CALIRAYA POV:
Naririnig ko na ang ingay sa kalsada, pero hanggang ngayon ay nakabuka pa rin ang mata ko. Hindi ko magawang matulog, hindi ko pa din makalimutan ang nangyari sa amin kanina at ang masakit pa ay ibang babae ang kanyang tinawag.
Huminga agad ako ng malalim at ilang sandali ay napagdesisyunan kong tumayo upang maglinis ng katawan. khala and I will meet later, at hindi ko alam kung ikwento ko ba sa kanya ang nangyari kagabi o hindi, pero sigurado akong magagalit lang yon sa akin kapag nalaman niya ang katangahan na ginawa ko.
Pagpasok ko sa banyo ay binilisan ko ang kilos, mamayang alas dose ng gabi ay pasko, kaya naman kailangan kong mag grocery para dalhin doon sa mother in-law ko. Nakasanayan ko na doon mag-pasko at ako ang magluto ng iba kahit hindi alam ni Killian.
Alas-otso na ng umaga at kailangan kong pumunta sa bahay ng mga magulang ni Killian. Pasko na, at hindi ko naman pwedeng hindi sila bisitahin.
Pagkatapos kong maligo ay kaagad akong nagbihis at inayusan ang sarili, dinampot ko ang selpon ko upang tawagan ang kaibigan ko. “Beb, are you busy?” tanong ko.
“I have something important to attend right now. Why?” nagtataka na tanong ni Khala sa akin.
“Uhmm, yayain sana kitang mag grocery, Christmas na kasi mamaya.” rason ko.
Kaagad akong narinig ang kanyang pagbuntonghininga, “Hanggang ngayon pala ay ginagawa mo pa din yan? Remember, naaalala mo ba noong ikaw ang nagluto at inakala ni Killian ang kanilang katulong ang nagluto?”
Nanumbalik ang sakit sa dibdib ko ng maalala ang ganap na iyon, akala talaga ni Killian ay ang kanilang katulong ang nagluto ng mga pagkain. Without knowing na pinaghirapan ko ang araw na iyon, kahit na sobrang init at minsan ay napaso ako ay tiniis ko yon dahil sa kanya.
“Huwag mo ng ibalik ang nangyari noon, beb. I already move on about that scene, atsaka kahit hindi niya alam kung sino ang nagluluto, atleast nasarapan siya di ba?”
“Tse! Kailan ka kaya magising sa katotohanan.”
Natatawa na lang ako sa kaibigan ko, dahil busy siya ay ako na lang ang bibili ng grocery. Magdadala na lang ako ng kotse, balak ko sana ay mag taxi lang dahil tinatamad ako. Nang makuntento sa itsura ay kaagad akong lumabas sa kwarto at naabutan si Killian na prenteng nakaupo habang nagkakape at nagbabasa ng dyaryo.
Mahigpit kong isinara ang kamao ko, habang nakatingin sa kanya. Parang walang nangyari kagabi dahil sa kanyang inasta. Dadaanan ko lang sana siya ng bigla itong nagsalita.
“When are you going to tell me about your decision?” malamig na tanong niya sa akin. Ang kanyang mata ay nakatuon sa binasaba niyang dyaryo, pero makikita mo agad na ang kanyang atensyon ay na sayo pala.
“I will tell you, as soon as possible, Killian. Huwag kang magmadali at baka magsisi ka.” makahulugan na sambit ko at agad na lumabas ng condo.
Nang makarating ako sa kanilang bahay, narinig ko ang mga boses nila mula sa sala. Si mommy, ang biyenan ko, at ang babaeng kasama ni Killian, si Lorebel, ay nag-uusap.
"Tita, kung sakaling maghiwalay na sila ni Caliraya, magpapakasal agad kami ni Killian.” ani ni Lorebel.
Kaagad kong nakita ang malaking ngiti ni Mommy, para bang nasiyahan siya sa nalaman.
Habang ako ay nanlaki ang mga mata dahil sa narinig. Hindi ko inaasahan na maririnig ko ang ganitong usapan. Akala ko talaga ay ipaglalaban ako ni mommy. Akala ko ay gusto niya ako?
"Lorebel, huwag kang mag-alala," sagot ni mommy. "Kung sakaling maghiwalay na sila, ayos lang sa akin na agad kayong magpapakasal ni Killian. Matagal ko ng gusto yan.”
Parang bumuhos ang malamig na tubig sa akin. Kaya pala lagi akong nakakaramdam ng kakaiba kay mommy, akala ko ay nagtatanong lang talaga siya ng random question sa akin at hindi napansin na offend na pala ako.
Kumatok muna ako bago pumasok sa loob, "Ay, darling Caliraya! Dumating ka pala!" masayang bati ni mommy sa akin, ang ngiti niya ay tila hindi naman nagbabago. "Pasensya ka na, nagkukwentuhan lang kami ni Lorebel. Hindi man lang kita napansin.”
Kung siguro hindi ko lang alam na ayaw niya pala sa akin ay masayang-masaya ako sa pakikitungo niya sa akin, "Ayos lang po," sagot ko, pilit na ngumiti. "Pasensya na rin po kung hindi agad ako kumatok."
"Naku, wala 'yon," sabi ni mommy. "Ano ba'ng gusto mong kainin? May niluto akong adobo."
"Salamat po," sagot ko. “May dala po akong grocery para mamaya po."
"Masarap na masarap!" sabi ni mommy, "Lalo na kung kasama ka. Atsaka thank you sa grocery nag-abala ka pa.”
Napilitan akong ngumiti. Pero sa loob-loob ko, nagngitngit na ako sa galit. Hindi ko alam kung bakit ko pinipigilan ang aking sarili. Pero alam kong hindi pa ito ang tamang oras para magkaroon ng away.
"Lorebel, halika na't kumain," sabi ni Nanay Belen. "Magandang araw para mag-celebrate ng Pasko."
"Sige po, Tita," sagot ni Lorebel.
Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang mapansin ang mga tingin ni mommy sa akin. Parang may kung anong masama sa kanyang mga mata. Pero hindi ko na lang pinansin.
Pinilit kong mag-focus sa pagkain, kahit na ang bawat kagat ay parang nababalot ng mapait na lasa. Ang mga salita ni Lorebel ay paulit-ulit na tumutunog sa aking isipan, "Kung sakaling maghiwalay na sila, agad naman kaming magpapakasal ni Killian." Parang isang kutsilyo na tumutusok sa aking puso.
"Ang sarap naman ng adobo mo, mommy," sabi ko, pilit na ngumiti. "Talagang masarap magluto si Nanay."
"Naku ikaw talaga Caliraya, wala 'yon," sagot ni mommy, ang ngiti niya ay tila hindi naman nagbabago. "Masarap ka naman kasing kumain, kaya masarap din ang luto ko."
"Oo nga, Caliraya," singit ni Lorebel. "Ang swerte ni Killian na ikaw ang asawa niya."
Napatingin ako kay Lorebel. Ang mga mata niya ay parang nagniningning sa galit. Alam kong hindi siya nagbibiro. Alam kong gusto niya talaga si Killian. At alam kong gusto rin ni Killian si Lorebel.
"Salamat," sabi ko, pilit na ngumiti. "Pero hindi naman ako maswerte. Maswerte di Killian dahil mahal ko siya."
"Naku, Caliraya," sabi ni mommy "Huwag kang mag-alala. Mahal ka rin ni Killian."
Gusto ko tuloy sumuka dahil sa kanyang sinabi, matatanggap ko pa ang ibang salita niya kaysa mabigkas niya ang pangalan ko kahit naman niya sinasadya.
Tumayo ako mula sa upuan, nakailang inom na kami, ang aking mga paa ay parang nanghihina. Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko. Kailangan kong umalis at baka bigla na lang akong mag breakdown sa kanilang harapan.
"Mommy, aalis na po ako," sabi ko. "Salamat po sa pagkain."
"Ay, Caliraya, bakit ka aalis?" tanong ni mommy. "Mag-stay ka muna saglit at darating na din si Kill—”
"Hindi na po," sagot ko at hindi na siya pinatapos sa kanyang sinasabi. "May gagawin pa po ako."
"Sige na, Caliraya," sabi ni mommy. "Ingat ka sa pag-uwi."
Naglakad ako patungo sa pinto, ang aking mga mata ay nakatutok sa sahig. Hindi ko na kayang makita ang mga mukha nila.
Pero bago pa ako makalabas ng pinto, may humawak sa aking braso. Si Lorebel. Nakataas ang kilay niya, at ang mga mata niya ay nagniningning sa panunuya.
"Saan ka pupunta, Caliraya?" tanong niya. "Takot ka bang makita ang totoong mukha ng mga tao?"
"Lorebel," sabi ko, ang aking boses ay nanginginig. "Wala kang pakialam sa akin."
"Meron," sagot niya. "Gusto kong makita kang umiiyak. Gusto kong makita kang nagmamakaawa, habang trinaydor ng mga taong pinagkatiwalaan mo.”
"Hindi ako magmamakaawa," sabi ko. "At hindi ako iiyak."
"Talaga?" tanong niya. "Tingnan natin."
Hinawakan niya ang aking braso ng mahigpit. "Hindi ka makakaalis hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung ano ang magiging desisyon mo.”