KILLIAN 08

1609 Words
CALIRAYA POV: Habang may nakakadiri silang ginagawa, napatingin si Lorebel sa banda ko, bigla siyang ngumisi at mas lalong niyakap niya ang leeg ni Killian. I can't move, pakiramdam ko ay pinako ako sa kinatatayuan ko ngayon. Ang luha ko ay malakas na nag-agusan. Tumalikod ako sa kanila at sa loob ng kusina nalang ako tumambay hanggang sa matapos sila. Sobrang bigat ng dibdib ko, parang milyon-milyon na tinusok ng karayom ang puso ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito matitiis. Pagkatapos ng lahat ay bumalik sila sa dati, parang walang nangyari. Kahit distansya ako sa kanilang dalawa ay naaamoy ko ang kanilang kababuyan. "Iha, ang tahimik mo?” biglang tanong ni mommy. Gulat akong napatingin sa kanya, hindi ko napansin ang kanyang paglapit, “Sorry po, may iniisip lang ako.” pagsisinungaling ko. “Ano naman? Killian said may kinikita kang ibang lalaki? Who is he?” Hindi ko alam, pero kakaiba ang dating sa akin ang kanyang tanong. Hindi tanong yon kundi pang-aakusa na may lalaki ako, "P-po? Lalaki? What do you mean?” naguguluhan na tanong ko. Hindi siya umimik, tahimik niya lang akong pinagmasdan at bumalik ang kanyang tingin sa dalawa na busy sa pag-iihaw. May sariling mundo sila, na sila lang ang nagkakaintindihan. "How are you being with my son?” Hindi ko alam pero sobrang weirdo niya ngayon, "P-po? Ayos lang naman p—” “Kahit may kabila-bilang babae siya?” Hindi ako nakaimik, hindi ko alam kung ano ang punto niya o ano ang pinapahiwatig niya sa akin. “I'm sorry iha, I'm asking you a random question, let's go? It's time to eat.” pagbawi niya sa kanyang tanong ng makita siguro ang naguguluhan kong pagmumukha. Ang mga pagkain ay nakahanda na sa lamesa, imbes na ako at ang asawa ko ang magkatabi ng upo, si Lorebel na ang kanyang katabi at ang walanghiya, nilagyan pa ng pagkain ang pinggan ni Lorebel. Nakatitig si Daddy sa akin, may isang emosyon na dumaan sa kanyang mga mata kaya naman ay marahan lang akong ngumiti sa kanya upang iparating na ayos lang ako. Habang kumakain kami ay naririnig ko ang kanilang kwentuhan, Biglang tumawa ng malakas si Lorebel na naging dahilan ng paglingon naming tatlo nina mommy at daddy sa kanilang banda. “Naalala mo ba noong minsanan na nag-camping tayo sa bundok? Noong nag-away tayo dahil sa tent?” Akala ko tatahimik lang si Killian ngunit bigla siyang tumawa rin, “Of course, halos masira pa ang tent dahil sa sobrang init ng ulo mo non.” Nginitian ni Lorebel si Killian, parang wala silang kasama at ang masakit pa ay alam nilang pareho na nandito ako, “Pero masaya naman tayo sa huli, di ba?” Tumango naman si Killian at sumubo ng pagkain, “Yeah. Masaya naman talaga tayo." Bakit ba ang saya-saya nila? Parang wala lang sa kanila ang lahat ng nangyari. Parang hindi nila alam na nasasaktan ako. Nandito ako, nakikita ang harap-harapan na ginawa nila, at ang masakit ay hindi man lang sila sinaway nina mommy at daddy mukhang naaliw pa nga sila. Out of place ako sa sitwasyon dito, pero ayokong umalis, ayokong magmukhang talunan. Biglang tumingin sa akin si Killian, bigla din bumilis ang t***k ng puso ko. “Caliraya, ayos ka lang? Parang wala ka sa mood ngayon, kung masama ang pakiramdam mo, pwede ka naman magpahinga muna sa kwarto mo.” Pilit akong ngumiti sa kanilang apat, "Okay lang ako.” Tumingin bigla si Lorebel sa akin, "Sana nag-enjoy ka rin sa pagkain. Ang sarap talaga ng pork barbeque si Killian kasi ang gumawa,” pagsasalita niya at tumingin agad kay Killian, “If I remember correctly, sinadya mo talagang mag-aral ng pagluluto because of me.” Pinigilan ko ang sarili kong mag-react, hindi niya ba napapansin na hindi ako komportable sa kanyang topic? Kahit si mommy ay napatingin sa akin pero mukhang walang balak na sawayin ang dalawa. Palihim akong huminga ng malalim, atsaka uminom ng wine. Hindi ko nalang sila pinansin kahit mas mukhang sila ang mag-asawa kaysa sa amin ni Killian. Parang ako pa ang bisita at hindi ang asawa, tumayo ako upang pumunta ng banyo. “Banyo lang po ako,” paalam ko nina mommy at daddy. Pumasok ako sa loob ng mansyon at naglalakad patungo sa kusina kung saan ang isang banyo na pwedeng gamitin ng mga bisita. Pagpasok ko ay kaagad akong umihi, kanina pa ako naiihi pero nahihiya akong nagpaalam lalo na naging seryoso ang usapan kanina. Pagkatapos ko ay agad akong lumabas ngunit nagulat ako ng makita si Lorebel. Nakataas ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin, ang kanyang mukha ay may kung anong binabalak. Tama nga ako, may madilim na ugali ang isang to. Ang malamig na marmol ng sahig ng kusina ay tila sumasalamin sa malamig na hangin na dumadaloy sa puso ko. Nakatayo ako sa harapan ni Lorebel, hindi ko alam kung ano ba talaga ang meron sa kanila ni Killian, wala namang sinabi si Mommy na ex ba siya ni Killian o hindi. "Alam mo ba kung bakit nandito ako, Caliraya?" tanong ni Lorebel, ang boses niya ay puno ng pang-uuyam. "Kasi alam kong hindi ka niya mahal. Mahal pa rin talaga ako ni Killian." Nangunot ang noo ko, hindi ko siya naiintindihan, hindi ako umimik nakatingin lang ako sa kanya. Ang sakit na nararamdaman ko ay tila nagiging bato sa aking dibdib. Mahal pa din siya ni Killian, it means mag-ex nga ang dalawa. "Bakit mo ba siya pinakasalan?" patuloy ni Lorebel. "Alam mo namang hindi ka niya mahal, di ba? Ang tanga mo naman Caliraya." Gustong-gusto kong sumagot at ipagtanggol ang sarili ko, pero tila nawala ang boses ko. Ang mga luha ko ay nagsimula nang tumulo, pero pinilit kong pinigilan ang mga ito. Ayokong nakikita niyang naapektuhan ako dahil sa kanyang sinabi. Biglang ngumisi sa akin si Lorebel, kahit naiinis ako ay hindi naman ako masamang tao upang hayaan na makikita ang kanyang bra, kaya naman inayos ko ang laylayan ng kanyang damit ngunit nagulat nalang ako ng bigla siyang natumba at umiyak. "Lorebel!" sigaw ni Killian, na nagmamadaling lumapit sa banda namin. Ang galit na mata niya ay nakatutok lang sa akin, habang dinaluhan si Lorebel na umiyak habang nakasalampak sa sahig. "Anong ginawa mo sa kanya?" tanong ni Killian, ang boses niya ay puno ng galit. Hindi agad ako nakasagot. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan ko. Ang galit ni Killian ay tila isang bagyo na nagwawasak sa mundo ko. I can't move, alam kong sinadya ni Lorebel na matumba upang magmukhang tinulak ko siya. “W-wala a-akong ginawa s-sa k-kanya,” Utal-utal na sagot ko sa wakas ay nahanap ko ang sariling boses. “Wala? Really? Kitang-kita ko kung paano mo siya tinulak!” Galit na sigaw sa akin ni Killian. Napaatras ako dahil sa gulat at takot na rin sa kanya, tinaasan niya ako ng boses para lang sa babaeng yan. “I didn't do anything, gusto ko lang naman na ayusin ang laylayan ng damit niya dahil makikita na ang kanyang bra.” rason ko, at sa pagkakataon na ito ay buo na ang boses ko at hindi na nauutal. “Ayusin? May ayusin bang itutulak?” Hindi ako nakaimik, gusto kong sabihin na hindi ko naman siya tinulak. Pero ano ang magagawa ko? “Hindi ko siya tinulak, Killian.” pagtanggol ko sa sarili ko. “Nakit ko—” "Hindi ko nga siya tinulak!" sigaw ko, ang boses ko ay nanginginig sa galit at sakit. "Hindi ko alam kung bakit siya natumba, pero hindi ko siya sinaktan!" Pagtatanggol ko sa sarili ko. Oo, inaamin ko nasaktan nga ako sa mga nakita at narinig pero kailanman hindi ko siya sinaktan, hindi ako pinalaki ng pamilya ko upang mang-apak ng ibang tao kahit na may galit ako. Pero ang galit ni Killian ay tila isang pader na hindi mabasag. Ang mga mata niya ay naglalagablab sa apoy na paniniwalang ako talaga ang may kasalanan. "Hindi mo ba nakikita?!" Sigaw niya pabalik. "Magkaharap kayo at nakita ko sa ere ang dalawang kamay mo! Ano sa palagay mo ang nangyari at iisipin ko? Ano? bigla-bigla na lang siyang natumba? Ganun? Sino pa ba ang gagawa kundi ikaw?" "Hindi totoo 'yan!" sigaw ko. "Oo nga nasa harapan niya ako dahil inaayos ko ang laylayan ng damit niya. Hindi ko siya tinulak. Hindi ko siya sinaktan!" Pero hindi niya ako pinakinggan. Ang mga mata niya ay puno ng galit at parang isang iglap lang ay pwede niya na ako sasaktan. "Alam kong nagseselos ka, kaya mo siya sinaktan.” Saad niya, ang boses niya ay malamig at puno ng nang-uuyam. Umiling-iling ako sa kanya, “Kahit nasasaktan at nagseselos ako ay hindi ko siya sasaktan. Hindi ako mababang-uri na babae para manakit ng iba dahil sa kadahilanan na nagseselos.” Kahit gaano ka lalim ang mga salita ko ay parang isang hangin lamang ito pagdating sa kanya. Ang galit niya ay tila isang pader na hindi mabasag. "Umalis ka na sa paningin ko," sabi niya, ang boses niya ay malamig at walang emosyon. "Hindi kita gusto makita." Parang binuhusan ng malamig na tubig ang aking katawan. Ang sakit ay nagsimulang mag-apoy sa aking dibdib. “What's happening here?” Hindi ako tumingin kay mommy, kay daddy ako tumingin ang kanyang expression ay naaawa sa akin at sa mga oras na ito ay alam kong walang maniniwala sa akin kahit sila ay hindi naniniwala. I bow down, hindi nila pansin ang luha ko. Mabilis akong umalis sa kusina at dumaan sa sala upang kunin ang wallet at susi ng kotse ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD