang naman ang bahay niyo patungo sa destinasyon ko po.“ “Nag-abala ka pa, sweetie. Pwede naman kasi na sa susunod mo na lang ito ibigay, you need to rest malayo-layo din ang byahe mo but thank you for this.“ nakangiti na sabi ni Mommy. Nagyakapan pa ang dalawa bago tuluyan na umalis, tsaka lang ako gumalaw sa kinatatayuan ko at naglakad pababa ng hagdan. “Hija ready ka na ba? Ihahatid ka namin ng Daddy mo.” sabi niya at ngumiti. I secretly sighed before I give her a smiled. “I’m okay Mom, si manong Edmon na lang po ang maghahatid sa akin.” ani ko at mahigpit na hinawakan ang maleta na dala ko. “Is it really okay that Manong Edmon will drive you there?“ ani niya at tinitigan ako na naghahanap ng ibang emosyon. Kaagad akong tumango sa kanya at ngumiti, “Yes mom, wala din naman si Killian doon baka May importanteng lakad.” Hindi kasi nag-stay si Killian sa condo, kapag nandoon ako umalis siya. Kapag wala naman ako don tsaka pa lang siya tatambay doon. Tuwing umaalis din siya hindi siya nagsasabi kung kailan uuwi basta-basta na lang itong aalis at biglang uuwi tapos kapag nakikita ako aalis din. Sa madaling salita, iniiwasan niya ako. “Ganon ba? Sige mag-ingat ka sa byahe okay? Dadalaw na lang kami ng Daddy mo doon.” nakangiti na sabi ni Mommy. Tumango ako sa kanya bago naglakad palabas, pagdating ko sa garahe ay kaagad kong tinawag si Manong Edmon at sinabihan na aalis na kami. Hindi na ako umasa na nandoon si Killian sa condo kaya ng pagdating ko ay huminga na lang ako ng malalim. Walang bakas ni Killian. “Ma’am saan ko po ilalagay ang maleta niyo?“ tanong sa akin ni Manong. “Diyan lang po sa sofa, thank you po Manong.” pasasalamat ko sa driver at inilibot ang paningin. Ilang sandali lang ay umalis na ang driver kaya naman ay naglibot ako sa buong condo, its look like may naglilinis rito dahil walang alikabok akong nakikita. The whole condominium is plain, the paint is gray and white na naging dahilan ng mas walang kabuhay-buhay ito. Habang naglilibot ako ay biglang tumunog ang cellphone, In thought Killian called me pero ang kaibigan ko pala. “Khala bebs, I miss you!” paglalambing na sabi ko sa kaibigan ko. Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko in the past few days ay kailangan kong bumangon, hindi pwedeng hanggang iyak lang ang gagawin ko. “You don't need to pretend, I know what happened to Tito. I'm sorry at wala ako dyan ng pumanaw si Tito at wala ako diyan upang damayan ka.” I smiled kahit hindi niya naman ako nakikita, “I'm really okay bebs, how are you? How about tita? Is she okay now?” I asked. Huling tawag niya sa akin ay nasa US na silang dalawa dahil doon operahan si Tita, atsaka hindi ako demanding na kaibigan. I know Khala is busy, may trabaho siya at aalagaan niya pa ang ina niya. “Uuwi na pala kami bukas dyan sa Pinas, pwede na kasing biyahe si mama.” excited na balita niya sa akin. “Really?!” magiliw na tanong ko, “I’m so excited to meet you two again! I really miss the two of you. Siya nga pala, nakausap mo na ba ang sinasabi kong may-ari ng isang nightclub dyan?” tanong ko ng maalala ko ang huling pag-uusap namin. Balak kong magtago ng branded clothes store doon sa US, khala and A always talk about the soon-to-be business naming dalawa. Ako ang magtatayo ng clothes store habang siya ay spa and massage services naman. Perfect right? Ang huling nagtayo kasi ng negosyo doon ay mali ang nakuhang spot, nightclub ang itinayo niya pero hindi naman bagay don dahil wala gaanong gumagala sa lugar at walang party people doon dahil mas prefer yata ang mga kilalang nightclub. Kaya huminto ang may-ari at itinigil ang renta, nasagap ko lang din ang balita dahil sa batchmate namin ni Khala. Tinanong niya kasi ako last month kung interesado ba ako, dahil bakante daw ang space don. “Y-yeah but beb, are you sure na kukunin natin yon?” alanganin na tanong ni Khala. Napakunot naman ang noo ko, “Why? Pangit na? Maliit ang space—” “Hindi naman sa pangit at maliit ang space, beb. Hindi lang talaga siya pang business spot, sobrang tahimik ng lugar at akala ko din ang sinasabi mo is itong katapat kung saan kami nag stay ni Mama pero hindi pala.” Mas lalong lumalim ang gitna ng noo ko. “What do you mean?” naguguluhan na tanong ko. “Mali ang info na nakuha mo, yong sinabi ng batchmate natin noong highschool mali yon. Dalawa ang bakante nila at iba-iba ang lokasyon at ang natitira na lang ngayon ay yung tahimik na spot.” paliwanag niya sa akin. “Talaga? How about dyan sa katapat niyo ni Tita? Maganda ba for business?” tanong ko. “Not sure though, but maganda ang lokasyon. Perfect for business dahil dinarayo ito ng mga tao lalo na at marami-rami na ang establisyemento.” Khala said. I sighed, “Balitaan mo na lang ako bebs, bonding tayo kapag dadating Kana bukas. I miss you again.” Maghapon akong nakatunganga, natapos ko na rin ang mga gawain sa bahay pero walang kahit anino niya ang nagpapakita. Alas sais na ng gabi ng nagpasaya akong kumain na malapit lang na restaurant. Tinatamad na kasi akong magluto tsaka ako lang naman ang kakain. Nagbihis ako ng kulay itim na body on at pinarisan ko ito ng flat sandals, matangkad na ako kaya hindi ko na kailangan pang magsuot ng heels. Bitbit ang wallet ay lumabas ako sa condo at dumeretso sa elevator at pumasok, habang pababa ang ito ay huminto ito sa isang floor at pumasok ang Isang gwapong lalaki. Even his handsome, mas gwapo pa din talaga para sa akin si Killian. “Dinner?” biglang tanong ng lalaki sa akin. Hindi ako umimik, nakatingin lang ako sa kanya kaya ng mapansin niya siguro ang reaksyon mo ay nagkamot agad siya sa kanyang ulo. “I’m sorry, I'm a new here I don't know if they have a resto here or I need to go outside to find a restaurant—” Hindi ko mapigilan na hindi magtaka, what did he mean? Wala siyang alam kung may restaurant ba rito sa condo ko wala? “Hindi mo alam na may restaurant rito?” hindi ko mapigilan na tanungin siya. Kaagad siyang umiling, “Nope, makabalik ko lang kasi dito sa pinas—” Mayron namang restaurant rito pero maraming kumakain ngayon lalo na at alas sais na ng gabi. “Kung hindi mo mamasamain, pwede kang sumama sa sakin. Malapit lang naman ang restaurant kung saan ako madalas kumakain.” bukal sa loob na pag-aya ko sa kanya. “Hindi ka takot? Don't get me wrong, I'm stranger tapos yayain mo ako.” aniya sa akin. Kaagad akong umiling sa kanya, “Kung hindi ka naman masamang tao, why not? And beside maraming tao ang kumakain doon.” ani ko at inayos ang suot na bodycon. Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay na para bang sumusuko, “I’m not that kind of person,” aniya habang natawa pa. “By the way I'm Michael and you are?” dagdag niya at inilahad ang kanyang kamay. “I'm Caliraya,” sagot ko at tinanggap ang kanyang kamay. “Let's go?” aniya ko at sabay kaming lumabas sa elevator, hindi na kailangan na sumakay dahil pwede namang lakarin lang, malapit lang naman. Tsaka baka aabutin kami ng Isang oras bago makarating doon kung gagamit pa kami ng sasakyan dahil sa traffic. “Saan ka pala galing? You said earlier that kakabalik mo lang sa Pinas?” hindi ko mapigilan na itanong sa kanya habang naglalakad kami patungo sa pupuntahan namin na restaurant. “I'm from new York,” sagot niya habang nakangiting nakatingin sa akin. “Half Filipino?” tanong ko dahil “Yes, my mother is a Filipina and my father is a New Yorker.” sagot niya habang sabay kaming naglalakad. Tumango naman ako sa kanyang sinabi, “Ang husay mong mag tagalog.” komento ko. Napakamot naman siya sa kanyang ulo, “Almost ten years din akong naninirahan dito sa Pinas at ngayon lang ako nakabalik because of my work.” “Wow?! What is your work by the way?” I asked. “I'm a representative from a New York company,” he answered. Napatango naman ako sa kanya, “That's good, pasok na tayo?” sabi ko ng tumapat na kami sa entrance ng Italian cuisine. Tumango lang siya sa sinabi ko kaya nakangiti akong pumasok, ngunit ang ngiting yon ay biglang naglaho na parang bula dahil sa pares ng mata. My husband's eyes are looking at me like he wants to eat me alive right now. “Killian,” mahinang bulong ko sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD