CALIRAYA POV:
"New work, new day,” bulong ko sa sarili habang nakatitig sa repleksyon ko sa salamin. Naka-ayos na ako, nakasuot ng isang simpleng damit pang-opisina - isang puting blouse na may mahabang manggas at isang itim na pencil skirt. Isang pares ng itim na flat shoes ang suot ko, praktikal at komportable para sa maghapon na paglalakad sa opisina. Bagong trabaho, bagong simula. Kaya ko 'to.
Huminga ako ng malalim, pinipilit kong maging positibo. Kahit sobrang pait ng taon ko last year, hindi pwedeng pait din ang taon ko ngayon. Kailangan kong maging masaya. Kailangan kong mag-focus sa bago kong trabaho. Lumabas na ako ng kwarto at naglalakad papunta sa pinto upang maka-alis na. Hindi ako magdala ng kotse ngayon, tinatamad akong magmaneho at baka traffic din.
Bumaba na ako sa lobby, ilang sandali lang ay may taxi na huminto sa harap ko.
"Saan po kayo pupunta ma'am?" Tanong ng driver.
"Sa DK building po," sagot ko. Sumakay ako sa taxi at umupo sa likod. Habang nagmamaneho ang taxi, napapansin kong matirik ang sikat ng araw. Napangiti ako, isang senyales na maganda ang unang araw ko sa trabaho.
Kailangan kong maging masaya sa unang trabaho para maganda ang resulta. Kailangan kong mag-focus sa trabaho. Hindi ko pa nasabi kay Killian na may trabaho na ako, at lalong hindi ko din alam kung ano ang nangyari noong new year. Bakit wala sila at bakit parang pinaglalaruan nila ako sa mga oras na yon.
Nang makarating ako sa tamang building ay binigay ko sa drayber ang bayad ko at lumabas, napabuntong-hininga ako habang tumingala sa mataas na building.
Nang makapasok ako sa lobby ng building, napa-awang ang bibig ko. Ang laki pala ng kompanya! Sobrang ganda ng disenyo, at ang daming tao. Hindi ito ang pinuntahan ko na kompanya noong nag interview sila, isang branch yata nila yon dahil hindi ganito ka tayog iyon.
"Nasaan kaya ang Human Resources Department?" Naisip ko habang nakatingin sa paligid. Kailangan kong mag-check in at malaman kung ano ang susunod kong gagawin.
"Teka lang, sekretarya nga pala ako ng boss nila," naalala ko, at nag-ningning ang aking mga mata. "Siguro nasa pinakamataas na palapag siya."
Napatingin ako sa mga elevator. May nakita akong karatula na nagsasabing "Executive Floor." Doon sigurado siya!
Pero bago pa man ako makalapit sa mga elevator, nakita ko ang isang babae na naka-assign sa lobby. "Excuse me," magalang kong tanong, papalapit sa kanya. "Pwede po bang magtanong kung saan ko po makikita ang opisina ng boss?"
"Syempre naman," sagot niya, nakangiti nang nakakaaliw.
Ginantihan ko ang kanyang ngiti, at medyo humupa ang nerbyos ko. "Ako po kasi ang bagong sekretarya," paliwanag ko. "Hinahanap ko lang po ang floor ng boss."
"Nasa Executive Floor po siya," kumpirma niya. "Sumakay ka lang po sa elevator at pindutin ang button para sa pinakamataas na palapag."
"Maraming salamat po," sabi ko, nakahinga ng maluwag.
Naglakad ako patungo sa elevator at pinindot ang button para sa Executive Floor.
Pagpasok ko sa elevator, huminga agad ako sa disenyo nito. Napakaganda, ang bawat detalye ay maingat na ginawa. Parang nakapasok ako sa ibang mundo. Ilang sandali lang, tumunog ang elevator, hudyat na nasa 20th floor na ako.
Habang bumubukas ang pinto ng elevator, huminga ako nang malalim. Unang araw ko bilang sekretarya ng DK Company. "Kaya ko 'to," bulong ko sa aking sarili, sinusubukan kong alisin ang nagbabadyang kaba.
Pero nang lumabas ako sa elevator, parang biglang nanlalamig ang buong katawan ko. Hindi ko inaasahan ito. Akala ko makikita ko agad ang isang malaking opisina ng magiging boss ko, pero nakita ko lang ang mga cubicle. Parang call center ang set-up.
Ang lahat ng mga tao sa cubicle ay nakatingin sa akin, ang kanilang mga mata ay nakatuon sa akin. Naririnig ko ang mga bulungan, mga piraso ng usapan tungkol sa bagong sekretarya. Siguro nagtataka sila kung bakit ako narito.
Nakatayo ako sa harap ng double doors, ang kamay ko ay nag-aalangan na hawakan ang hawakan. Hindi ko magawang kumatok. Parang biglang tumigas ang aking tiyan dahil sa kaba.
"Ano kaya ang sasabihin ko? Magandang umaga po? Magandang araw po? Pwede po bang pumasok? Good morning, Sir? Hindi ko alam!" Bulong ko sa aking sarili, nanginginig ang aking boses dahil sa takot na gusto nang lumunok sa akin.
Ilang ulit kong hinila ang hininga ko, ang kaba ko ay parang isang malaking bato sa aking dibdib. Nakataas sa ere ang kamay ko upang kumatok pero ang mga kamay ko ay nanginginig.
Ilang sandali lang, may lumapit sa akin na isang trabahante. "Ikaw ba ang bagong sekretarya?" tanong niya. Ang kanyang ngiti ay nagpagaan ng aking pakiramdam. May aura siya ng kabaitan, at ang kanyang mga mata ay kumikinang sa likod ng kanyang bilog na salamin.
"Opo," sagot ko, "Ako nga po." magalang kong sagot.
"Ako si Samantha, isa sa mga assistant dito sa department," sabi niya, ang kanyang boses ay malambing at nakaka-aliw. "Halika, ihahatid kita sa opisina ni boss."
Napatingin ako sa double door. Parang biglang nawala ang aking kaba. "Salamat po," sabi ko.
Kumatok siya sa double door at binuksan ito. Sabay kaming pumasok sa opisina.
“Boss, nandito na ang bagong sekretarya mo.” Sabi ni Samantha, ang kanyang boses ay masigla at puno ng pagiging propesyonal. Napapansin ko ang pagiging maingat niya sa kanyang mga salita, tila may respeto siyang ipinapakita kay Drake.
"Good morning po," bati ko sa isang lalaking nakatalikod sa akin. "Ako po si Caliraya, ang bagong sekretarya."
Lumingon siya at ngumiti. "Magandang umaga," sabi niya. "Ako si Drake, ang CEO ng DK Company. Welcome to the team." Aniya pero ang kanyang anyo ay madilim, para bang laging galit sa mundo.
"Salamat po," sagot ko. Naramdaman ko ang isang kakaibang panginginig sa aking tiyan. Parang may isang invisible na pader sa pagitan namin. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, galit ba ito, takot ba, o isang halo ng pareho? Ngunit alam ko, hindi ito ang pagbati na inaasahan ko.
"Samantha, maaari ka nang bumalik sa trabaho mo," sabi ni Drake ang boss namin.
"Sige po, Boss," sagot ni Samantha. "Magandang araw po sa inyong dalawa." Tumango siya sa akin at lumabas ng opisina.
"Umupo ka," sabi ni Drake, tinuturo ang isang upuan sa harap ng kanyang lamesa.
"Ano po ang unang gagawin ko?" Tanong ko.
"Mag-settle ka muna," sagot niya. "Ipapakilala kita sa mga ibang empleyado mamaya."
"Sige po," sagot ko.
Umupo ako sa upuan at tumingin sa paligid. Ang ganda pala ng opisina ng boss namin. Malaki, malinis, at maayos. Pero hindi ko maiwasang mapansin ang malamig at madilim na aura sa paligid. Parang masasalamin nito ang personalidad ng taong nakaupo sa malaking lamesa.
"So Ms.Caliraya," sabi ni Drake. "Welcome to the team. Sana maging masaya ka dito sa DK Company."
"Salamat po," sagot ko, habang nakangiti. "Masaya po akong nandito."
"Okay," sabi niya, "Bago ka magsimula, may ilang rules na dapat mong malaman. Una, ang oras ng pasok ay alas otso ng umaga at ang oras ng labas ay alas singko ng hapon. Ayoko ng late at maraming rason kung bakit. Pangalawa, kailangan mong maging maayos at propesyonal sa lahat ng oras. Pangatlo, kailangan mong maging matulungin at maasikaso sa lahat ng empleyado. At panghuli, kailangan mong maging tapat at maaasahan."
"Opo, naiintindihan ko po," sagot ko.
"Mabuti," sabi niya. "Mayroon lang akong isang pakiusap. Ang mga nakaraang sekretarya ko, puro papansin lang ang alam. Gusto kong malinaw sa'yo na hindi ako interesado sa mga ganoong bagay. Gusto kong maging propesyonal ang lahat ng ating pakikitungo. Ang trabaho mo ay tulungan ako sa aking mga gawain, at wala nang iba."
"Naiintindihan ko po," sagot ko. "Gagawa po ako ng aking makakaya para maging mabuting sekretarya."
"Mabuti," sabi niya. "Ngayon, mag-settle ka muna. Ipapakilala kita sa mga ibang empleyado mamaya. At kung may tanong ka, huwag kang mahiyang magtanong."
"Sige po," sagot ko.
Tumayo na ako upang mag-ayos ng mga gamit at magsimulang magtrabaho. Ang lamesa ko ay nasa labas ng opisina ni Boss Drake, nandon ang cubicle ko at computer ng kompanya.